kabanata 30

218 7 0
                                    

Addison's POV

'ikukulong mo ang sarili mo?' tanong ni Jake. Nandito na ako sa bahay. At napag isipan ko na gaya ng dati ay ikukulong ko ang sarili ko sa kwarto. Pero wala paring silbi kasi makapangyarihan si Emma.

"Di na. Wala paring silbi." Tutulong naman si Kylie kung sakaling may mapahamak na iba dahil kay Emma.

~•~

Nandito ako sa bathtub, nagbababad. Gabi narin pero wala pa namang sign na darating si Emma.

Napabuntong hininga nalang ako. Pinikit ko ang mga mata ko.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yapak. Inobserbahan ko ang kung saan ito papunta at sa tingin ko papalapit ito dito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Agad akong umalis sa bathtub. Di ko panaman na lock ang pinto ng banyo.

Hahawakan ko na sana ang doorknob nang bigla itong bumukas.

Di na ako makakilos nang nasa harap ko na si Caspion. Nakita naman niya ako na dati na hubad pero iba parin...

Di na ako makakilos. Wala akong tuwalya dito sa loob naiwan ko pa naman sa kwarto.

Nagbaba siya ng tingin. Namula naman ako sa ginawa niya. Nakita naman niya ito, eh, bahala na. Lumabas ako sa banyo at nilagpasan siya. Kinuha ko ang tuwalya na nasa kama at pinulupot ko sa katawan mo.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko. Matagal siya bago nakasagot.

"Uhm... Nandito ako para pag usapan ang sinabi ko kanina." Nasa likuran ko. Napakagat labi ako. Oh... Akala ko nalimutan na niya yun.

"Huwag kangang magbiro." Pumunta ako sa aparador kung saan may salamin. Habang kumukuha ako ng damit nakaramdam ako ng init.

Napahigpit ang hawak ko sa damit na kinuha ko. Parang may gustong gawin ang katawan ko. Nag iinit na ako. Tiningnan ko si Caspion na naka upo sa kama. Napatingin ako sa mata ko.

Napakuyom nalang ako. Pula ang mga mata ko. Mariin ako pumikit. Naririnig ko ang tawa ni Emma.

Si Emma ang may kagagawan nito.

Dinilat ko ang mga mata ko. Tiningnan ko si Caspion sa salamin. Mas nadagdagan ang nararamdaman kong libog. Shit! Alam kong di na ako inosente, di na ako virgin pero nasa katawan ako ng isang virgin.

Pumikit ako. Di ko na mapigilan.

Dinilat ko ang mata ko. Pula parin ito. Nilingon ko si Caspion sa kama. Lumapit ako sa kanya.

"Nagbibiro kaba sa sinabi mo kanina?" Tanong ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "Hindi." Sabay ngisi niya.

Ito nanaman ang mala-demonyo niyang ngiti.

Nawala nalang bigla ang nararamdaman kong init nang pumasok sa isip ko ang panggagamit niya dati sa akin. Nakuha niya ang V-card ko na walang nararamdaman sa akin at dahil nandito sa katawan ko si Sariel.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayoko, eh." Kinindatan ko siya. Lalayo sana ako sa kanya ngunit hinila niya ako papalapit sa kanya at napaupo sa hita niya. Naramdaman ko ang umbok niya gitna ng hita ko. Namula naman ako. Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko para mapigil ako sa pagtayo at para matigil ako sa pagkilos.

"Gusto ko, eh." Sabi niya at tiningnan ang dibdib ko na nakabalot ng tuwalya.

"Tumigil ka nga sa pinagsasasabi mo." Yumuko ako para matago ang pamumula ng pisngi ko. Naramdaman ko naman ang hininga niya sa leeg ko.

"Addison, ibigay mo sa akin ang kaylangan ko ngayong gabi. May gusto lang akong subukan." Bulong niya sa tenga ko
May kuryente namang dumaloy sa buong katawan ko.

"A-ano naman yun?"

"HOY! ANO YAN?!" Tumayo agad ako at lumayo kay Caspion nang narinig ang boses ni Kylie.

"Paano ka nakapasok?! Ni lock ko naman ang sala at ang pinto sa kwaeto, ah!" Sigaw ni Caspion. Nagteleport ata tung si Kylie dito.

"May susi ako." Mapakla siyang tumawa. Napailing naman ako. "Umalis ka muna Cas- Azi. May pag uusapan lang kami." Sumunod naman si Caspion.

"Anong kaylangan mo?" Walang gana kong tanong.

Sinamaan ako ng tingin ni Kylie. "Ikaw! Lalandi ka nanaman, ha?! Huwag na huwag mo akong sisisihin kapag nabuntis ka!" Saway niya sabay turo sa akin. Pinaikot ko lang ang mata ko.

"Alam mo Kylie napag-isip isipan ko." Tiningnan ko siya sa mata. "Pwede ba akong mabuntis sa kalagayan na ito? Alam mo na..." Isang taong nalang ang natitira sa akin at kung mabubuntis ako 9 months ko yung dadalhin. May 3 months pa ako makasama ang anak ko.

Tumango siya. Alam kong nababasa niya ang iniisip ko.  "Di pwede, eh. Sinong mag aalaga sa anak mo?"

"Ikaw."

Pinaikot niya ang mata niya. "Alam mo namang namamatay ang mga anak ko diba?"

"Di mo naman siya anak."

"O kung di mamatay sa poder ko. Sino naman ang gusto mong maging ama ng anak mo?"

Ngumuso ako sa may pinto. Alam na agad niya ang sagot sa tanong ko.

"Addi naman eh! Bakit siya pa?" Mahina niyang saad.

"Di ba pwede yun? Tao naman siya." Mahina ko ring sabi.

Umiling iling siya. "Sa oras na makawala si Azrael sa music box nayun, makakawala rin ang kapangyarihan ni Caspion at mapupunta yun sa katawan niya na kasama natin ngayon at babalik nanaman ang nangyari dati."

Napabuntong hininga ako.

"Magbihis ka nanga. Kung di ako dumating baka naka round 2 na kayo ni Caspion." Tumalikod siya at lumabas sa kwarto. Naiwan naman ako mag isa.

Nagbihis na ako at sumunod sa kanila sa sala. Naabutan ko silang nanunuod ng TV. Ganito ko lagi naabutan si Caspion dati. Lagi siyang nakaupo kung saan nakatapat ang TV at sentro sa kanya. Nasa katabing sofa naman nakaupo si Kylie.

Lumapit ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Caspion.

"Di ka paba uuwi?" Tanong ko. Alam ko medyo bastos pero birthday ko na bukas at hapon narin.

"Gusto kong kunin ang kapalit ng pagtulong ko sayo." Pinaikot ko lang ang mata ko.

~•~

Third person POV

Nanunuod lang si Kylie sa TV nang nakita niya sa gilid ng mata niya na kumandong si Addison sa hita ni Caspion.

Napatingin agad siya dito. Bago pa siya makapagsalita, nanlaki ang mata niya nang halikan ni Addison si Caspion

Seryoso ba siyang gusto niyang magkaanak kay Caspion? Di makapaniwang tanong ni Kylie sa sarili.

"Kumuha nga kayo ng kwarto!" Sita niya dito. Tumigil naman sila sa paghahalikan. Tumingin si Addison sa kanya.

Nabigla si Kylie nang ngumisi si Addison at pula ang mata nito.

Emma..

Ang pangalang pumasok agad sa isip niya.

Kylie's POV

Hinila ko siya papalayo kay Caspion at marahas na tinulak. Kinuha ko ang kamay ni Caspion at hinila papalabas ng bahay. Tinulak ko si Caspion papalabas ng bahay.

"Sorry, Azi pero sa susunod ka na pumunta dito." Pinitik ko ang kamay ko at sa isang iglap ay nawala na si Caspion sa harap ko. Walang maaalala si Caspion tungkol dito. Ang maaalala lang niya ay ang pagpapalabas ko sa kanya. Di niya maaalala kung papaano siya napunta sa bahay nila.

Sinara ko ang pinto at humarap kay Emma na ngayon ay nasa katawan ni Addi.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon