Addison's POVNapangiti ako nang naramdaman ang labi ni Caspion sa labi ko. Dumilat ako at bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha.
"Good morning." Bati niya at hinalikan ako ulit. Inilayo ko naman ang mukha niya gamit ang kamay ko.
"Di pa ako nagto-toothbrush."
"Ano naman ngayon?" Tumawa nalang ako. "Magbihis ka, date tayo."
Napaupo agad ako. Date? As in date? Di pa namin nagagawa ni Caspion yun, ah.
"Oo naman. Sige!" Agad akong pumasok sa banyo. Narinig ko ang tawa niya sa kwarto. Bumukas at sumara ang pinto sa kwarto ko kaya sigurado akong wala na siya sa kwarto.
Di ako nagtagal sa banyo, nagbihis agad ako at bumaba na. Nakaupo si Caspion sa sofa. Nag angat siya ng tingin sa akin.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Labas kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.
"Anong nakain mo at niyaya mo akong mag date? Di ka naman ganito, ah." Pabiro kong sabi. Totoo naman yun. Di pa kami nag de-date.
"Gusto ko lang na makita kang masaya." Sabay hawak niya sa kamay ko gamit ang isa niyang kamay.
"Masaya naman ako lagi kasi kasama kita."
Matamis lang siyang ngumiti. Naging tahimik na kami hanggang sa nakarating kami sa mall.
"Alam kong masyadong common ang mall para sa date pero kapag pumupunta ako sa mall naaalala ko lang ang date niyo ni Jake, eh."
Tumawa ako.
"Kaya gusto kong, kapag pumunta ako dito sa mall moments natin ang maaalala ko."
Nagiging sweet siya ngayon, ah. Di ko maalis ang ngiti ko habang papasok kami sa mall. Napapansin ko na ang mga babae ay nakatingin sa kanya. Ang mga teen-ager naman ay kinikilig. Sino ba naman kasing di kikiligin sa gwapo kong katabi.
"Saan mo gusto?"
"Kain muna tayo. Nagugutom na ako, eh."
"Sige. Saan?"
Tinuro ko ang pinakamalapit na restaurant. Agad kaming pumasok doon at nag order.
Hinihintay namin ang order namin nang may nakita akong pamilyar na mukha. Di ko pa maikompirma pero nang naglakad siya papunta sa isang table ay agad akong kinabahan.
Nandito ang pamilyang Cameron. Mga kamag-anak ko.
"Gusto mong umalis?" Nag aalalang tanong ni Caspion sabay sulyap sa table na tinitingnan ko. Ngumiti ako at umiling. Alam niya ang problema ko sa pamilya kaya niya nasasabi yan.
Dumating ang order namin. Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kami. Na-guilty ako tuloy. Inaamin ko nawalan ako ng gana nang makita sila at masaya sila.
Hinawakan ako ni Caspion sa kamay na nasa lamesa. Napaangat ako ng tingin dahil doon.
"Everything will be alright."
Ngumiti ako. Oo naman. Bakit naman ako nagkakaganito? Nandito naman siya. Sapat na siya para mapasaya ako.
"As long as you're with me." Dagdag ko pa.
Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito.
"I love you."
"I love you too."
"No matter what happen. I always love you. I will be here no matter what. I'll always by your side."
Alam kong may ibig sabihin siya doon. Kahit anong mangyari nandito siya sa tabi ko, kahit na sa araw ng pinakakinatatakotan namin.
"Hey, bitch." Nag angat kami ng tingin sa nagsalita. Si Amy. Ang tagal ring di kami nagkita.
"Amy..."
"Nandito ka ba dahil gusto mong makisali sa amin?" Mapanuyang singit ni Rose.
Nag iwas ako ng tingin sa kanila at tiningnan si Caspion na napakaseryoso. Di nila nakikita si Caspion dahil nakatalikod ito sa kanila.
"Oh... Who's this unlucky guy?"
Nagtiim bagang si Caspion dahil sa sinabi nila. Hinimas ko naman ang kamay niya para sabihing ayos lang.
"Amy? What hap- so... Why are you here?" Tanong ni tita Candy ang nanay ni Amy.
"Uhm..."
Napansin ko rin ang paglapit ng iba ko pang pinsan, tita at tito. Tumayo nalang bigla si Caspion. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo. Humarap siya sa pamilya ko at hinapit ako sa baywang.
"Excuse us, Cameron family, but my wife and I have an alone time, and we don't need disturbance." Malamig niyang saad. Nanlalaki naman ang mata ng pamilya ko at bahagyang nakaawang ang bibig.
"W-wife? Kasal kayo?!" Di makapaniwalang tanong ni Amy at pabalik balik at tingin sa amin ni Caspion.
"Uh... Mga Tita, Tito at pinsan. Meet-"
"Azi Cortez, right?" Singit naman ni tito Yuhan. Agad siyang naglahad ng kamay kay Caspion. "Yuhan Cameron."
Di na ako nagtataka kung ba't kilala nila si Caspion, mayamang negosyante ang tatay ni Caspion kaya, malamang kilala ng mga tita at tito ko, siya.
Tinanggap naman ito Caspion.
"Nice to meet you, sir."
Tumawa naman si tito. "Just call me tito after all, you're the husband of my nephew."
Ako pang ba o may nakita ako dollar sign sa mata ni tito.
"Ba't di ko sinabi?!" Gulat na tanong ni Amy. Binigyan ko siya ng nagtatanong na mukha. Agad naman din niya akong hinila palayo kay Caspion. "Ba't di mo sinabi na boyfriend mo si Azi?!" Pabulong niyang sigaw.
"Wala naman din kayong pakialam."
"Anong walang pakialam?! Di mo alam kung papaano kami naghanap ng paraan para mapansin lang ni Azi!" Bulyaw niya. "Tapos malalaman nalang namin na may asawa na siya na isang Cameron?! I mean what the- sa dirami-rami, ba't ikaw?!" Di makapaniwala niyang saad. Napakagat labi nalang ako.
Bigla nalang nanginig ang tuhod ko at nanlalambot ito. Nagsisimula din itong manakit. Hindi. Wag ngayon. Di pwede ngayon. Bago pa ako makasandal kay Amy ay napaupo na ako sa sahig at di ko na maramdaman ang binti ko. Namuo ang luha sa mata ko.
Hindi. Bat ngayon?
"Hey, are you okay?" Tanong ni Amy. "Addison, you making a scene." Pinandilatan niya ako.
Umiling ako. Tumulo na ang luha ko.
"C-cas..." Nabasag ang boses ko. Sumasakit na talaga. At wala akong magawa kundi ang umiyak.
Agad namang lumapit sa akin si Caspion at agad akong binuhat. Sumubsob ako sa dibdib niya at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nagsimula siyang maglakad papaalis sa restaurant.
Ang sakit... Napapikit ako nang mas lalo pa itong sumakit.
"Casp..."
"It's okay. Sabihin mo." Apam kong masasaktan siya kung sasabihin ko. "Addi, sige na sabihin mo. Anong nararamdaman mo?"
Umiyak na ako sa dibdib niya. "Casp... Ang sakit!" Humigpit ang hawak ko sa leeg niya at tuluyan ng napahagulgol.
Napakagat labi lang naman siya. Alam kong nasasaktan siya at ayoko ng ganoon.
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...