Napakasaklap.Napagkamalan pa siya nitong nurse sa hospital?!
Mula ng araw na umalis siya sa hospital ay nawalan na siya ng ganang kumain.Dinamdam niyang maige ang nangyari.Tuluyan na siyang nilimot ng lalaki.O nakalimutan.Alin man sa dalawa'y wala na siyang pakielam dahil pakiwari niya'y parehas lang iyon.
Sa kabila ng pagsasakripisyo niya rito.Halos hindi na siya makaligo at makapag asikasao sa sarili sa sobrang pag aalala na hindi na ito muling magigising.Ngunit ano ito?Nagising nga ngunit burado na siya sa ala-ala?Mas nanaiisin niya pa dati kaysa ngayon.
Paano na ang isang gabing pinagsaluhan nilang dalawa?
Iyak na lang siya ng iyak.Kailan ba kasi matatapos ito?Hanggang kailan siya aasang iibigin siya ng totoo ng lalaki?
Lalo siyang naiyak.Napakasakit!
Hanggang sa...
"Kamusta napo kayo?Kamusta na ang naging suliranin niyo noon?"
Gulat na gulat siya ng isang araw ay makasalubong niya sa pamilihan ang apo ng Manggagaway na dati niyang sinadya.
"Ikaw?!"
Gulat na sabi niya rito.
"Ako nga po,si Aning"Hindi maiwasang mapangiti ng babae sa kanya.
"Paanong?"
"Narito po ako dahil taga rito ang napangasawa ko.Siya nga ho pala.Ako po ang nagpatuloy ng gawain ni lola.Kung may nais po kayong ipakunsulta,mangyaring puntahan niyo lang po ako sa address na ito upang makabawi naman po kami ni lola kahit papano.
Malayo na ang babae'y napapa isip parin siya.
Nagkataon lang ba?Sa dinami-dami ng makakasalubong niya ng hindi sinasadya'y ang babae pa?Ang apo pa ng matanda?May ibig bang sabihin ito?
Ilang araw ng nag iisip si Arabella.Nangangayayat narin siya.Ilang araw narin siyang lumuluha.Halos isumpa na ng tiya niya ang lalaki dahil daw sa mga sama ng loob na dinaranas niya.Kung wala siguro ang kanyang anak ay hindi na siguro niya hahangaring mabuhay pa.Ganito ba kahirap ang magmahal?Ganito ka kumplikado?
Ayaw na muna siyang pagtrabahuhin ng kanyang tita dahil sa pangambang makita niya roon ang lalaking siyang responsable sa pagiging ganito niya.
Pinagmasdan niya ang natutulog na anak sa ibabaw niya habang nakahiga sila at panay ang ugoy niya sa duyan.Kaya ba binigyan siya kahit isang anak ay upang may makasama na siya sa pagtanda?Baka talagang walang lalaking nakalaang magmahal sa kanya?
Susuko na ba siya?Isa pa!
Kahit anong bunganga sa kanya ng kanyang tiya ay hindi siya nagpa-awat.Desidido na siya.
Susugal siyang muli.
Gaya ng kanyang inaasahan ay naroon nga ang lalaki.Hindi niya inihihiwalay ang tingin rito hanggat maaari.Humahanap siya ng katiting na pag asang,pinasasakay lang siya nito.Gaya ng dati! Mahirap man tanggapin ay nakumpleto nito ang umaga niya kahit hindi siya pansin.
Nang sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay niya.
"I'm sorry I'm late."
Sabi ni Cortland habang iniaabot sa kanya ang pulumpon ng mga red rose.
Sinadya niyang malapit sila sa makikita ng lalaki.
"Let's go?"
Sabi ni Cort at iniabot niya ang kanyang palad dito upang maalalayan nito.
Nagpatiuna sila upang hindi mahalata.Pumunta sila kung saan kumakain ang lalaki ng lunch ng mga ganoong oras.
Naipagpasalamat niya na halos hindi sila nagkakalayo ng table na pinwestuhan.
Nagnakaw siya ng sulyap rito.Nakita niyang may kasama itong lalaki na tila may edad narin.
"Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw na ang bahala."
Sahot niya sa tanong ni Cort kay Arabella.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomansSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
