kabanata 25

234 11 0
                                    


Addison's POV

Nawala ang pagkakapulupot ng malaking ahas sa katawan ko. Tiningnan ko ang anak ko. Namimilipit siya sa sakit.

"Dito siya mamamatay. Mamatay kayo." Sabi niya pa.

Tiningnan ko siya at parang kagagaling niya lang sa iyak.

"May ipapakita ako sayo." May pumalibot sa aming puting usok at sa pagkawala nun. Nandito na kami kila Caspion. Si Annie nakahandusay na sa sahig habang si Jake ay di ko na makilala dahil sa dugo nito sa katawan.

Di rin sila gumagalaw. Mukhang ang mundo ay tumigil sa pag ikot ng mundo.

Ba't may dugo? Isa siyang multo diba?

Napadapo ang tingin ko kay Caspion na may nakatarak sa kanya na espada sa dibdib. Ang nakahawak sa espada ay ang hari.

Napaupo ako at napaiyak nalang.

"Mamamatay sila. Kung ito ang iyong landas na pipiliin."

Napatingin ako sa kanya. May mga luhang umaagos sa pisngi niya. Pinahid niya ito.

"M-may pag asa pa bang mabago ang lahat?"

Umiling siya. "Pero ayoko namang mamatay ang mga anak ko kaya sige pagbibigyan kita."

Nagkaroon ako ng pag asa. "Paano? At anak?"

Malungkot siyang tumawa. "Anak ko si Annie at Jake. Pero magkaiba ang ama." Kaya siguro may kapangyarihan sila Annie at Jake.

Napakabata pa niya. Sa tingin ko 17 or 18 years old lang siya.

"Ano ka ba talaga?"

Umiling siya. "Di ko alam. Basta ako ang humahawak sa mundo at di ako pwedeng mag kaanak at lahat ng anak ko ay namamatay. Yan ang kapalit ng kapangyarihang walang katumbas."

"May magagawa kaba para di sila, mamamatay?"

"Maswerte ka dahil oo pero alam mo namang lahat ng mahika may kapalit."

"Ano ba ang kapalit?" Bahala na. Basta di sila mamamatay. Walang madadamay.

Ngumiti ito. "Babalik ka sa nakaraan at baguhin mo ang iyong tadhana."

"Ha? Paano?"

"Nagsimula sa music box diba? Kaya huwag mong palayain si Caspion sa music box, hayaan mong mamatay ka ika-18 na taong gulang mo. At kahit anong sabihin ni Jake sayo huwag mong pakikinggan, napakakulit ng batang yun."

"Kapag ba ganoon di na ito mangyayari?"

"Oo naman." Tumayo ako at pinahid ang luha ko.

"Si-" naisip ko bigla si Azi. Kapag ganoon ang ginawa ko di siya mabubuhay sa mundo. "Si Azi..."

"Kapalit nun di mo makikita ang anak mo. Di siya mabubuhay sa mundo."

Kaya ko ba siyang isakripisyo?

"Mamamatay naman siya." Sabi niya.

"Sige."

"Pumikit ka." Sinunod ko ang gusto niya at narinig ko ang pagpitik ng kamay niya.

Napalitan din naman ito ng pagkatok. Dumilat ako at bumungad sa akin ang kusina. Napatingin ako sa kamay ko. May hawak akong kutsilyo at parang hihiwain ko ang pulso ko.

'huwag mong gagawin yan' narinig kong saad ng isang boses.

Jake...

Nakapambahay lang ako. Nabitiwan ko ang kutsilyo. Napatingin ako sa pinto ng sala. Tinakbo ko yun at pinagbuksan.

"Hi, po! Ako pala si Yanna." May inabot siya sa aking susi na may tali. Ito nayun. Ito ang araw na may pinapatago sa akin na susi. Susi ng music box. "Sige po." At umalis siya.

Di ko talaga maisip kung bakit ko ito tinanggap.

'ano yan?' tanong ni Jake nang nilapag ko ang susi sa lamesa sa sala.

"Ewan ko, di ko alam." Sarkastiko kong sabi. Alam kong alam niya yan. Siya kaya ang nagtago para makita ko yung music box.

Yung music box pala. Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto ko at hinanap sa ilalim ng kama ang music box.

Napangiti ako ng nakita yun. Bumalik ako sa sala at itinabi ito sa susi.

'buksan mo gamit ang susi'

"Tumahimik ka, Jake. Baka malayasin kita rito." Seryoso kong saad. Pero deep inside gusto ko siyang yakapin.

'paano mo nalaman ang pangalan ko?'

Tumawa lang ako.

~•~

Kinabukasan para akong aatakihin sa puso. Nasa harap ako ng gate ng pinag-aaralan ko ng high school. Parang first day of school.

Eight years kaya akong di nakapag aral dahil sa mga ginagawa ko noong pagnanakaw. Baka nga parusa ito ng diyos sa akin dahil sa pagnanakaw ko.

Ayon sa naaalala ko nasa kanan ang classroom ko at ngayon ay grade 12 ako.

Nanginginig ako sa kaba. Dumaan ako sa hallway na walang masyadong taong dumadaan.

Para akong nasa ibang mundo. Kainis to ah. Kinakabahan talaga ako.

Nang nakarating ako sa classroom. Sumilip muna ako ata gaya ng naaalala ko napakaingay ng mga kaklase ko.

Naaalala ko pa naman kung saan ako nakaupo. Yumuko aki at dumiretso doon. Kinuha ko ang notebook ko at nag review, baka may quiz mamaya then di ko alam kasi di ko maalala.

Ano nga ang first subject namin? Ghaad!

'addison'

'addison'

'addison'

Napatuwid ako ng upo nang narinig ko ang mga multo sa paligid. Nakakaramdam nga pala ako at nakakakita ng multo.

Pumasok ang teacher namin at nagsimula siyang mag discuss. Napatingin ako sa katabing upuan ko na walang nakaupo kasi takot sila sa akin. Dito umuupo si Caspion o di kaya ay si Azrael.

Namiss ko tuloy sila. Napabuntong hininga ako.

"Miss Cameron?" Tawag ng teacher. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Ha?"

Tumawa naman ang mga kaklase ko. Tung mga batang to! Walang respeto!

"Your spacing out."

"Sorry, maam."

"I want you to answer this question. Please, stand up"

Sinunod ko si maam. Taas noo akong humarap sa mga kaklase ko at kay maam.

"Do you have any boyfriends before? Or present boyfriend?"

Napakurap naman ako sa sinabi ni maam. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Siguro kasi ang isang katulad ko ay imposibleng magka boyfriend. may anak na nga ako, eh! Ano naman ding klaseng tanong yan? Napaawang ang bibig ko kasabay nun ang sunod-sunod kong pag iling.

"W-wala po!"

Panibagong tawa naman ang natanggap ko sa klase.

"Quiet!" Sumunod naman ang mga kaklase ko kay maam. "Okay, I mean... Who is your most treasured person in life?"

Treasured person? Boyfriend agad?! Di pwedeng pamilya? Well, alam naman kasi ng lahat na wala na akong mama at papa dahil sa balitang namatay ang mga ito ng isang unknown murderer.

"My baby." Lumabas nalang sa bibig ko ang katagang iyon. Tila nagulat silang lahat.

Pati din naman ako nagulat sa sinabi ko!

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon