17.

155 6 1
                                    

May napapansin ang tiya niya ngunit ayaw niya paring magpahalata.

Naaalala niya pa ang pinag usapan nila ng lalaki.

"Ayokong panay ang dikit sa iyo ng sekretarya mo."

"Bakit,noong bumalik ka,nakita mo pa ba siya?Hindi ba't pinauwi ko na?"
Sagot nito na nagtaas ng kilay habang sumusubo ito.

Hindi naman siya nakaimik lalo na ng subuan siya nito.

Haayyyy,,,paano ba ang magalit rito?

Inihatid din siya nito sa bahay.

Ngunit nagpaalam muna siya ritong bibisitahin ang kapehan.Hindi naman ito makakasama dahil narin sa mga importante nitong inaasikaso.
Hindi narin niya nakuhang sumama ang loob rito.
Tutal ay may sasakyan naman siya.Siya nalang mag isa ang bibyahe.Gaya ng dati.

Naisip niya bigla.
Ano kaya ang masasabi ng sekretarya nito,ngayong mukhang nilinaw na ni Rigor ang tungkol  kanila?

Matagal tagal rin ang biyahe.Medyo nangawit siya kaya nag stop over muna siya upang makakain at makapag pahinga.

Namimili na siya sa isang minimart na naroon ng biglang may makasagi sa kanya.Nilingon niya ito upang tingnan at nagulat siya ng napagsino ang nakasang-gian.

"I-Ikaw?"

"Ikaw rin?"
Sabi ng nakangiting si Cort.

"A-Anong ginagawa mo rito?"
Tanong ni Arabella.

"Ah,mayroon lang akong dadalawin."

"Ganoon ba?"

"Yup."

Natawa si Arabella ng mapuna niyang parang sadya nitong ipinakita ang tatak ng basong kilala niya na isa sa mga umaangkat sa  kaniya ng kape.

"Paano mo nalaman?Tanong niya sa lalaki.

"Ang alin?"

Inginuso niya ang kapeng dala nito.

"Wala.Ginaya ko lang ang dala mo."

Saka siya natawa sa sinabi nito.Ibig sabihi'y kanina pa siya nakita nito?Sadya ba siyang sinusundan nito?

"Nope and yes."

Naguluhan siya sa sinabi nito.

"Kung iniisip mo na sinusundan kita,oo at hindi."
Na para bang nabasa nito ang nilalaman ng kanyang isip.

Naka kunot parin siya hanggang hinawakan na nito ang mga kamay niya at iginiya siya sa isang upuang malapit lang roon.

"Actually,galing ako sa friend ko na dito rin nakatira at siguro'y dininig nung nasa itaas ang panalangin ko.Kanina pa kasi kita naiisip.Kaya gaya mo'y nagulat din ako ng makita kita rito.At ngayon nga'y balak na kitang sundan.Sa pupuntahan mo.At sana'y hindi mo ikagalit."

Nakangiti ito ng alanganin sa sinabi niya.

Ano ba ang isasagot niya?Siyempre ay papayag siya.Nakakahiya naman kung tatanggi siya.Mabait naman ito.

Napataas ang kilay niya sa huling sinabi nito.

...

Pagkatapos nilang mag ikot sa kapehan ay pinatuloy niya ito sa isang malaking kubo na sadyang ginawa ng mga magulang nuong bata pa siya.

Napangiti siya dahil tulad ng inaasahan niya ay kinumpleto na ng kanyang tao ang kakailanganin niya ngayon doon.

Amaze na amaze ang lalaki sa nabungaran.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon