kabanata 27

227 15 0
                                    


Addison's POV

'kumusta ang party?' bungad na tanong ni Jake. Umupo ako sa sofa at umiyak.

'anong nangyari? Inaway ka?'

Umiling ako. Umiyak lang ako hanggang sa nakatulog.

~•~

Ngayon ang araw na kung saan binuksan ko ang music box pero wala na akong pakialam doon. Ang susi ay ginawa ko nalang na kuwintas. Para masiguradong di si Jake ang magbubukas nun.

Nasa school na ako. Gaya ng dati sa hallway na walang tao parin ako dumaan. Naalala ko si Nash dito. May lalaking nam bu-bully sa kanya nung araw na yun.

Nasaan na kaya sila?

Di naman nila ako naaalala.

Pumasok ako sa classroom at di gaya ng dati, di ako yumuko. Taas noo akong naglakad papunta sa upuan ko. Ano pa bang saysay kung yuyuko ako di ba? Di ko ikinakahiya na nakakaramdam ako ng multo. Dapat nga matakot sila, pero yung dating buhay ko di sila natakot, kinilig pa sila.

Hayss... Ang bilis ng panahon. Isa pa akong inosenteng bata noon. Ngayon isang babaeng may anak na bumalik sa nakaraan.

Maykanya-kanyang pinag uusapan ang mga kaklase ko at ang iba syempre ako ang topic. Di na sila nagbago. Lalong lalo na ang Mitch nayun! Di ko malilimutan ang bitch nayun. Magkatunog pa naman ang Mitch at Bitch.

Sa oras na ito dapat nandito si Caspion sa tabi ko.

Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?!

Dapat mag move on na nga ako diba?!

Nang nagtanghali ay nagdesisyon ako na sa library muna tumambay. Nakakapagod doon sa puno. Lagi nalang akong umiiyak.

Humanap ako ng librong gustong basahin pero nahagilap ko ang isang librong napagkainteresan ko.

It's all about demons and Angel.

Haha! Nakakita na ako ng demons at angels.

Kinuha ko yun aalis na sana ako ng may narinig akong tunog ng naghahalikan. Sinilip ko kung saan nanggagaling ang tunog. At nandoon sila sa madilim na parte ng library.

Mga kabataan ngayon parang ano?!

Ang bata bata pa nag gaganyan na. Pero di ko naman sila masisisi. Nagkaanak nga ako sa edad na 17 diba?

Pero dahil bata pa sila at di pwedeng ganyan ang gawin nila! Kumuha ako ng libro at binato sa kanila. Tumakbo agad ako. Mabilis akong tumakbo at umupo sa mga upuan doon at nagkunwaring nag babasa.

Kung nag motel nalang kaya sila!

Huwag nilang ipagsigawan dito na may relasyon sila!

Nakakainis ah!

Di ako bitter ah!

~•~

"Susunduin ka ng jowa mo mamaya?"

"Oo eh!" Sabay hagikgik.

"Gwapo nun ha."

"Oo naman."

Kainis kanina pa nila pinag uusapan ang jowa daw nitong si Mitch. Naririndi ako sa boses nila. Lagi nalang topic nila Mitch at yung boyfriend niyang gwapo, makisig, sweet at kung ano-ano pa. Naririndi na ako.

Wala naman akong pakialam sa kanila. Bwisit!

Nang nag uwian na. Tinakpan ko ang tenga ko sa tili ng mga kaklase ko.

"Ayieeee! Ayan na ang jowa mo, oh!" Pang aasar nila kay Mitch.

"Tumigil nga kayo..." Saway ni Mitch na halata namang kinikilig.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon