kabanata 35

239 11 0
                                    

Addison's POV

Naglalakad kami ngayon ni Caspion papunta sa School. Magkahawak kamay kami. Tuwing binabawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya lagi niya akong sinisita at pinapaalahanan na mag asawa kami.

"Di naman tayo mag-asawa."

Tiningnan niya ako ng masama. "Nagkaanak na tayo kaya mag asawa tayo."

"Di naman dahil nag kaanak tayo mag asawa na agad tayo."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Ano pa bang kaylangan mo para masabi mo sa sarili mo na mag-asawa tayo?"

"Kasal?"

Yun naman kasi yun Dina? Matatawag lang na mag-asawa ang mag-asawa kung kasal sila.

Pumasok na kami sa campus. Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak ni Caspion sa akin pero mas lalo lang niya itong hinigpitan.

Inaamin ko gusto ko ang ginagawa ni Caspion.

Bigla nalang siyang tumigil sa gitna ng aming paglalakad sa harap ng maraming tao.

Nabigla ako sa ginawa niya dahil lumuhod siya sa harap ko. Hinahawakan niya parin ang kamay ko.

"Addison Cameron, will you marry me?"

Napaawang ang bibig. Di ko alam anong magiging reaksyon ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at hinila ko siya patayo.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Bakit ayaw mo ba?"

Ngumiti ako at umiling. Niyakap ko ang braso niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Huwag muna ngayon, okay?"

"Teka,  nere-reject mo ba ang proposal ko?"

"Huh? Di ah...pero oo... Parang ganoon... Pero hindi...yung parang ano lang..."

Ano ba tung pinagsasasabi ko?

"Azi." Napatingin kami sa tumawag sa kanya. Si Mitch. "Ito pala? Siya pala ang dahilan?" May namuong luha sa mga mata niya. Inikot ko ang mata ko at kumapas sa pagkakayak ko sa braso ni Caspion.

"Usap kayo." Sabay tapik ko balikat ni Caspion at umalis.

Pag usapan nila yan. Ayoko sa komplikadong sitwasyon.

~•~

Kasalukayan kong nilalaro si Annie na hapos edad tatlo na. Napakaganda niya talaga. Nasa bisig ko siya at natutulog. Napagod sa kakalaro. Si Kylie naman know where to be found.

Nanunuod ako ng TV nang may isang palabas na ang bidang babae ay iniwan ng kanyang kasintahan nang nalaman na buntis siya, ang mga magulang ng bidang babae ay di matanggap yun kaya ng napagdesisyonan nilang ipalaglag ito.

May kung anong kumirot sa puso ko. Nakuyom ko ang kamao ko.

"Ssh... Tahan na..." Di ko napansin na nandito na si Caspion at pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Naiyak na pala ako. "Anong nangyari?" Alala niyang tanong. Tiningnan ko siya.

"Miss ko lang si Azi..." Niyakap niya ako at umiyak lang ako sa bisig niya.

~•~

Caspion's POV

"Mas mabuting pumasyal muna kayo ni Addison bukas. Lagi nalang kasing umiiyak, eh." Suhestyon ni Kylie nang nakabalik na siya.

Nasa kusina kami at si Addison naman nasa kwarto at umiiyak. Nasasaktan ako kapag nakita siyang umiiyak kaya naman mas pinili kong dumito muna sa kusina.

Maganda naman ang naisip ni Kylie kaya iyan ang gagawin namin bukas.

"Kakain na. Tawagin mo na si Addison." Tumango ako at pumunta sa kwarto ni Addison.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na kwarto ni Addi. Binuksan ko ang ilaw. Wala si Addi sa kama niya kaya pumasok ako sa banyo. Nakita ko siyang nasa tub at nagbababad. Tulala siya. Lumapit ako sa kanya.

"Kain na tayo." Nag angat siya ng tingin sa akin. Tumulo nanaman ang mga luha niya at sa bawat kita ko nun ay para akong sinasasaktan ng paulit ulit.

Nakatulala nanaman siya. Kinarga ko siya. Wala akong pakialam kung hubo't hubad siya, wala din naman siya pakialam doon. Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ang katawan. Bigla nalang siya humikbi.

"Kasalanan ko kung ba't namatay si Azi..." Napahinto ako sa pagpunas sa katawan niya. Pinunasan ko naman ang pisngi niyang puno ng luha.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Addi. Isa siyang masayahing babae at kapag napag uusapan namin si Azi, iniiyak niya lang pero di naaabot sa puntong sisisihin niya ang sarili niya.

"Wala akong kwentang ina..."

Niyakap ko siya at hinahagod ang likod niya.

"Ssh... Di totoo yan."

"Wala akong kwentang ina..."

~•~

Nakatulog si Addi habang yakap ko. Nakatulog siya sa kakaiyak, di ko nga siya nabihisan.

Niyakap ko nalang siya kahit hubo't hubad siya.

Tiningnan ko ang cellphone ko at may text galing kay Calvin.

'Nasaan ka naba? Ba't di ka nanaman umuwi?'

Hulaan niyo sino si Calvin. Siya lang naman ang kapatid ko sa katawang tao ko. Di ko siya pinapansin, di ko alam paano ba makitungo sa kapatid, wala naman kasi akong kapatid.

Mas matanda si Calvin sa akin. May pamilya na nga siya at noong isang araw lang siyang nakabalik sa bahay. Di niya kasama ang pamilya niya pero mamaya ay pupunta daw sila sa bahay at dapat ay nandoon ako.

'busy'

Yun lang ang reply ko. Napatingin ako sa oras at 7:12am na pala. Napatingin ako kay Addison na nasa tabi ko. Nakabalot sa katawan niya ang kumot.

Inayos ko ang buhok niya at hinahaplos ito.

Nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Nasaan ka naba?!" Bungad na tanong ni Calvin.

"Uhm... Bakit ba kaylangan mong malaman?"

"Abat?! Sumasagot ka na ngayon!" Nagtanong, sumagot lang naman ako, nakakalito talaga siya.

"Calvi-"

"Kuya." Pagtatama niya. Nung di ko pa naaalala si Addison at ang buhay namin dati ay tinatawag ko talaga siyang kuya pero parang iba na ngayon.

"Okay. Whatever, I just wanna say, I will bring my girl later."

"Papupuntahin mo siya dito sa bahay?! Are you sick?!"

"No! Paano mo naman nasabi yan?" Irita kong tanong.

"Kasi isa kang dakilang playboy at ayokong may dinadala ka ditong babaeng halos wala ng saplot."

Sinasabi niya bang di karapat-dapat si Addi sa bahay, hell papatunayan ko sa kanya.

"Oh... Shut up!"

"Hey, I'm your brother! You should respect me!" Saway niya.

"Mmm..." Biglang umungol si Addi at minulat ang mata niya.

"Sabi ko na nga ba eh! May babae ka nanamang kinama!" Narinig niya ata si Addi.

"Mali ang iniisip mo."

"Casp... Nasaan ang damit ko. Ba't hubot hubad ako?!" Pinalo ako ni Addi ng unan. "Pinagsamantalahan mo ako, noh?!"

"Addison, calm down!"

"Rapist kana pala ngayon, Az?"

"Shut up!" Saway ko kay Calvin.

"Ngayon?! Sinisigawan mo na ako?!" Sigaw naman ni Addison.

"Addi, mali ang iniisip mo."

"Sino yang katawag mo?" Bago ko pa masagot ang tanong niya, hinablot niya ang cellphone at nilagay sa tenga niya. "Hello?! Sino to?! Ba't tumatawag ka sa asawa ko ng ganitong oras?!"

Napangiti naman ako. Asawa daw...

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon