8.

212 8 2
                                        

Mag iisang taon narin sila ni Kevin, mula ng magbalik siya mula sa malayong lugar ay lumipas lamang ang isang buwan ay nakilala niya ang lalaki.
Matipuno at gwapo din ang lalaki. Kayumanggi at matangkad.Inereto ito ng isa niyang kaibigan minsang dumalo siya ng party nito. Ang akala niya'y wala na talaga siyang pag asa pa ngunit isang gabi lang ang lumipas at tinawagan siya nito.

"Heart, kailan ba tayo pakakasal?"

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Bakit naiinip kanaba?"

"Sino bang hindi?"
Hindi na tayo bumabata.
Sagot nito na nakasimangot na.

"May hinihintay pa kasi ako."

"Mas mahalaga pa ba iyan kaysa sa ating kasal?"

Nginitian niya lang ito.Hindi niya pa sinasabi ritong hindi boto dito ang kanyang tiya. Naroroon na naman kasi ang lagi nitong pangamba. Ang lokohin lang siya.
Sinabi pa nga niya sa tiyahin na, uso paba sa panahon ngayon ang mga ganoong istorya? Ang magmahal ng hindi kagandahan at perahan? At bandang huli'y iiwanan!? Hindi niya lang din ito maderetso, na hindi siya ganoon katanga pagdating doon.

Alam niyang isa iyon sa ginusto sa kanya ng lalaki. Subalit may pagpipilian pa ba siya? Mahalaga'y hawak niya ito sa leeg at napapasunod ayon sa kanyang kagustuhan.

Naalala pa niya ang pangyayaring iyon sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa naibebenta ang bahay na binili niya sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung bakit parang may pumipigil sa kanya. Umaasa pa ba siyang muling magbabalik doon ang taong hindi man niya aminin ay nagkaroon siya ng pag aasam na makitang muli? O pinapaasa lang ang sarili?

'' Hayaan mo, one of this day's ay pag iisipan ko iyan. "
Nasabi niya sa lalaki at kitang kita niya rin ang kasiyahang bumalatay sa mukha nito...

...

Ilang araw lang matapos ang meeting ni Arabella ay nakatanggap siya ng tawag at kaagad niya iyong sinagot.

" Hello. "
May narinig siyang hinga sa kabilang linya ngunit hindi iyon sumagot. Muli siyang nagsalita ngunit ng hindi pa iyon sumagot ay binabaan na niya iyon ng telepono.

Bigla siyang natigilan ng may bumundol na kaba sa dibdib niya. Hindi kaya ang lalaki iyon?
Ngunit binawi rin kaagad ng mismong isip. Ano siya tanga?
Ngunit pilit na may nangungulit na kung ano sa kanyang kaibuturan.

...

Matuling matuling lumipas ang panahon ng ganoong ganoon nalamang.
Ilang buwan palamang silang nagiging mag asawa ni Kevin ay nailabas na agad nito ang masasamang ugaling pilit na itinatago nito
Bago pa man naganap ang kasalan ay hindi na siya tinantanan ng tita sa pagtutol nito sa nakatakdang mangyari.

"Pag isipan mo ng makailang daang beses iyang desisyon mo iha."

Na sinagot nya naman ng ikom na bibig...

...

"Hon, ano pa ba ang kulang sa akin, sabihin mo? A-Ano pangit na ba ako? I'm not that sexy anymore? There's something wrong with me? Tell me!"

"Alam mo na ang sagot diyan una pa man. Hindi mo na mababago iyon."

"M-Maghihintay parin ako. Hindi parin ako nawawalan ng pag asa na mahalin mo."

"Mapapagod kalang. Humanap ka ng iba, marami diyan sabi mo nga."

"No! I want only you. I love you."

"Bahala ka."

"Pasasaan ba't matutuklasan ko rin kung ano ang inililihim mo."

Kumibit lang ng balikat si Rigor sa sinabi ng babae.
Hinatak nito ang malaking kurtina na tumatabing sa salaming dingding habang hitit ang sigarilyo. Nakatanaw sa malayo at hindi kayang basahin ninuman ang nasa isip nito.

...

" Lintek iyang asawa mo na yan! Naroon na naman at mukhang napasubo na naman sa sugalan. Katatawag lang dito ng mga tao doon at napatrobol na naman daw ang asawa mong magaling."Ang tiya niyang galit na galit na sabi.

Napakunot noo nalang siya at tinanggap niya ang tawag.
Hindi sana niya iintindihing muli iyon ngunit nakasalalay ang kanyang kahihiyan ngayon na ginamit ng asawa niya ang kanyang pangalan.
Gigil na nagbihis siya kaagad at pinatawag ang driver upang makaalis na.

Mauusok na tabako at sigarilyo ang humahalo sa hangin.Bwisit na bwisit siya dahil alam niyang allergic siya sa amoy nito.
Kahit pa nahahalata niyang puro mayayaman lang ang nagpupunta doon ay hindi niya alintana. Ang mahalaga'y makita niya ang walanghiyang asawa at makauwi na.

Iginiya siya ng isa sa mga tao ng Casino upang makapasok doon sa iminuwestra nitong pinto na nasa loob din mismo ng pasugalan.
Mabigat at halatang soundproofed ang pinto base na rin sa makapal na cover nito.

Nakita niya kagad ang asawang kaagad sana siyang sasalubungin ngunit itinulak uli ito paupo ng isa sa mga bouncer na nakatayo malapit sa kinauupuan nito.

"Teka! Asawa ko iyan! Diba Heart?"

"Kayo po pala Misis.Perhaps you know why we called you?"

Tumango lang siya. Pakiramdam niya kasi sa sarili'y cheap na cheap siya ng mga oras na iyon.

"How much is it?"
Dala ang cheke nya upang ihandang pirmahan ng magkatinginan ang dalawang may edad na lalaki na nakaupo sa mahabang stainless na mesa.

"Why?"
Na derekta niyang itinanong sa asawa niya.

Nagkulay suka ito sa paningin niya at uutal utal na nagsasalita ito ng hindi niya maintindihan.

"Wait, wait, is there's something else?Hindi ko maintindihan."
Naguguluhan niyang sabi.

Tumikhim ang mga ito at magpapaliwanag sana sa kanya ng biglang may sumagot sa likod niya.

"Alam mo bang malaki ang pagkakautang sakin ng asawa mo?"

Sing bilis ng kidlat ang pagkakalingon niya sa nagsalita. Muntik ng mapaawang ang bibig niya ng napagsino ang nagsalita.

"I-Ikaw?!"
Sabi niya sa mahina at halos mamaos ang boses.

"Oo ako nga. Surprised!?"
Ma awtoridad na sabi nito. Malaki na ang ipinagbago nito ngunit hinding hindi niya makakalimutan ang hitsura ng lalaki kahit pa naka suit na ito ngayon.

Narinig niya na naman ang nakakainis na tawa nito.

"Magkano?"
Mataray na tanong niya rito.

Humalakhak muna ito bago siya sinagot.

"Baka hindi mo kayang bayaran?"

"Try me."
Nang iinsulto niyang tanong rito.

"Hangang ngayon ay hindi kaparin nagbabago. Mayabang kaparin."
Iiling iling na sabi nito. "

"Tumatagal lang ang usapan.Magkano ba at naiinip nako!"
Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ng kanyang dibdib. Taliwalas sa sinasabi ng kanyang bibig.

"What's happening here Rig?"

Natigilan siya sa kadarating lang na babae. Nakapulang makintab na maiksing damit ito na naka labas ang cleavage na nagtatakang umabrisiyete sa lalaki.

"Tatlumpung Milyong Piso."

Nahigit niya ang hininga natigilan sandali at hinugot muli sa bag ang dalang cheke upang pirmahan.
Matatalim ang mga mata niyang sinulyapan ang asawa.

"Hep hep! Hindi lang iyan babae."
Kaagad na sabi ng lalaki.

Napakunot siya sa narinig pagkatapos niyon.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon