kabanata 4

467 29 0
                                    


Addison's POV

"Nandito na ako!" Sigaw nang nakapasok na ako sa bahay.

Maglalakad na sana ako nang may biglang yumakap sa akin.

"C-caspion.." May usok sa damit niya at katawan. Parang galing sa pagkakasunog.

"S-salamat nandito kana." Sinandal niya ang sarili niya sa akin. Napasandal naman ako sa pinto.

"Ano bang nangyari?"

"Dito ka lang..." Mahina niyang saad. At naramdaman ko ang bigat niya. Umuusok parin ang katawan niya.

"Dito lang ako." Hinila ko siya at pinaupo sa sofa. "Ano ba kasing nangyari?" Yumuko siya at umiling.

Parang di naman si Caspion ang kaharap ko.

Naalala ko ang sinabi nila Nash. Ako ang master niya lahat ng utos ko susundin ni Caspion.

"Anong nangyari?" Umiling siya. "Inuutusan kitang sabihin sa akin anong nangyari..."

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Nilalayo ko ang sarili ko sayo para di kita masaktan. Ako ang nag dala sayo sa school. Napagpasyahan kong dito lang ako at habang wala ka..  Nasusunog ako. Ikaw lang ang makakapagpagaling sa akin."

Napabuntong hininga ako. "Ano ang kaylangan kong gawin?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo sa hita niya.

"Dito ka lang..." Bulong niya at niyakap ako.

Sinandal niya ang sarili niya sa sofa habang ako sa dibdib niya. Patuloy sa pag usok ang katawan niya.

"Bakit di pa nawawala ang usok?"

"Matagal din ang pagkawala mo. Lumampas ako sa barrier kaya naging ganito."

"Matagal pa ba yan mawawala?"

"Depende..."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Anong depende?"

"Depende kung hanggang yakap lang tayo." Sabay tingin niya sa akin

"Huh? May iba pa bang paraan para mawala yan agad?"

"Oo."

"Ano?"

"Ito." Nanlaki nalang ang mata ko ng hinalikan niya ako. Gumalaw ang labi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakapikit lang siya. Lumayo siya. "Yun. Pero mas maganda yun kung ginagantihan mo."

Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng init sa magkabilang pisngi.

Ano bang ginagawa niya?! Kainis! Kanina lang ay halos patayin niya ako ngayon halos...

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na naging crystal gold ang mga mata niya na imbes ay pula noon.

"Anong nangyari sa mata mo?" Ngumiti lang siya.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Good to be back..."

~•~

"Anong ginagawa mo?"

"Dito ako matutulog."

"Ano? Eh, magaling ka nanaman, ah." Kasalukayan akong nasa kama at itong devil na ito gustong tumabi.

Pumuot lang siya at lumayo. "Sige matulog kana." At lumabas siya sa kwarto.

Mukhang nagtampo. Sinubukan kong matulog pero binabagabag ako ng pagtatampo ng devil nayun. Ano ba ito?

Ano bang ginawa ko?

Siya nga lang ang kaibigan ko, eh.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa sa guestroom pero wala, bumaba ako at nandoon siya nagsasalita ng mag isa o kausap niya ang ispirito.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon