Addison's POV
"Sa tingin ko, mamatay ang bida diyan." Nanunuod kami ni Jake ng palabas sa TV. At itong si Jake pinipilit na mamamatay ang bida.
"Sa tingin ko hindi. Wala bidang namamatay." Saad ko.
"Meron kaya..."
"Ano?"
"Train to busan. Namatay kaya ang tatay ng batang babae."
"Tss... Hindi kaya ang tatay ng batang babae ang bida doon."
"Weh? Sino pala?"
"Yung pinagbubuntis ng babae."
"Pwede ba yun?"
"Oo yun yung bida don."
"Alas dyes na, matulog kana." Sabay tayo ni Jake.
"Di pa nga tapos yung palabas."
"Matulog kana. Nangako ako kay Caspion na patutulugin kita sa tamang oras." Saad niya. Tumayo na ako.
"Nasaan pala ang demonyong yun?" Tanong ko.
Tiningnan ako ni Jake namay ngisi sa labi. "Bakit? Miss mo na siya?"
"Oo." Bahagyang nagulat si Jake at natawa nalang sabay iling. Niligpit niya ang mga kalat sa sala.
"Straight forward kana pala ngayon, ha."
"Napag desisyonan kong magsabi nalang ng totoo mamatay din naman ako."
Napatuwid siya sa pagtayo at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti ako at tumawa nalang.
"Ano ka ba? Nagbibiro lang yung tao."
"Isa pang topic na ganyan palalayasin kita dito." Malamig niyang sabi.
"Wow! Di ko alam na bahay mo na pala ito." Sarkastiko kong sabi.
"Ngayon alam mo na."
Nagpuot ako. "Di ako matutulog." Sabay balik ko sa pag upo at nakaekis pa ang kamay sa dibdib.
"Kundi ka matutulog ipapalapa kita sa mga aso." Sabi niya.
"Wala tayong aso." Mataray kong saad.
"May aso tayo di mo lang nakikita." Seryoso niyang sabi. Seryoso ba siya. Gusto ko sa mga aso.
"Seryoso? May aso tayo?" Tanong ko.
"Wala." Nagpuot ako.
"Huwag ka ngang magpuot may gustong humalik sayo niyan, eh."
Nanlaki ang mata ko at ngumisi. "Bakit? Gusto mo ba akong halikan? Bakit, Jake? Gusto mo ba ako? O mahal mo ako?"
Malamig na ekspresyon ang binigay niya. "Super confident, ha? Una di kita gusto kasi mahal kita-"
"Ha?! Tama nga ako! Haha!"
"Mahal kita na parang isang kapatid."
"Ay..." Nalungkot naman ako. Wala naman akong gusto kay Jake pero maswerte ako kung magkakagusto siya sa akin.
"Pangalawa, ayon oh." Sabay turo niya sa likuran ko. Tiningnan ko ang nasa likuran ko. Napakurap ako. Si Caspion. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ayaw na niyang magpakita. "Gusto ka niyang halikan."
"Shut up." Saway sa kanya ni Caspion. Lumapit si Caspion sa akin at hinila ako papuntang kwarto.
"Teka, ano ba?" Irita kong saad. Kainis tung lalaking to. Ngayon nga lang nagpakita nanghahatak pa. Nang nakarating na kami sa kwarto ay kinuha ko na ang kamay ko. "Ano ka ba?! Sakit kaya ng pagkakahatak mo." Reklamo ko.
Hinawakan niya ako ulit at hinila papunta sa kama. Pinaupo niya ako doon. Hinarap niya ako at umupo siya sa sahig. Nagkaharap na kami. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Addi..."
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Bigla nalang niyang nilagay ang mukha niya sa tiyan ko.
"Oy, ano ba?!" Irita kong saad. Tinulak ko siya pero nanatili siyang ganoon.
"Ano Caspion naniniwala ka naba?" Sambit ng isang boses. Nakaramdam ako ng takot sa kanyang kakaibang enerhiya na nanggagaling sa kanya. Tumayo si Caspion at tumango. Umupo si Caspion sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Napakalaking kasalanan nito Caspion, hindi dahil sa tao siya kundi dahil nasa katawan niya ang anghel na si Sariel."
"Alam ko..." Sambit ni Caspion sa tabi ko.
"S-sino ka?" Tanong ko.
"Ako si Hecate, goddess of witchcraft." Nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko si Caspion na mukhang natatakot at nag aalala.
Tiningnan ko ulit si Hecate. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Tumawa siya. Tawang pang mangkukulam. "Nandito ako para sa isang kasunduan."
"Anong kasunduan?" Gulat na tanong ni Caspion.
"Prinsipe Caspion, madali lang." Sabay ngisi ni Hecate. Nanindig naman ang balahibo ko. "Akin ang bata at walang makakaalam."
Ako ba ang pinag uusapan nila? "Di na ako bata." Sabat ko.
Tumawa si Hecate. "Sinong nagsasabing ikaw? Yan oh..." Sabay turo niya sa akin. Kumunot ang noo ko at napagtanto na sa tiyan ko siya nakaturo. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Ito lang ang kasunduan, akin ang anak niyo at walang makakaalam na ginawa niyo siya."
May anak ako. Tumulo ang luha ko. Di ko alam anong nararamdaman ko pero isa lang ang napagtanto ko di na ako mag iisa may pamilya na ako.
"Addi... Sorry.." tiningnan ko si Caspion. Hinawakan niya ang tiyan. "Pasensya na at nadamay ka pa." Mahina niyang sabi. "Kaylangan natin ibigay ang bata sa kanya." Nanlaki ang mata ko.
"Yun lang naman ang kaylangan ko-" naputol ang dapat sabihin ni Hecate nang magsalita ako.
"Sa tingin niyo, papayag ako? Anak ko to! Di ko to ibibigay!" Binawi ko ang kamay ko kay Caspion. "Kung wala kang pagpapahalaga sa bata, ako mag aalaga sa kanya. Di mo naman kaylangan ipamigay pa!"
"Addison... Di mo naiintindihan... Delikado.. mapapahamak ka."
"Caspion, dati na ako napapahamak at anak ko to. Ito lang ang pamilya ko."
"Addison, ang batang yan ang papatay sayo." Malamig na saad ni Hecate.
"Biyaya siya."
"Mamamatay ka naman pagkatapos mo siyang ipanganak o mamatay siya dahil di mo siya na ipanganak dahil patay kana, pumili ka, mamamatay ang bata o mabubuhay siya na sa akin?" Tanong ni Hecate. "Ang batang yan ang papatay sa hari ng mga demonyo kaya pinaghahanap nayan ngayon."
"Paano mo nalaman ang mga ito?"
Ngumisi lang siya.
Umiling lang ako. Ayoko. Pero may choice ba ako? Mamamatay din ako. Mamatay ako.
Pero dahil may anak ako nawala ang excitement ko sa pagkawala ko sa mundong ito.
Ano ba dapat?
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasía#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...