Addison's POV"A-ano?"
"Addi, sino yan?" Tanong ni Jake mula sa likuran.
Di ko alam anong sasabihin ko sa bata pero nakaramdam ako ng bilis ng tibok ng puso. Kinuha ko ang bata at kinarga ko.
"Gabi na bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Hinahanap kita." Niyakap niya ako. Ramdam ko ang pagod niya.
"Talaga? Gabi na ah, pwede naman bukas diba?"
"Sino yan Addi?" Tanong ni Jake. Sa likuran ko. Humarap ako sa kanya bahagyang lumaki ang mata niya.
Nagkibit balikat ako at ngumiti. "Siya si Azi, anak ko. Haha" biro ko sa kanya. Gusto ko talagang magkaanak pero may problema ako sa pinansyal na pangangailangan ng bata.
Humikab ang bata at niyakap ako. Nilagay niya sa leeg ko ang mukha niya. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko na di ko maipaliwanag. Niyakap ko din ito.
"S-sino ang kasama?" Nauutal na tanong ni Jake sa akin. Tiningnan ko siya, takot ang nakikita ko sa mukha niya at bahagya pa siyang umatras nang aakma akong lalapit.
Baka naman naniwala siya na anak ko ito?
"Hey, ayos lang. Binibiro l koang kita. Di ko anak ito, ano ka ba? Kumatok lang ito at sinabing ako ang nanay." Sabi ko at nginitian si Jake para mabawas bawasan ang takot ngunit mukhang nagkakamali ako mas lalo siyang na takot. "Jake, ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo." Natatawa kong saad.
Kumurap siya. "Uhm... Oo. Kasi..uh... Akala ko totoo na anak mo talaga yan."
"Haha. Ano ka ba? Ang bata ko pa para magkaanak at tayo lang itong magkasama sinula nang..." Napahina ang boses ko at napatigil. Sinula nung... Kaylan nga kami nagkakilala ni Jake? Ang alam ko lang basta magkaibigan kami pero di ko matandaan paano kami naging magkaibigan, lahit na si Annie di ko alam kaylan kami nagkilala.
Di ako makatulog sa kakaisip nun. Naramdaman ko na parang may kulang sa buhay ko. Ang alam ko lang...
Anak ako ni John Cameron at Miranda Cameron, namatay sila nung bata pa ako at ako na ang bumuhay sa sarili ko...
Wala na akong maalala simula noon at ang sa tingin ko ang pinakamatagal na memorya ko kay Jake at Annie ay...
Flashback...
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Hawak hawak ko ang ulo ko dahil sobra nitong sakit.
"Oh? Ayos ka lang?" Natatawang tanong ni Annie.
"Uhm... Oo. Medyo masakit lang ang ulo ko."
"Uminom ka nalang ng gamot." Sabi naman ni Jake.
"Tama." Uminom ako ng gamot at babalik sana ako sa kwarto nang nahagip ko ang repleksyon ko sa salamin sa salas.
Mataman kong tiningnan ang katawan ko. Parang may nag iba di ko nga lang masabi.
Present day
"Mama?" Napatingin ako sa tabi ko. Parang may humaplos sa puso ko ng narinig ko yun. Ang gwapo talaga nitong batang ito ang cute pa.
"Uhm... Azi saan ka nakatira ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Dito na po ako titira." Sabay yakap niya sa akin. Nasa kama kami at nagising ko siya.
"Saan ka nakatira bago dito?" Sabay haplos ko sa itim niyang buhok. Baka nag aalala na ang mga magulang niya.
"Mama, ayokong umuwi." Malungkot niyang sabi. Nag alaka naman ako.
"Bakit? Sinasaktan ka ba ng mga magulang mo?"
Umiling siya. "Ikaw ang mama ko." Yan lang ang sinabi niya. Napabuntong hininga ako. Magiging masaya ba ako o malulungkot. Nandito na ang inaasam ko na bata may anak na ako pero nalulungkot ako dahil di naman ito sa akin at kaylangan ko itong isauli sa totoong magulang niya. Sumakit naman ang dibdib ko sa mga pinag iisip ko
May kumatok sa pinto. "Addi..." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Annie sa labas. "Nandito na ang ina ng bata."
"Mama..." Mangiyak ngiyak na banggit ni Azi sa tabi ko. Tumayo ako. "Mama!" Natigil ako sa pagpunta sa pinto nang naramdaman ko ang paghawak ni Azi. Nagulat ako nang nakita ang mga luha niya, sunod-sunod ang iling niya. "Mama, huwag mo akong ibigay sa kanya! Ikaw ang mama ko, hindi siya."
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang napakagandamg babae. "Azi... Kung saan kita hinanap.." alalang sabi ng babae na kung di ako nagkakamali ay ang ina ni Azi, ang tunay. Aakmang lalapit yung babae kay Azi ngunit niyakap agad ako ni Azi.
"Mama, huwag mo akong ibigay sa kanya!" Iyak niya habang yakap yakap ang baywang ko. Nakaramdam ako ng awa sa bata. Sinasaktan ba siya ng ina niya?
Lumuhod ako sa harapan niya. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang kamay ko. "Azi pero kaylangan mo ng umuwi sa kanya."
Nabigla ako nang yakapin niya ako. Umiyak siya. "Mama! Hindi! Ayoko!!" Patuloy sa pag agos ang luha niya.
"Azi halika na..." Sabay kuha ng babae sa kamay ni Azi.
"Mama! Hindi! Ayokong sumama sa kanya! Pangako magpapakabait na ako! Di na ako magiging demonyo! Naging mabait naman ako diba?! Mama pangako ko di ako magiging demonyo lalayo ako sa away, mama!" Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay hinihila ng babae. Napakurap naman ako sa sinasabi niya. Anong demonyo? "Di na ako sasama kay papa!" Natigilan ako. Oo nga naman nasaan ang papa nito ang pabaya.
"Sinasaktan mo ba siya?" Di ko maiwasang tanong sa babae.
Tumawa siya bigla. "Sa tingin mo papayag ng basta-basta ang mga magulang niya na saktan siya, syempre hindi."
"Hindi ikaw ang ina?" Kunot noong tanong ko.
"Ina niya ako pero hindi ako ang mama." Ngumiti siya sa akin at tuluyan ng hinila si Azi. Pumunta ako sa pinto ng sala. Pinanood ko lang yung babae na hilahin si Azi Nag aabang sa kanila ang isang kalesa. Meron papalang ganyan dito?
Umiiyak siyang nakatingin sa akin. "Mama! Nagmamakaawa ako! Magpapakabait na ako! Mama!" Pinasok siya ng babae sa kalesa at umandar na ito. Pinanood ko lang itong lumayo.
"So... Di mo pala anak yun?" Tanong ni Annie.
Sinamaan ko aiya ng tingin. "Wala akong maalala na nag kaanak ako. At di ko yun magagawa no, ang bata ko pa para magkaanak. Inosente pa ako sa panahong di pa pinanganak si Azi.." aabi ko at sumandal sa gilid ng pinto.
"Good." Bulong ni Jake. Saan naman ang good doon?
Tumawa ako. "Hindi man ako ang ina niya pero sisiguraduhin kong di sinasaktam si Azi."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumawa ako at sinuot ang tsinelas. "Tirhan niyo ako ng pagkain, ha?" Nagsimula akong tumakbo kung saan patungo yung kalesa. Umalis ako ng di nakikinig sa tawag nila sa akin.
Sanay naman akong tumakbo kaya...
Susundan kita Azi..
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...