kabanata 9

312 18 1
                                    


Addison's POV

"Baka di marunong magluto, yun. Puntahan ko kaya..." Tatayo na sana ako pero hinila ako ni Caspion pabalik sa pagkakaupo sa tabi niya.

"Dito ka lang." Nanunuod kami ng TV at nag aalala ako kay Jake baka di marunong yun o baka napano na ang niluluto niya.

"AAHH!!"

Napatayo ako at agad na tumakbo sa kusina. "Ayos ka lang? May problema? Napano ka?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hehe. Ayos lang. May daga lang." Sabay ngiti niya.

Magsasalita na sana ako nang hilahin ako ni Caspion papuntang sala at pinaupo sa sofa.

"Sinabi ko na sayo. Huwag mo siyang puntahan." Malamig niyang sabi.

"Baka kasi nasaktan..."

"Di siya masasaktan dahil multo siya!" Irita niyang sabi.

"Okay. Kalma ka lang, okay? Ang tagal niya kasi.... Nagugutom na ako." Humina ang boses ko sa panghuling pangungusap.

"JAKE, BILISAN MO NGA DYAN!!" Sigaw ni Caspion.

Tumayo ako. "Uy, huwag mo naman siyang sigawan... Kumalma ka nga. Ano bang problema mo?!" Irita kong tanong.

"Wala!" Sigaw niya at naglaho nalang.

"Wala ka talagang kwentang kausap!" Sigaw ko.

"Tapos na akong magluto. Pasensya na sa paghihintay." Ngiti niya. Ngumiti ako at pumunta na sa kusina para kumain.

"Kain tayo..." Yaya ko.

"Multo ako." Pagpapaalala niya.

"Saan ka pumepwesto kapag kumain ako?"

"Haha. Huwag mo ng itanong... Haha" napangiti naman ako. Umupo siya sa tabi kong upuan.

"Bakit saan ba?"

"Dito."

"Pero kung makatawa ka parang iba..."

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo."

"Sige. Kain ka muna."

Napangiwi ako. Kumain ako. Napatigil nalang ako. At mas lalong ngumiti. Tiningnan ko si Jake. Napakalapit niya at nakapangalumbaba.

Nilayo ko ang mukha niya. "Ang lapit, ah?"

"Haha. Yun talaga yun. Ganoon ako."

"Grabe ka! Bakit ang lapit?"

"Ganda mo kasi."

Tumawa ako. Bolero din pala ito. Naisip ko tuloy kung bakit siya nandito.

"Bakit ka nandito sa bahay na ito?" Tanong ko.

"Dito ako nakatira." Nag iwas siya ng tingin mukhang ayaw niyang pag usapan ang ganoong tanong.

Pinagkibit balikat ko lang yun at nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mong makarinig ng sekreto?" Tanong niya. Tiningnan ko siya at nakangisi siya.

"Ano naman yun?" Na curious naman ako sa sinabi niya.

Lumapit siya at bumulong. "Binasa ko ang notebook mo na naglalaman ng dreamboy mo." Nanlaki ang mata ko at lumayo sa kanya.

"Ang sama mo!"

Tumawa lang siya at tumayo rin. "Alam ko kung saan yun nakalagay..." Pang aasar niya.

"Ang sama mo! Di mo ba alam ang salitang privacy?!" Naiinis ako but the same time masaya.

"Bakit? Ano bayun?" Painosente niyang tanong.

"Kainis ka!" Nilagay ko sa lababo ang plato. "Maghugas ka nga ng pinggan! Tumulong ka sa akin dito sa bahay nakatira ka pa naman dito!" Sabi ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Matutulog." Tipid kong sagot.

"Di mo ba hahanapin si Caspion?"

Napahinto ako sa pag akyat ng banggitin niya ang pangalan ni Caspion.

Napabuntong hininga ako. "Kung mahal niya si Sariel babalik siya." Sabi ko ng di siya tiningnan.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nagulat ako ng may taong nakahiga sa kama. Lumapit ako at si Caspion pala ito. Nakapikit siya at half naked siya, ha.

"Natutulog pala ang demonyo?" Tanong ko. Bakit siya nandito sa kama? Kung matutulog siya sa kabilang kwarto o sa sofa nalang.  Lumapit ako sa mukha niya. "Tulog kana ba talaga?" Tanong ko sa kanya.

Hininga nga lang ang naririnig ko sa kanya. Pumunta ako sa banyo at nag half bath muna. Kinuha ko ang tuwalya at tinapis ito. Wala pala akong dalang damit dito sa banyo. Di naman ako sanay, eh.

Nang lumabas ako. Nakatalikod naman si Caspion sa akin kaya naging panatag ang loob ko. Binuksan ko ang aparador ko. Sa banyo nalang ako magbibihis. Di ko kayang magbihis dito sa kwartong ito lalong lalo na nandiyan ang demonyong yan.

Habang namimili ako ng pangtulog nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko. Mariin ako napapikit at napakagat labi.

"Shit." Mahinang mura ko. Dumilat ako at tiningnan ang repleksyon sa salamin ng aparador. Napahigpit ang paghawak ko sa tuwalya na nakapalupot sa akin. Tanga ko kasi, eh! Sana nagdala nalang ako ng damit sa banyo! "Caspion, umalis ka."

Tahimik lang siya pero ramdam ko parin ang presensya niya. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ang mga mata niya... Nanlilisik ito gaya ng dati. Mga matang nanakit sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya sa repleksyon ng salamin habang siya naman ay nakatingin sa katawan ko mula sa salamin.

"Caspion, natatakot ako..." Nangilid ang luha ko. Natatakot na ako sa kanya. "Ano bang kaylangan mo?" Tanong ko kahit alam ko kung ano. Nanatili siyang tahimik. "Caspion natatakot na ako!"

Kaylangan ko na bang tawagin si Azrael? Di ko na alam anong nangyayari kay Caspion.

"Azrael..." Nabanggit ko nalang. "Azrael tinata-" napahinto ako ng takpan niya ang bibig ko. Nag uunahan ng umagos ang luha ko. Napakadiin ng pagkakahawak niya na parang ayaw niya talagang marinig ang boses ko.

Caspion di ikaw to.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Tiningnan ko si Caspion sa salamin. Kung makukuha mo ba ang gusto mo, babalik ka ba? Pumikit ako at binitawan ang tuwalya. Pinabayaan ko itong mahulog sa sahig.

Sana bumalik kana...

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon