Addison's POV
"Azi, saan ka pupunta?" Tanong ko sa anak ko nang nakita ko siya sa kalsada na naglalakad mag isa.
"School." Tumango naman ako.
"Ba't di ka hinahatid ng ina mo?" Sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Tumakas ako."
"Ha? Bakit?"
"Mas gusto kong maglakad kesa sumakay sa kalesa."
"Delikado kapag maglalakad kalang papuntang school." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Di naman. Takot sila lahat kay ina."
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit naman?"
"Diyos si ina, gumagawa siya ng mga potion."
Ano bang pinagsasasabi niya?
Huminto ako. Hinarap ko si Azi at lumuhod sa harap niya.
"Saan mo narinig yan?" Tanong ko.
"Nakita ko sa kwarto niya at alam kaya yun ng lahat." Sabay matamis niyang ngiti.
Di ko alam kung naniniwala ba ako sa anak ko?
O baka tinuturuan lang ito ng magaling niyang ama?(sarcasm)
"Di po ako nagsisinungaling. Alam ko na po." Bigla nalang niya ako hinila at tumakbo kami.
Marami kaming nilikuan at huminto nalang kami sa isang bahay na di na naalagaan.
Kumatok si Azi. "Azi anak, baka walang tao at saka mukhang may multo dito."
"Takot ka ba kay Tito Jake?" Tanong niya. Natawa nalang ako.
"Hindi ah! Mukhang yun." Sabay tawa ko.
"Kay tita Annie?"
"Di rin."
Tumango siya. "Ede, di ka matatakot dito." Kumatok nanaman siya. "Tao po! Si Azi po ito! Nandito na mama ko!" Bumukas naman ang pinto at bumungad sa amin ang batang lalaking binigyan ko ng pera para sa nanay niyang may sakit.
Nanlaki ang mata niya at pumunta din ito kay Azi. "Azi, ate... Pasok kayo." Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Diretso namang pumasok si Azi.
Sumunod ako kay Azi. Marami ng butas ang kanilang bubong ang pader din ay gawa lang sa nipa.
"Azi, hinahanap mo ba si nanay?" Tanong ng lalaki.
"Oo."
"Dito." Sabay pasok niya sa isang kwarto. Pumasok din kami at bumungad sa amin ang mga garapon ng kung anong nakalagay, may hayop, laman at mga ginagamit ng mangkukulam.
"Addison." Tumindig ang balihibo ko sa boses na nanggagaling sa babae na mukhang nanay ng lalaki.
~•~
Iinomin ko o hindi?
Hawak hawak ko ngayon ang isang maliit na bote na may nilalaman na kulay pulang likido. Ito daw ang sagot sa katanungan ko sabi ni Sera ang ina ni Hiro.
Nasa bubung ako ngayon ng bahay at tiningnan ang buwan. Masasagot ko lahat ng katanungan ko kapag ininom ko ito.
Baka kasi lason o ano diba?
Ako pa ang mamamatay.
Pero kaibigan yun ni Azi, eh.
Nagkibit balikat ako at ininom ang pulang likido na nasa bote
Napaubo ako sa pangit na lasa.Hanggang sa naging blur ang paningin ko at kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Napapikit ako at kasabay nun ang...
Lahat ng magic may kapalit
~•~
Caspion's POV
"Caspion, nandito na sila. Mangyayari na ang nasa propesiya. Ang anak mo ang magiging dahilan ng pagkamatay ng hari ng mga demonyo. At alam na ng ama mo na nandito siya." Sabay tawa ni Hecate. "Di na ako magpapaligoy-ligoy pa at aalis na ako. Ang anak mo ay ibinibigay ko na sayo, nakuha ko na ang gusto ko." sabay nun ang paglaho ni Hecate at nag iwan ito ng itim na usok.
Napakagat labi nalang ako at ginulo ang buhok ko sa inis.
Pupunta ma si ama dito! Nag teleport ako papunta sa bahay nila Addi. Bumungad sa akin si Annie na naglalakad paruot parito.
"Annie, nasaan si Addison?" Tanong ko. Gulat siyang napatingin sa akin.
"Di ko alam! Pero di ako mapakali! Masama ang kutob ko."
"Paparating na dito ang hukbo ng aking ama..."
"Caspion! Nasaan si Addison?!" Bungad na tanong ni Jake na kagagaling lang sa kusina. Ata ayon sa ekspresyon niya galit siya.
"Malay ko! Kayo itong magkasama! Nasaan pala si Azi?"
"Nasa kwarto." Sagot ni Annie. "Totoo bang alam na ng ama mo kung nasaan tayo?"
"Oo." Pumunta ako sa kwarto ni Azi at laking gulat ko nalang na may lalaking hawak hawak siya at lumabas sa bintana. "Azi! Jake, Annie! Kinuha si Azi!" Sinundan ko ang lalaking kumuha kay Azi. Lumabas din ako sa bintana. Nakita ko ang pagtakbo nito papasok sa gubat. "Azi!" Hinabol ko lang ang lalaki. Tumalon ito ng pagkataas-taas.
Di siya ordinaryong tao.
Tumalon rin ako at patuloy na sinundan ang lalaki. Tumigil ito sa gitna ng gubat. Napakadilim dito. At dahil isa akong demonyo ay nagamit ko ang night vision nakita ko ang mga demonyong nasa mga puno.
Napakarami nila. Pumikit ako at naramdaman ang pinakamalakas na enerhiya sa lahat. Napadilat agad ako at dumapo ang paningin ko sa isang puno. At tama nga ako.
Bumaba siya sa puno gamit ang itim niyang pakpak. Napakapula ng mga mata niya at sinisigaw nito na siya ang hari ng mga demonyo.
"Kumusta aking anak? Lagi ka nalang may dalang problema sa aming mga demonyo. Dati ay umibig ka sa isang anghel, ngayon binuntis mo pa."
"Ama, sinumpa din siya-"
"Tahimik! Ang batang yun ang papatay sa lahi natin! Ang batang yun ang papatay sa ama mo! Ang batang yun ang nagdala sa atin sa digmaang ito!" Tumingala siya. "Patayin ang bata!!" Sigaw niya.
Umingay ang mga demonyo na nasa puno.
"Ama! Hindi, anak ko siya!" Pagmamakaawa ko. Alam kong wala akong laban sa aking ama. Ang dugo niya ang nalalaytay sa mga ugat ko at isang pitik lang pwede na niya akong patayin.
"Ama mo ako!" Galit na din niya.
"Aray!" Tila nagalit ako nang narinig ang pagdaing ng anak ko dahil sa pagkakahulog niya sa puno.
"Patayin yan!!" Sigaw niya. Lumapit ang mga demonyo.
"Di ako papayag!!" Sigaw ko. Naramdaman ko ang paglabas ng devil na nasa loob ko na ilang taon ko ng tinatago. "Walang mananakit sa anak ko!!"
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Viễn tưởng#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...