kabanata 38

225 12 0
                                    

Addison's POV

"Ano bang pinag-uusapan nila sa baba?" Di ko mapigilang magtanong kay Caspion nang nasa kwarto na kami.

Kwarto niya ito. Black in white ang theme. Napakalaki din ng kwarto niya. Sumisigaw ng mayaman.

"Wag na natin silang pakialaman."

Humiga siya sa kama. Umupo naman ako doon. Naalala ko nanaman ang ginawa niya. Magpapayo na nga lang siya may pakuha pa ng kutsilyo para magpatayan. Ano nga bang inaasahan ko sa isang prinsipe ng mga demonyo?

"Curious lang ako." Humiga ako at tumabi sa kanya. Agad din naman niya pinulupot ang braso niya sa akin.

"Sasabihin ko sayo pero tahimik ka lang. Alam ko namang di ka titigil kung di mo nalalaman."

Tama siya. Kukulitin at kukulitin ko siya. Tumango ako at ngumiti.

"Si Chenlie at Lyn ay di anak ni Calvin. Anak siya ni Charlie yung lalaking sinisigawan sila."

Nanlaki ang mata ko. "T-tapos? Alam ba ito ni kuya Calvin?"

"Oo naman."

May kumatok sa pinto.

"Ano ba namanan yan?" Inis na saad ni Caspion. Tumayo siya pinagbuksan kung sino man ang kumatok.

"Tito?" Rinig kong sabi ni Chenlie.

"Pwede ba dito muna kami?" Rinig ko namang tanong ni Lyn. Di ko sila makita dahil nasa labas pa sila.

"Nagsisigawan pa sila." Natatakot na saad ni Chenlie. Alam ko ang tinutukoy nila, ang mga magulang nila sa baba.

"Pumasok kayo Chenlie." Sabi ko. Tumingin si Caspion sa akin.

"Bababa lang ako. Pagsasabihan ko muna ang mga magulang nila."

Tumaas naman ang kilay ko kasi alam kong higit pa doon ang gagawin niya.

"Bakit?" Natatawa niya tanong at umalis na. Pumasok naman si Chenlie at Lyn. Dumiretso sila sa kama at tumabi sa akin.

"Tita..." Banggit ni Chenlie saka ako niyakap. Binaon niya ang mukha niya sa baywang ko. "Nagsisigawan sila."

"Ssh... Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala kayo kay Cas- Azi."

"May tiwala ako kay tito!" Sabay taas kamay ni Lyn.

Tumawa ako. "Mabuti pa. Matulog na kayo."

Tumango sila at saka humiga sa kama. Kinantahan ko sila at hanggang sa marinig ko ang pagbigat ng kanilang hininga. Tulog na sila. Natulog din ako sa tabi nila.

Nagising ako nang nakaramdam ako ng kamay sa baywang ko at hininga niya ay ramdam ko sa batok ko.

Hinarap ko siya. "A-anong nangyari?" Nakapikit parin ako. "Anong oras na?" Dumilat ako. Sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mata.

"Alas dos. Matulog kana ulit." Hinalikan niya ang noo ko. Naamoy ko naman ang hininga niya.

"Lasing ka..."

Umiling siya. "Konti."

"Matulog kana. Maaga pa tayo bukas sa school at may trabaho pa ako."

"Huh? Saan?"

"Nalimutan mo nanaman ba? Doon sa club."

Tumango tango naman siya. "Huwag ka ng magtratrabaho doon. Ako ang bubuhay sayo."

Natawa naman ako. "Kaylangan kong maging independent, Casp."

"Hindi. Ako ang bubuhay sayo." Natawa nalang ako at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Gusto ko ang trabahong yun, Casp at music is my passion."

"No."

"Casp... Sige na.."

"No."

"Casp... Sige na. I love you.." paglalambing ko.

"Ah.. no."

"Caspion naman, eh. Bakit ba ayaw mong magtrabaho ako?" Nahihiya din ako sa magulang niya. Siya ang bubuhay sa akin pero ang perang ipangbubuhay niya sa akin ay galing sa magulang niya.

"Di mo alam kung gaano kahirap ang pagpipigil kong magwala sa bar nayun nang natapos kang kumanta."

"Huh? Bakit naman?"

"Di mo ba napapansin? Ang mga lalaki doon titig na titig sayo. Pinagpapantasyahan ka nila."

Teka, nagpipigil mag wala? Bakit naman? Nagseselos ba siya noon? Wala pa naman siyang nararamdaman sa akin sa panahong yun diba?

"Nagseselos kaba?"

"Mmm..."

"May nararamdaman ka ba sa akin noon palang?"

"Mmm..." Pumikit siya.

"Uy, sagutin mo naman ako ng matino."

Dumilat siya at sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Napalunok naman ako, kakaiba ang ngisi niya na parang may ibig sabihin.

"Naalala ko na. Tama nga at meron ngang kakaiba sa araw na ito." Tumawa siya. "Kaya pala..." Pumikit nanaman siya.

"Bakit? Ano bang araw ngayon?"

"Ito yung, araw na sinisilipan kita lagi sa banyo at sa kwarto, tuwing nagbibihis ka at naliligo." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag init ng pisngi ko. Mahina siyang tumawa. "Ang sexy mo." Sabay dila niya sa labi niya.

"Pervert" hinampas ko siya sa braso at tumalikod na sa kanya. Siguradong pulang pula na ang pisngi ko. Di naman niya ito makikita dahil madilim.

"Pasensya kana sa sigawan kanina, ah?"

"Wala lang yun."

"I love you too."

~•~

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon