Addison's POV
"Nasaan naba si Lyn?!" Inis na tanong ni Kuya Calvin. Kanina pa siya naghahanap sa isa pa niyang anak nasi Lyn.
Labas pasok siya dito sa dining room. Kumakain na kami, siya parang binagsakan ng langit at lupa.
"Zen, wala talaga, eh!" Sumbong niya kay ate Zen at umupo na sa upuan niya. Si ate Zen nakatingin sa cellphone niya.
"Nandito na sila." Sabi niya at tumayo. "Lyn! Nandito na si Andrea!"
"Ano?" Napatingin kami sa ilalim ng lamesa. At nandoon ang isang batang lalaki. Di ko siya napansin sa ilalim.
"Pinaglalaruan mo ba ako?!" Iritang tanong ni kuya Calvin sa anak.
"Opo!" Masaya niyang sabi at tumakbo papalabas sa dining room.
"Talaga lang, ha!" Hinabol naman siya ni kuya Calvin. Natawa nalang kaming lahat.
Ang saya ng pamilya nila. Nung nawala ang mga magulang ko ay naghanap na ako ng magulang pero mukhang pinagkait sa akin iyon. Nagkamali ata ako dahil nandito na sa harap ko ang hinihiling ko.
"Masaya kaba?" Tanong ng katabi ko. Tumingin ako sa kanyang at nakangiting tumango.
"Oo naman. Ang saya ng pamilya mo."
Ngumiti siya at ginawaran ako ng halik sa labi.
"Masaya ako dahil masaya ka."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Masaya din ako dahil nandito siya. Kasama ko siya sa pamilyang ito, parte siya ng pamilyang ito. Pamilyang di maibigay ng tatay niya.
~•~
Kasalukuyan kaming nandito sa labas. Sa garden nila. Umupo kami sa may swing. Nakatingin lang ako sa buwan. Napakaliwanag ng buwan ngayon, ito ang nagsisilbing liwanag sa amin ngayong gabi.
Magkahawak kamay kami ni Caspion. Tahimik lang kami at nakikinig sa mga kuliglig na nagsisilbing ingay sa aming dalawa.
"Mahal kita." Napatingin ako kay Caspion na nakatingala lang.
"Mahal din kita." Sagot ko. Tumingala ako ulit.
Caspion's POV
Hawak hawak ko ang kamay ni Addison. Nakatingala lang ako. Tinitingnan ang buwan.
Gusto ko ang katahimikan na ito.
Mahal ko ang babaeng katabi ko ngayon. Ang nag iisang nagpapatibok ng puso ko. Napaisip ako tuloy kung mawawala siya sa akin, ano kayang mangyayari sa akin kung nagkaganoon.
"Ngayong gabi napagtanto ko ang isang bagay." Sabi ni Addi. Napatingin ako sa kanya, ngunit nakatingala lang siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Ano naman yun?"
"Gusto kong magkaroon ng pamilyang maituturing kong akin." Tumingin siya sa akin. "Masaya ako sa pamilya mo at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya simula nung mawala si mama at papa. Binuhay mo ako ulit. Napag isip-isip ko na gusto ko palang magkaroon ng sarili kong pamilya."
Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya sa akin ang katagang yun. Ang mga mata niyang kumikislap sa sinag ng buwan. Gaya niya ay gusto kong magkaroon ng pamilyang maitatawag kong akin.
"Gagawa tayo ng sarili nating pamilya." Nakangiti kong saad.
"Gusto kong magkaanak tayo bago pa ako maglabing-walo."
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Mahina akong tumawa.
"Bago mo nga lang ni-reject ang proposal ko tapos ngayon ay gusto mong magkaanak tayo?"

BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasía#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...