Nakatatak pa sa isip niya ang sinabi ng doctor noong unang panahon pa ng maisipan niyang magparetoke.
"You have severe alergies and type 2 diabetes.Sabagay sa panahon ngayon iha,ay hindi na imposible ang lahat.Masyado ng malawak ang kaalaman natin pagdating sa Siyensiya."
Kaya ba niya?Hindi ba't iyon din ang kinamatay ng mga magulang niya?Natulungan ba ang mga ito ng siyensiya?Ang pinaka masaklap parehas pang sakit na diabetes ang kinamatay ng kanyang mama at papa.
Mabuti nalang at mayroon siyang napakabait na tiyahin na lubos na nagmamahal sa kanya.
Kung hindi?Ang daming gahaman sa salapi sa panahon ngayon.Kahit kamag anak mo pa.Hindi makuntento ang mga ito kahit na may mga sari sariling kayamanan na,gusto pa ng mga itong kunin ang kanya.'Wag ng itanong kung saan siya nagmana.Hindi na mahalaga iyon.Ang mahalaga'y minahal siya ng mga magulang kahit maaga ang mga itong namaalam.
Labing dalawang taon siya noon noong unang namatay ang kanyang ina,Ilang taon lang ay sumunod narin ang ama.Napakabata pa ng mga ito kung tutuusin.Ni hindi na nga siya nasundan.Siguro kalooban na iyon ng nasa itaas.
Sabay tingin sa salamin ng kanyang hitsura.
Maputi at sexyng sexy siya.Pero pag dating sa mukha?
Hipon!
Sabi nga nila kain katawan tapon ulo.May magmamahal pa ba sa kanya sa hitsura niyang ganoon?Baka nga?Baka kayamanan lang ang mahalin sa kanya?
Ngunit sa edad niya ay kailangan na niyang magkaroon ng asawa.At anak! Bakit?Baka kasi hindi na siya makabuo.May edad na kasi siya.
E kung magbayad nalang siya ng lalaki?Siguradong hindi siya mabibigo!Pero?! Katulad ng iba ay gusto niya ring maranasan na mahalin.Ngunit sino ang magmamahal sa kanya na hindi lang ang pera ang habol?Bago matulog ay nagdasal siya.Nagdasal na sana may lalaking magkamaling mahalin siya at siyempre pa ay nilubos lubos na niya.Isiningit niya rin na sana kahit hindi gaanong pogi basta may hitsura.Para naman maganda o kaya pogi naman ang maging anak niya.
Habang nakatanaw sa malawak na taniman niya ng kape sa lugar nila ay panay ang buntunghininga niya.
"Ano na naman ang iniisip mo?"
"Alam niyo naman kung ano tiya."
Malungkot na sabi niya rito."Ang babaw naman ng problema mo.Samantalang ang tauhan ng hasyenda'y ang pagpapa-aral sa mga anak nila at kakanin nila araw araw ang problema.Samantalang ikaw.Sabagay nariyan ka naman lagi para sa kanila."
"Iyon nga po eh.Ang lawak lawak ng aking pag aari ngunit nakakalungkot isipin na wala man lang akong tagapagmana."
"Bakit hindi ka mag ampon?"
"Alam n'yo namang ayaw ko ng hindi galing sa akin dahil hindi ko alam kung ano ang mamanahing ugali ng bata pag laki."
"Bakit hindi ka kaya-?
Tumikhim muna ang tiyahin bago nagsalita ulit.
Magbayad?""Kayo naman.Hindi naman ganyan ang gusto ko.Ang nais ko'y maramdaman kung paanong mahalin."
"E kung gayo'y bakit hindi ka nalang pumulot ng isa sa mga trabahante natin ?"
"Tita!!!"
Pinandilatan niya ang nagtatawa paring tiyahin."E ikaw eh,choosy kapa!"
"E bakit kayo?Sino ang mas choosy sating dalawa at tumanda kayo ng ganyan na nag iisa?"
Doon ito naumid sa sinabi niya at sabay ikinumpas ang kamay upang iwan siya.
Sinupil niya ang ngiting pilit sumasabit sa kanyang labi pagkaalis nito.
Wala kasi siyang nabalitaan na naging kasintahan nito noon at masyadong malihim ang tiyahin.
Mabuti nga'y may lumabas na isang mabait sa magkakapatid.Dahil ang iba'y masasama at ganid sa salapi.Ang nakakalungkot doon ay parehas na partidos pa ng kanyang mga magulang.
Kung sino pa ang anak sa labas ng yumao niyang lolo sa ama ay ito pa ang may malasakit at may mabuting kalooban.Wala namang pamilya ang ina dahil ulila na ito at nag iisang anak lamang.
Masuwerte parin siya at nagkaroon siya ng tiyahing bukod sa matalino na ay tuso pa.
Parang pinagtiyap talaga sila ng pagkakataon dahil ganoon din siya.Ano kaya kung sumali siya sa online dating na nauuso ngayon?Kaya lang sigurado niyang foreigner lang ang magkakainteres sa kanya.
Ang gusto kasi niya'y Pilipinong katulad niya.
Ang hirap naman kasi sa mga kalahi natin ay mahihilig sa mga magagaganda.Hindi totoo ang kasabihang beauty is in the eye of the beholder o yung what is important is the inner beauty.
Kasabihan lang iyon at malayo sa katotohanan.
Dito tayo sa kung ano ang tunay na nangyayari noon at ngayon.
Sino ang magkakagusto sa katulad niyang may katawan at kaputiang ala Kristina Gonzales nga ngunit may mukhang ala Zoriada yata.Habang pinagmamasdan ang letrato ng mga magulang ay hindi niya naiwasang magtaka.May hitsura ang mga ito ngunit bukod tanging ang mga kulay lang nito ang nakuha niya.
Mukhang sa sobrang gaganda ng mga ito'y pangit naman ang naging kumbinasyon.Bagaman medyo me hawig naman siya sa kanyang ama.Wala ipinanganak talaga siyang malas sa panlabas na kaanyuan subalit nag uumapaw naman ang kanyang kayamanan.
Ganoon ba talaga.
Mas kapanipaniwala ang kasabihang
"You can't have it all."...
"Ano Rigor marami kabang huli?"
"Nako Manoy,heto at alat.Ilang araw na kasing bagyo eh."
"Ayos lang iyan,wala ka namang pinakakain eh,di tulad ko na nagkakakandakuba na sa pangingisda'y wala paring naiipon.Wala kabang balak pumili man lang sa isa sa mga kadalagahan rito?"
"Kayo na nga ang nagsabing mahirap ang buhay ngayon."
"Kuuu! E bakit mo iisipin iyon?Magkakaiba naman tayo ng kapalaran."
"Namimili paho ng maige eh"
"Sabagay,ang isang katulad mo'y may karapatan pang mamili talaga."
Sabay hagod nito sa kabuuan niya.Natatawa siyang iiling iling sa sinabi nito at dala ang lambat at isinabit sa balikat at nagpasyang umuwi na upang kumain dahil kanina pa siya gutom.
Ilang minuto palang siyang lumalakad ng makasalubong ang mga kadalagahang nagbubulungan at pawang nakatingin sa kanya."Kumpleto na ang araw natin ano?Sa tant'ya niyo ba'y hindi niya nahahalatang sadya natin siyang inaabangan dito upang makasilay man lang?"
"Sa palagay niyo ba'y hindi makakahalata ang isang katulad niya?Basta ako,hanggat wala siyang pinakakasalanan isa man sa mga nababalitaan kong mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ay malaki pa ang pag asa kong mapasa akin siya!"
"Ha?Huwag mong sabihing?"Gulat na tanong sa kanya ng isa pa nilang kasama sa babaeng nagsalita.
"Hay nako! Ewan.Basta ako,gagawa ng paraan upang maging akin siya."
Kahit nakatalikod na'y alam niyang habol parin siya ng tingin ng tatlong babaeng madalas niyang makasalubong,o di kaya'y sadyang nagpapansin sa kanya.
Napangiti nalamang siya.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...