kabanata 36

222 13 0
                                    

Addison's POV

"Tama na ba, to?" Tanong ko kay Caspion sabay pakita ng damit. Gabi na at doon kami sa kanila kakain, doon nadin daw kami matutulog.

Nakasuot ako ng white dress. Di ko alam anong dapat na gawin ko doon, medyo kinakabahan ako. Ngayon lang naman kasi ako makikipag meet sa pamilya niya, i mean fake family. Pero ba't ako kinakabahan? Gayong, nakita ko naman ang ama ni Caspion diba? At nakipagpatayan pa talaga ako. Itong pamilya ni Caspion ngayon di naman nila kayang pumatay diba? Pero ba't ganito ang nararamdaman ko? Para akong makikipagkita kay kamatayan.

"Oo naman. Ang ganda..." Sabay lapit niya sa akin at ginawaran ng halik ang aking labi. "...mo."

Napangiti naman ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ang gwapo..." Hinalikan ko siya. "...mo."

~•~

"Casp... Pwedeng mag backout?" Tanong ko nang tumigil na kami sa harap ng bahay nila. Napakalaki ng bahay niya pwede na ngang matawag na mansyon. Ito din ang bahay kung saan ko siya nakita nung naligaw ako sa kaka-jogging.

"Di pwede." Lumabas na kami sa kotse niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Naglakad na kami papasok. Habang humahakbang ako papasok ang daming pumapasok sa isip ko.

Paano kung di nila ako magustuhan?

Paano kung stikto sila?

Paano kung ayaw nila sa akin?

Di ko namalayan na nasa dining table na pala kami at nandoon na ang pamilya nila.

"Ma, Pa, kuya, ate. Meet Addison, my wife." Namula naman ako sa sinabi niya. Katahimikan ang bumalot sa loob. Nakatingin lang sila sa amin. Nag katinginan ang ate at kuya niya. Di ko tulay mawari ano ang iniisip nila.

"May tanong ako." Kinabahan naman ako nang narinig ang seryosong boses ng kapatid niyang lalaki. Nagtama ang mata namin ng kapatid niya. Agad akong umiwas di ko makakayanan ang tingin niya. Naalala ko tuloy ang sinabi niya nung tumawag siya.

~•~

"Ba't tumatawag ka sa asawa ko ng ganitong oras?!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"WHAT?! ASAWA?! WHAT THE HELL! ARE YOU KIDDING ME?! TELL AZI I WANT FUCKING KILL HIM!" At napatay.

~•~

Napalunok naman ako sa naalala ko.

"Ganyan ba talaga kayo ka in love para matawag ninyo, kayo na mag asawa?" Di ako makasagot para akong nawalang ng boses.

"Yes." Sagot ni Caspion. Hinila ako ni Caspion at pinaupo niya ako. Tumabi naman siya sa akin. Pinagsilbihan agad kami ng mga katulong.

"So... What's your name, hija?" Tanong ng papa niya.

"Addison po. Addison Cameron." Nagsimula kaming kumain.

"Kaano-ano mo ang mga Cameron na may ari ng Cameron building?" Tanong naman ng mama niya.

"Uhm... Sa tita ko po yun, kapatid ni papa."

"May negosyo ba kayo. Siguro naman meron diba? Kasi ang pagkakaalam ko pinapatakbo ng magkakapatid ang Cameron building?" Tanong nanaman ng tatay niya. Napakaseryoso nila.

"No at yes po. Wala po akong negosyo dahil natanggalan ako ng karapatan sa Cameron building nang namatay si papa at tama po kayo pinapalakad po yun ng mga magkakapatid."

"Huh? Wala kang tatay? Eh, nanay?"

Ngumiti ako at umiling.

"Oh.. sorry."

Biglang tumayo si Caspion kaya napatingin kami sa kanya. Tinulak niya ang upuan niya papalapit sa akin, hanggang sa magkadikit na ito. Umupo siya ulit at ngayon napakalapit na namin.

"Ang layo mo." Gumalaw pa siya papalapit sa akin, hanggang sa maglapat ang katawan namin. Narinig ko ang pagsinghal ng kapatid niyang lalaki at pagtawa ng kapatid niyang babae.

"Sino ang nagpapaaral sayo?" Tanong ng mama niya.

"Ako lang po. Rumaraket po ako. May trabaho naman po ako sa isang night club, bilang singer."

"So... You are bar girl?" Singit ng kapatid ni Caspion na lalaki.

"Hindi. Night club lamg naman po yun at hindi bar." Sagot ko.

"Calvin, tumigil ka na nga! Para kang timang! Ang pangit mo pag nagpapanggap kang seryoso kahit hindi naman!" Saway ng ate ni Caspion.

Nagpapanggap?

Napatingin ako sa lalaki, ngumiti siya sa katabi niya na si ate.

"Sorry naman..."

"Tsk... Tsk... Tsk... Hanapin mo na nga si Chenlie at Lyn!" Utos ni ate.

Napakamot ng ulo yung kuya at umalis. Napatingin naman ang babae sa akin, si ate.

"Hi! Ako pala si Zen, asawa ako nung timang nayun." Asawa? Akala ko magkapatid. Ngumiti siya sa akin. "Pagpasensyahan mo na si Calvin, binibiro ka lang naman nun. Mabait naman yun huwag kang mag alala."

"Zen, how's Italy?" Tanong ng papa.

"It's great dad!"

"Where's Andrea, by the way?" Singit ng mama ni Caspion.

Di ko na sila pinakinggan dahil abala ako sa pagkain at abala ako sa  pagtabig sa kamay ni Caspion na pumupulupot sa baywang ko.

"Casp... Tumigil ka nga." Saway ko.

"Ayoko." Hinalikan niya ang balikat ko. Tinitigan niya ako di ako nagpatinag. Nakatitig lang kami sa isat isa na para bang nag uusap kami gamit ang mata. Natigil kami nang may tumawag sa kanya.

"Tito Azi!" Tumakbo papalapit sa amin ang isang batang babae na may edad apat. Umupo agad siya sa hita ni Caspion at niyakap niya ito. "Kumusta po?"

Tumawa si Caspion. "Ayos lang." Napatingin sa akin ang bata. Sinamaan naman ako ng tingin ng bata.

"This is my tito. I'm his girl so back off!" Sabi niya. Masungit siya pero cute. Natawa nalang ako. "I'm his favorite nephew!" Dagdag niya pa.

"But I'm his favorite wife." Sabay halik ko sa pisngi ni Caspion para lang mainis ang bata. Mas lalo siya sumimangot at pumuot. Pinupupot niya ang braso niya sa leeg ni Caspion at nilayo sa akin.

"You are just his wife!"

"And he loves me."

"No... No..." Sabay iling niya. Na parang di tanggap ang mga nangyayari. May namumuong luha sa mata niya. "No! T-this is my tito!"

Umiling ako habang nakangiti.

"Nandito ka lang pala! Nasaan si Lyn?!" Biglang sumulpot si kuya Calvin sa tabi ni Caspion. Kinuha niya si Chenlie at kinarga. "Dahil lang sa umarte ako ay nawala na kayo dito! Nasaan si Lyn?"

"I don't know. Let me go!" Pumupumiglas si Chenlie sa pagkakakarga ni kuya Calvin. Tumayo si ate Zen at kinuha si Chenlie.

"Chenlie, behave." Saad ni Ate Zen sa anak. "May bisita tayo, oh"

"I hate her." Sabi ni Chenlie. "Mom, I'm Tito's favorite girl diba? Pero bakit may katabi siyang babae?"

"Oh... That's your tito's girlfriend."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon