kabanata 11

342 19 1
                                    

Addison's POV

"Maganda siya, huh." sabay hawak sa mukha ko. "Ba't naman ako naging kamukha niya?"

"Wala akong ideya." Sabi ni Caspion. Tumingin siya sa repleksyon ko sa salamin. "Pero aalamin ko."

"Huwag mo ng alamin. Di ka ba masaya? Kamukha ko na ang minamahal mo."

"Yun nga eh. Bakit naging kamukha mo siya, magkaiba naman kayo."  Malamig niyang sabi at umalis siya. Anong problema nun? Pinapamukha niya ba sa akin na magkaiba talaga kami ni Sariel? Ayaw niyang maging kamukha ko si Sariel dahil nag iisa lang ang minamahal niya?

"Tama ka nga naman. Di ko matatapatan ang minamahal mo. Tao lang nga ako diba? Inosenteng bata lang ako." Nilingon ko siya. Napatigil siya sa paglalakad pero nakatalikod parin siya.

"Di kana inosente ngayon. At di na magiging inosente pa." sabi niya at naglakad paalis.

Umirap lang ako. Yung demonyong yun, di ko talaga maintindihan. Tiningnan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Napakaganda nga niya. Di na nakakagulat kung napakaraming nagkakagusto sa kanya.

Pero ba't nagkaganito? Gusto niya bang lumabas sa katawan ko? Ayaw niya naba magtago? Kung minahal siya ni Caspion at Azrael, sino sa kanila ang pinili niya? Pwedeng si Azrael dahil anghel din ito, kung si Caspion di narin ako magugulat. Napakamaalaga naman ni Caspion kaya lang ang demonyo sa katawan niya ay di niya nakokontrol.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Jake sa tabi ko.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung nagmahal ba si Sariel." Sabi ko sa kanya sa repleksyon.

"Gusto mong makaalam ng sekreto?" Tanong ni Jake ng nakangisi.

Ngumisi ako parang alam ko to, eh. Nabiktima na ako nito, eh. "Alam ko na yang style mo eh. Wala kang masasabing matino. Ano naman ngayon? Alam mo kung saan nakalagay ang bra at panty ko?" Walang gana kong tanong.

Tumawa siya. "Ano ka ba? Di yun. Oo alam ko kung saan nakalagay pero ito talaga..." Naging seryoso ang mukha niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tiningnan niya ako sa repleksyon. "Gusto mong malaman sinong mahal ni Sariel?" Nanlaki ang mata ko.

"S-sino?"

Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Ako." Humarap agad ako sa kanya at sinipa siya. Tumawa lang siya.

"Wala ka talagang matinong sagot, noh?"

May narinig kaming kumatok. Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan kung sino man yun. Si Amy at may kasama siyang lalaki.

"Uh... Sino ka? Nasaan si Addison?" Tanong niya at pinasadahan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Ako ito si Addison." Proprotesta sana siya. "Napadami lang ang cream kaya naging ganito ang mukha ko. Nagmake-up din ako." para di magduda.

"O...kay." tila di siya kombinsido. "Mag usap tayo." Sabi niya at pumasok sa bahay kasama ang lalaking kasama niya. Gwapo ang lalaki, ha.

Umupo siya sa sofa at tumabi sa kanya yung lalaki.

"May nangyari kasi..." Paninula ni Amy. Di ba niya ipapakilala sa akin ang lalaki?

"Ano naman?" Tanong ko at umupo sa kaharap niyang sofa.

"Uhm... Posible bang mapunta sa mundo ng mga tao ang isang Incubus?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Ang alam ko sa panaginip lang yan, matatagpuan."

"Di mo ba ako ipapakilala sa lalaking yan?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. Tumingin siya sa likod kaya napatingin din ako. Si Jake. Nakikita niya si Jake?

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon