Addison's POV
"Ang lungkot mo naman." Sabi ni Azrael. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Peking ngiti.
"Yan nanaman ang peking ngiti mo." Napayuko ako dahil totoo naman. "Napakalungkot mo. May nangyari ba? Nag aalala na ako."
Nasa kwarto kami at isang linggo na ang nakalipas nang tawagin ko si Azrael. Lagi akong nasa sulok ng kwarto ko at doon lihim na umiiyak at dahil yun sa panggagamit nila sa akin.
"Azrael." Tawag ko.
"Mmm?"
Niyakap ko ang mga paa ko at sinubsob doon ang mukha ko. Nagiging confident ako pag di ko nakikita ang taong pagsasalitaan ko.
"Pwede bang huwag kang umarte na nag aalala ka?" Mahina kong sabi.
"H-huh?"
Nautal siya. Hay... Ewan ko ba.
"Pwede ka bang maging totoo? Kung di ako si Sariel may pakialam ka ba?"
Natahimik siya. Lagi nalang ba akong magtatanong nito sa kanila? Kailan kaya nila masasagot ang mga tanong ko?
"Oo." Sagot niya. Natawa naman ako.
"Oo nga naman. May pakialam ka. Ikaw ang sumusundo sa mga kaluluwa para ilahad ang langit. Ewan ko ba. Nandito ka ba para kunin na ang kaluluwa ko o nandito ka para kay Sariel? Siguro pareho di ba?"
"Tumahimik ka." Mahina niyang saad.
"Paano ko kayo mapapalaya sa music box?" Tanong ko para maiwasan ang topic. Nag angat na ako ng tingin sa kanya.
Malungkot siyang ngumiti. "Si Caspion kung makukuha niya si Sariel, ako kung madadala ko sa langit ang isang karapat-dapat na anghel." Ngumiti siya yung totoong ngiti. "At sa di inaasahan ang lahat ng yun ay makikita lang sa bahay na ito. Sinisigurado ko ikaw ang anghel na hinahanap ko."
Ginagamit nanaman ba niya ako?
"Di kita ginagamit. Tandaan mo nababasa ko ang isip mo."
Di na ako nagulat. Kainis!
"Si Caspion ba... Nababasa rin ang isip ko?"
"Hindi. Pero nakikita niya ang ginagawa natin habang ako ang gumagamit sa katawan ko... O namin?" Napailing nalang siya.
"Ah..." Ibig sabihin... Erase! Maririnig niya.
"Ang ano?"
"Wala!"
~•~
"Good morning!" Masayang bati ni Jake sa pagbaba ko palang sa hagdan. "Pinagluto kita!"
Napangiti naman ako. "Anong meron?" Tanong ko, nang nakita ang napakaraming pagkain sa hapag.
Malungkot siyang ngumiti. "May kaylangan ako."
Umupo na ako sa dining table. "Ano naman yun?" Masaya ako ngayon kaya kahit anong hilingin o kaylangan niya ay ibibigay ko. Minsan lang ako makakain ng napakarami at napakasarap na pagkain. Amoy palang ng luto niya nakakatakam na.
"Pwede mo bang ibalik na si prinsipe Caspion?" Nakayuko niyang hiling.
Natahimik ako at di ko alam anong sasabihin. Ang huli naming pag uusap ni Caspion ay maganda o ako lang ang nag iisip nun?
"Kasi...uh.." napakurap ako. Ano ba dapat kong sabihin.l?
"Please... Addi... Kahit ngayon lang. Ngayon lang naman ako hihiling."
"Bakit gusto mong tawagin ko siya?"
"Siya ang prinsipe ko at kaarawan ko ngayon."
Nanlaki ang mata ko at niyakap siya. "Happy birthday!" Maligayang bati ko.
"Di naman talaga araw ng kapanganakan ko, araw ito kung kaylan ako nagsimulang tumira dito. Kaya please sige na."
Hinarap ko siya. "Oo naman para sa kaibigan ko!" Napatingin ako sa paligid at hinanap si Azrael. "Azrael!" Tawag ko. Lumitaw siya sa harap ko. "Pwede bang..."
"Opps.." pigil niya. "Pwede, na explain na ni Jake sa akin. Kaya tawagin mo na si Caspion."
Ngumiti ako. "Salamat."
"Yan nasilayan ko na ang maganda mong ngiti."
"Caspion tinatawag kita." Pumikit siya at may pwersang dumaloy mula sa kanya.
Tiningnan ko si Jake. "Magbibihis muna ako. Punta tayo ng mall." Nakangiti kong sabi at umakyat papunta sa kwarto.
Ilang minutong nakalipas ay bumaba na ako. Nakita ko si Jake at Caspion na naka upo sa sofa. Wala ng pagkain sa dining table baka niligpit ni Jake.
"Halina kayo." Sabi ko.
"Teka." Patigil ni Jake. "May kukunin lang ako." Nagtaas ako ng isang kilay dahil wala naman dapat siyang kunin. Wala kaya siyang gamit dito. Bago pa ako makapag salita naglaho na siya.
Napatingin ako kay Caspion na naka tingin din pala sa akin. Umupo ako sa katabing sofang inuupuan niya. Nanood lang ako ng TV. Ayokong makita ang mga mata ni Caspion.
"Kung di hiniling ni Jake na tawagin mo ako, di mo talaga ako tatawagin." Malamig na sabi ni Caspion.
Di ko siya tiningnan man lang. Di ko alam anong sasabihin ko. Itong si Jake alam kong wala siyang kukunin gusto niya lang maiwan kami ni Caspion dito.
Bumuntong hininga si Caspion at tumabi sa akin. Napatuwid ako ng upo ng hawakan niya ang kamay ko.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ano ba to? Hinawakan niya ang mukha ko at pinatingin sa kanya.
"Ano ba?!" Irita kong sabi at tinabig ang kamay niya sa mukha ko.
"May nagawa ba ako?" Nag aalala niyang tanong.
May nagawa ba siya? Gusto niya lang namang protektahan si Sariel at nagseselos ako! Oo sa isang linggong yun selos lang ang dahilan ng kalungkutan ko. Nagseselos ako dahil alalang alala siya kay Sariel. Nagseselos ako dahil si Sariel nalang lagi!
"Wala naman." Malamig kong sabi habang nakatingin na sa TV.
Sige, Addison magsinungaling kapa... Kahit nasasaktan kana.
Tinakpan nalang niya ang mga mata ko gamit ang kamay niya. "Ano bang nagawa ko?" Tanong niya.
Sasabihin ko ba o huwag nalang?
"Wala naman."
"Huwag mo nga ako sagutin niyan. Dahil alam kong meron."
Wala naman talaga. Kasalanan ko naman talaga. Wala naman siyang nagawa.
Bumuntong hininga ako. "Nagseselos ako." Mahina kong sabi.
"Ano?" Sa tono niya na nagtatanong parang nakangisi siya.
"Nagseselos ako." Ulit ko na mas mahina pa.
Mahina siyang tumawa. "Ano?" Parang gusto niyang uoit ulitin ko alam ko naman na narinig niya yun.
"Nagseselos ako!" Sinigaw ko na talaga.
"Kanino?"
"Kay Sariel." Mahina kong sabi. Mahina siyang tumawa. Kinuha niya ang kamay niya sa mata ko at niyakap ako.
"Bakit ka naman nagseselos sa kanya?" Bulong niya ramdam ko ang ngisi niya sa tenga ko.
Huminga ako ng malalim. Wala na akong pakialam kung ano na ang susunod na mangyayari. Mariin ako pumikit at bumuntong hininga.
"Gusto kita."
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...