Third Person's POV
"HINDI!!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Addison sa buong gubat. Nagulat ang lahat lalong lalo na ang hari.
Unti-unting nasusunog ang katawan ni Caspion. Inihiga ni Addison si Caspion sa hita niya.
"Casp..." Hinawakan niya ang mukha nito. "Huwag... kang mawawala.. p-please..." Nabasag ang boses ni Addison. Nag uunahang tumulo ang luha niya at nagsimula siyang humikbi. Niyakap niya si Caspion. "Diba sabi mo kapag nabawi natin si Azi bubuhuin natin ang pamilya natin? Anong nangyari sa pangakong yun?"
"Mukhang di... nayun... matutupad." Sabay ngiti ni Caspion. Kinuha naman ni Addison ang espada niya at tinutok ito sa leeg ni Caspion.
"Mamamatay ka? O akong papatay sayo?" Seryosong sabi ni Addi.
Nalito naman si Caspion sa pagbabago ng mood ni Addison. Ang unang naisip agad niya, period ni Addison ngayon.
"Tama na nga yan!" Nanlaki ang mata ni Addi nang may paparating na bolang apoy sa kanila pero bago paman sila matamaan ay may barrier na pumalibot sa kanila.
Nakita nalang niya ang nagliliparang anghel. May anghel na tumayo sa harap nila. Nag angat siya ng tingin sa lalaking yun. Pamilyar ang lalaki.
Nabuhayan ng pag asa si Addison at di niya mapigilan ang maging masaya. Nagsimulang maglaban-laban ang mga anghel at demonyo.
"Sariel." Banggit ng lalaki.
Nawala ang kasayahan ni Addison. Tinutulungan lang ba siya nito dahil akala nila siya ay si Sariel?
"Di ako si Sariel." Walang gana niyang sagot.
Tumawa ang lalaki. Lumuhod ito sa harap niya. Narinig nila ang pag protesta ni Caspion. Lumapit ang lalaki sa mukha ni Addison. Nalito naman si Addison sa inasta ng lalaki.
Bigla siya nitong hinalikan. "Addison." Banggit ng lalaki at lumayo.
Sino yun?
"Papatayin kita Azrael!--aray..." Sigaw ni Caspion kaya lang nalimutan niyang may saksak siya.
Nanlaki naman ang mata ni Addi at napangiti nalang dahil nakita niya si Azrael. Ang gwapo nito at nakasuot pa ng gintong baluti.
"Addi!" Napatingin siya sa likuran at nandoon nakita niya si Jake at Annie.
"Jake, Annie."
"Anong nangyari kay Caspion?!"
"Mamamatay na siya. Kunin niyo muna si Azi. Ilayo niyo dito." Utos ni Addison.
Tumango naman ang dalawa at kinuha si Azi. Nang nakalayo na sila tiningnan niya si Caspion.
"Di ka paba mamatay?" Tanong ni Addi.
"Ano?! Gusto mo ba akong mamatay ng tuluyan?!"
Nag iwas ng tingin si Addi. Napag isip-isip ni Addi na kung nandito si Caspion sa tabi niya masasaktan lang siya dahil alam naman niyang minamahal lang siya nito dahil siya ang ina ng anak ni Caspion.
At ngayon pa. Magkamukha sila ni Sariel. Kaya nga nang nalaman niyang magiging kamukha nanaman niya si Sariel ay nagdadalawang isip pa siya.
"Addi... Di ako mamamatay kung yan ang hinihiling mo." Malungkot na saad ni Caspion. "Gumagaling na nga ang sugat ko." Kaya pala parang nasusunog at may usok. Yan ang nagpapagaling kay Caspion.
"Di ko naman yun hinihiling." Hinawakan ni Caspion ang kamay ni Addi.
"Di ako pwedeng mamatay dahil may pamilya pa tayong bubuhuin." Bumangon si Caspion at hinarap si Addi.
"Kung napipilitan ka lang sa pagbuo ng pamilya, pwes di kita kaylangan, di ka namin kaylangan ni Azi." May bumara sa lalamunan ni Addi. At nangingilid nanaman ang luha niya. "Tandaan mo di ako si Sariel."
"Di ka nga si Sariel." Tinakpan ni Caspion ang mga mata ni Addi. "May gusto ka bang sabihin."
Humagulgol si Addi. Di na niya mapigilan ang halo halong emosyon. Galit, kalungkutan at pagmamahal.
"Caspion, pwede mo ba akong mahalin?" Tila nabigla naman siya sa sinabi ni Addison. "Di bilang si Sariel o ina ng anak mo. Pwede mo ba akong mahalin bilang ako?" Tawagin niyo na siyang disperada. Mahal niya, eh.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Caspion at hinalikan niya sa labi si Addison.
Kumawala ang mahinang tawa ni Caspion. "Oh, Addi... Bata ka panga." Pro-protesta sana si Addison nang halikan nanaman siya ulit ni Caspion. "Mahal kita." Kinuha ni Caspion ang kamay niya sa mata ni Addi. "Mahal kita." Kasabay nun ang pagkawala ng barrier na nakapalibot sa kanila.
Tumayo silang dalawa at handa na makipaglaban.
"Oh? Nagkaayos na kayo?" Biglang lumitaw si Azrael sa harap nila. Ngumiti si Addison.
"Papatayin parin kita." sabi ni Caspion.
Hulakhak lang si Azrael at umalis para maikipaglaban ulit. Lilipad na sana silang dalawa ngunit napatigil sila dahil nang nakaramdam ng kaba. Nagkatinginan silang dalawa.
"Azi..." Imbes na lumipad papalapit sa mga demonyo
Tumalikod sila at lumipad papalapit kung nasaan ang enerhiya ng kanilang anak.Natagpuan nila yun ilang metrong layo sa mga demonyo at anghel na nagdidigma.
"Azi!" Nakita nila na pinoprotektahan ni Annie at Jake si Azi laban sa hari. Pumunta agad sila doon.
"Anni, Jake." Niyakap agad ni Addison si Annie at Jake. "Salamat at inalagaan niyo ang anak ko." Bulong niya at kumalas. Nilapitan niya ang anak niya at hinalikan ito sa noo. "Ayos ka lang?" Tumango siya.
Habang si Caspion naman ay nilabanan ang hari.
"Tutulungan namin si Caspion. Protektahan mo si Azi." Utos ni Jake kay Addison.
Napakunot naman ang noo ni Addison. Paano nila tutulungan si Caapion eh multo lang sila?
Nasagot ang katanungan niya nang may lumabas na tubig sa kamay ni Jake at may pumalibot naman na kidlat kay Annie.
Di sila normal na multo lamang. Kinarga ni Addison si Azi at lumipad na sila papalayo.
Habang nasa ere may tumamang sibat sa pakpak ni Addison dahilan para mawalan siya ng balanse at nalaglag.
Niyakap niya ang anak niya at hinayaan ang likod niya ang tumama sa lupa.
Napadaing siya sa sakit. Nakita niya ang babaeng gumawa nun sa ere at handa na siyang ko sugurin. Umalis agad siya at tumakbo.
"Wag kanang tumakas." May pumulupot sa kanila na maitim na ahas. Di sila makagalaw. Tiningnan niya ang babae.
"S-sino ka?"
"Nakalimutan mo naba, Addison? It's me. Emma."
Naalala na ni Addison. Nagkita sila ni Emma sa panaginip. Ang nilalang na minsang tumira sa katawan niya.
"Papatayin ko siya."
"Aaahhh!! Mama!!" Napasigaw si Azi sa sakit dahil sa pagkakapulupot ng isang malaking ahas sa katawan niya.
"Azi!" Gustong kumawala ni Addison sa ahas pero di niya magawa.
"Di ka makakawala diyan. Ruler of the hell kaya ang kaharap mo." Nakangising saad ni Emma.
"Mama!!"
"Azi!"
Bigla nalang tumigil ang kapaligiran. Nagulat si Addison nanag di na gumalaw si Emma at ang anak niya. Napansin din niyang naging tahimik at ang mga dahon na nahuhulog ay nasa ere lang.
"Dito mamamatay ang anak mo." Napatingin siya sa nagsalita. Yung babae kanina na nag bigay sa kanya ng kapangyarihan kapalit na maging kamukha niya si Sariel. "Dito matatapos ang buhay mo."
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...