Addison's POV
"Ipalaglag mo." Seryosong sambit ni Jake.
"Ano?! Pagkatapos kung sabihin sayo lahat ito ang advice mo?! Salamat pero ayoko!" Umalis ako sa bahay ng walang pag alinlangan. Gabi na at wala ng tao sa kalsada. Mau naririnig akong mga bulong pero alam kong mga multo lang yun. "Kainis yung lalaking yun!" Hinawakan ko ang tiyan mo. "Sayang naman yung si Jake siya pa naman ang pinaglilihian ko." Oo. Si Jake ang pinaglilihian ko eh ano naman?! Kainis yung lalaking yun. "Alam mo anak di ko siya gagawing ninong paglumabas ka. At yung tatay mo isa payun! Huwag kang tutulad sa demonyong yun! Mapapahamak ka lang! Bwisit silang dalawa!" Napatakip agad ako ng bibig. "Sorry baby, bad words."
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang buwan.
"Baby, ilalabas kita ng buhay at ipapaalaga kita sa nilalang na di ka papatayin at sasaktan. Di kagaya ng tatay mo!" Irita kong sabi.
"Ngayon tinuturuan mo na ang anak natin na komampi sayo?" Sabi ng nasa likuran at alam ko kung sino yun. Pumihit ako at tinaasan siya ng kilay.
"Kesa naman komampi siya sayo! Mapapahamak lang ang anak ko." Taas kilay kong saad naka ekis pa ang kamay sa dibdib.
"Anak natin siya-"
"Di mo siya anak! Dahil gusto mo siyang mamatay !" Sigaw ko.
"Di siya mamamatay kung nakay Hecate siya!" Sigaw din niya.
"Anong gusto mo?! Pagkatapos kong manganak ibibigay agad?!"
"Nagbago ang plano! Kapag namatay kana ibibigay ko siya kay Hecate!"
"Yan! Yan sayo eh. Di mo lang talaga tanggap ang bata kaya sa iba mo pinapaalagaan!"
"Di ko siya maalagaan dahil mamatay siya kung nasa poder ko siya. Anong gusto mo?! Mawala ang anak natin?!"
"Wala akong sinabing ganyan! Gusto ko lang na mahalin mo ang anak natin at protektahan!"
"Mahal ko siya!"
"Dapat di mo siya iiwan! Caspion, alam ko kung papano lumaki ng walang magulang at ang sakit nun. Gusto ko sana na kompleto ang pamilya niya." Humina na ang boses ko. "Gusto kong makilala ka niya."
Kahit anong sabihin ko alam kong siya parin ang masusunod. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.
"Maintindihan mo sana ako." Naglakad din siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at pinagsalikop yun.
"Lagi mo nalang akong sinasaktan." Not physically, emotionally.
"Sige. Gagawin ko." Napahinto ako at tumingin sa kanya. Kumunot ang noo ko.
"Ano?"
"Ganito. Ibibigay natin ang bata-"
Di ko na siya pinatapos at naglakad ako ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"Ibibigay natin ang bata pero makikipagkasundo tayo na mabubuhay ka."
Tiningnan ko siya sa mata kung nagsisinungaling ba siya.
"Kapag nabuhay ka. Ipaglalaban natin ang bata na magkasama at mabubuo ang pamilya natin."
~•~
"Pwede, pero mahirap buhayin ang patay." Sabi ni Hecate matapos naming sabihin sa kanya ang kasunduan.
"Di mo siya kaylangang buhayin bigyan mo lang siya ng lakas para maligtas siya sa paglabas ni Sariel at Emma sa kanyang katawan." Saad ni Caspion.
"Mmm... Pwede. Pero may kapalit din yun."
"Ano naman?"
"Mawawala ang alaala niya."
~•~
Pumayag ako sa gusto ni Hecate. Ang plano namin ni Caspion ay pagnanganak na ako, mapupunta kay Hecate ang bata para ma protektahan niya ito, habang nakakulong pa si Caspion sa music box. Pag dumating ang araw na kaarawan ko ay di ko na alam. Pero sabi ni Caspion hahanap siya ng paraan para mabalik ang alaala ko at gagawa kami ng kasunduan para makuha ulit ang bata.
"Maganda ang plano niyo pero baka mahanap ka ng hari bago ka manganak." Sabi ni Jake. Umiling agad ako.
"Hindi. Pinoprotektahan kami ni Hecate habang di pa nakakalabas ang bata."
Tumaas ang isang kilay niya at sumandal sa sofa. "At naniniwala ka talaga sa Caspion na yan na tutuparin niya ang pangako niya?"
"Makapagsalita ka parang wala ako dito! Prinsipe mo parin ako, rumespeto ka nga!" Sita ni Caspion sa tabi ko.
"Wala na akong respeto sayo matapos mung buntisin si Addi." Malamig na saad ni Jake. "Nandito ako sa baba habang kayo may ginagawang milagro sa taas. Pinagkatiwalaan kita! At ano tung ginawa mo! Oo, binibiro ko kayo na may ginagawa kayong kababalaghan pero di ako makapaniwala na naging totoo! Mahal ko si Addi kaya nasasaktan ako ngayon!" Sabay tayo niya. Napangiti ako sa sinabi ni Jake. Ang ganda ng sinabi niya.
Nawala ang ngiti ko ng tumayo din si Caspion. "Itigil mo nga yang pinagsasasabi mo na mahal mo siya. Nakakairita!" Iritang saad niya.
Napakagat labi ako. Tung dalawang to... Ngayon ko lang silang nakitang nag away.
Tumayo ako. "Guys, tigil, okay?" Pagpipigil ko sa kanila. "Buntis ako di ako pwedeng ma-stress at papakainin ko muna ang anak ko." Sabay alis ko sa harap nila at pumunta na sa kusina.
"Anak ko din yan, ano ba?" Iritang sabi ni Caspion.
"Ah, ewan."
~•~
Ang sarap ng gising ko kanina at parang wala akong problema. Akala ko may morning sickness pa.
"Binibigyan ka ng lakas ng bata kaya di ka nahihirapan sa pagbubuntis." Sabi ni Caspion. Napatango nalang ako ganoon pala yun. Napangiti nalang ako. Salamat at di niya ako pinapahirapan.
"CASPION!" Napatingin kami sa tumawag si Hecate. "Di ko nagawang pigilan ang ang ama mo. Nalaman na nila kung nasaan kayo at kaylangan na natin gawin ang napagkasunduan."
"Ano?! Pero di pa siya nanganganak."
"Mukhang magagawa natin ito ng maaga. Lalabas ang bata at ang mga nilalang na nasa katawan ni Addi ng maaga."
~•~
Happy! Sana masabi ko na 1k gaya ng iba pero hindi. Haha. Thank you for reading. Dito na natatapos.
The End
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...