Caspion's POV
Nandito ako sa harap ng puntod niya. Masakit, di ko parin magawa. Isang taon narin. Akala ko makakaya ko, akala ko malalagpasan ko ang sakit pero ito ako ngayon nasa harapan niya ang sakit parin. Habang lumilipas ang araw mas lalong sumasakit.
Gusto kong sumunod sa kanya. Hihingi sana ako ng tulong kay Kylie pero di parin kami nagkikita hanggang ngayon, kasabay ng pagkawala niya ay nawala din si Jake.
Naalala ko pa ang sigaw niya nung lumabas si Emma at Sariel sa kanya. Si Sariel ay agad na pumunta sa mga kalahi niya, habang si Emma ay doon sa kalahi niya. Di man lang sila nagpasalamat.
Di ako si Addison pero parang alam ko na ang nararamdaman nyang panggagamit ko sa kanya noon. Mahal ko si Addison, mahal na mahal. Akala ko sa mundong ito kapag mahal niyo ang isa't isa ay magiging masaya kayo, pero samin isang taon lang. At ang kalahati pa nun ay nagkakasakit siya. Hinarap namin lahat, bumalik pa kami sa panahong ito pero mukhang kahit anong pabalik-balik namin may masasaktan, may maiiwan, may iiyak.
At ang maiiwan ay kakapit sa isang bagay na imposibleng magamit para lang magkita kayo.
Ganyan naman talaga ang buhay.
"Ang mga Cameron ay may inihandang handaan para sa anniversary ng business nila. Sama ka?" Saad ni Calvin. Nandito na ako sa bahay at ito ang bungad niya. Nagtiim bagang ako. Di ba nila alam na death anniversary ni Addison ngayon?
Nung nasa mall kami. Ang araw ng first date namin ay doon nadin siya nawalan ng buhay, wala akong ideya ba't naging maaga kahit wala pa ang kaarawan ni Addison.
"Sa tingin mo pupunta ako doon? Death anniversary ng asawa ko." Malamig kong sabi.
"Isang taon na yun-"
"Di mo alam anong nararamdaman ko!" Sigaw ko sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan. "Di nila alam anong nararamdaman ko! Wala silang pakialam kay Addison?! Pwes, wala din akong pakialam sa kanila."
Lumabas ako ng bahay. "Saan ka pupunta?!"
Di ko siya pinansin. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot yun papunta sa bahay ni Addi.
Nakarating naman ako sa bahay ni Addi ng ligtas. Salamat naman.
Pumasok ako sa kwarto niya at kinuha ang music box mula sa kabinet. Susunod ako kay Addison. Kinuha ko ang susi. Pinasok ko ang susi sa butas, pinihit ko yun. Napangiti ako nang narinig ang pagbukas. Binuksan ko yun. Napalayo ako nang may pumabas na umitim na usok dito at pumalibot sa akin.At unti-unting nagdilim ang lahat.
~•~
"Caspion?"
"Caspion, gumising ka."
"Caspion. Naririnig mo ba ako?"
"Kaylangan ko siyang patayin."
"Ha?! Hindi! Hindi pwede!"
Dinilat ko ang mata ko. Di ko pa naaninag ang dalawang mukha na nasa harapan ko pero nang ipikit ko muli ang mata ko at sa pagdilat ko ay agad nanlaki ang mata ko.
"Addison?!" Agad akong napaupo sa kama.
"Casp!" Umupo siya sa harap ko at hinalikan agad ako sa labi. Agad din naman akong tumugon. I missed her. Isang taon din yun pero paano?
Bigla nalang lumayo si Addi. Napatingin ako sa braso niyang hawak-hawak ngayon ni Azrael.
"Don't touch my wife!" Singhal ko. Napatayo na din ako.
"Ano? Asawa? Kaylan pa nagkaroon ng asawa ang kagaya mo? At akala ko ba gusto mo si Sariel?" Napatingin ako kay Addison na ngayon ay nag iwas ng tingin.
"Huwag mong mabanggit-banggit sa akin ang pangalan ng babaeng yun." Mariin kong saad. Galit ako sa babaeng yun at lalaong lalo na kay Emma, dahil sa kanila nawala ang babaeng mahal ko pero nandito na siya sa harap ko ngayon.
"Bakit nasasaktan ka? Mahal mo pa ba?" Mapanuyang tanong ni Azrael.
"Wala kang alam, Azrael. May asawa na ako at pwede ba huwag mo kaming pakialaman, pinakawalan na kita, bumalik kana sa diyos mo."
"Oo. Babalik ako. Bumalik ka narin sa impyerno mo." Hinawakan niya ang kamay ni Addi dahilan para mag alab ako sa galit.
"Bitiwan mo siya." Mariin kong utos.
"Paano kung hindi?" Sa isang iglap ay nalipad na si Azrael palayo kay Addi at tumama siya sa pader. Hinawakan ko naman ang kamay ni Addi. Mahigpit ko itong hinawakan, sisiguraduhin ko ng di kami maghihiwalay.
"Casp..." Nalambot ako at tiningnan si Addi. "Caspion, pakawalan mo na ako." Ano? Naguguluhan ako. Gusto niya bang- "Casp, tama na." Nakita ko ang namumuong luha sa mata niya. "Pagod na ako. Di ako makaalis sa mundong ito dahil di mo pa ako pinapakawalan."
"Di kaba masaya? Nandito na tayo. Magkasama na tayo."
"Pero, Casp. Kaylangan ako ni Azrael. Di siya makakapunta sa katulad niyang anghel kapag di niya ako dinala doon."
"Kaylangan din kita."
"Casp, ikaw na ang prinsipe ng mga demonyo ngayon at tingnan mo ako, isa lamang akong hamak na multo."
"Sumama ka sa akin at-"
"Masusunog lang ako doon."
"Pero gagawin ko lahat para-"
"Casp... Don't be selfish."
"Selfish?! Sa tingin mo di selfish ang ginagawa mo?! Addi, nasasaktan ako! Mahal kita at nasasaktan ako na ang dali mo lang sumuko." Di ko maiwasang magtaas ng boses. May tumulo naring luha galing sa mata ko. "Nasasaktan ako dahil mas pinili mo siya. Ganyan ka nalang ba lagi? Ang hilig mong magsakripisyo. Akala ko ba mahal mo ako?"
"Mahal kita."
"Pero bakit?!"
"Casp, intindihin mo naman." Umiiyak nadin siya. Alam kong nasasaktan siya pero ganoon nalang ba yun? Susuko nalang siya basta-basta?
"Addison, paano ko iintindihin kung di ko naman maintindihan?!"
Kinuha niya ang kamay niya at lumapit kay Azrael. Ang sakit tingnan ng minamahal mo na pinipili ang ibang tao kaysa sa sayo.
"Magkikita parin tayo, Caspion. Sa ibang mundo. Ipapangako ko lalaban ako, ipangako mo rin na lalaban ka."
Di ko pa maintindihan ang sinasabi niya. Tumingin ako sa mata niya at doon ko naintindihan. Gusto niyang makalaya si Azrael at gusto niyang ipagpatuloy ang laban namin sa kabilang buhay.
"I won't give up on us." Napangiti din naman siya.
"I love you, Caspion." Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko pa lang siya narinig na nag I love you sa akin namay pangalan ko pa talaga.
"I love you too, Addison." Sinamaan ko naman ng tingin si Azrael. "Inuulit ko. Don't touch my wife." Mariin kong utos.
Binigyan niya ako ng sarkastikong ngiti. Lumapit ako kay Addison at hinalikan siya labi. Mariin ko siyang hinalikan. Wala akong pakialam kung nandito si Azrael. Wala din akong pakialam kung ano mang isipin niya. Basta mapakita ko lang na asawa ko ang kahalikan ko at di na pwede sa iba.
"I love you."
"I love you too."
Bigla nalang sila nawala sa harap ko.
"AZRAEL!!" Di pa nga ako nakapagpaalam.
Susundan kita diyan Addison. Gagawin ko ang lahat magkasama tayong muli.
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
BITIN BA?
So, isang taon bago binasa ulit ang story na ito at talaga namang ang bitin ang ending. Dapat magkatuluyan sila diba?
So, I decided na isama ang story nila sa Demon's Bride.
Ang demon's bride ay storya ng kapatid ni Caspion na si Kael. Yes, may kapatid siya, e-explain nalang doon kung sino talaga si Kael at ano ang magiging buhay nila sa kamay ng demonyong kapatid ni Caspion.
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...