39.

128 7 1
                                    

Masamang masama ang loob ni Arabella ng mga ilang araw.Paano'y magtatatlong araw na siyang hindi man lang pinupuntahan ni  Rigor.Hindi niya tuloy alam kung ano ang mga pinagagagawa ng lalaki.

Saan na naman pumunta ito at tila nakalimutan na naman siya?Ano tumakas na naman sa kanya?Siya itong napakatanga!Bakit?Dahil nagpa isa na naman siya.

Hindi nakatiis si Arabella at hindi napigilang bumaba sa kabilang department at nahihiya man ay tinanong niya ang isa sa mga tauhan ng lalaki.

"Hindi rin po namin alam mam.Ang nakakapagtaka lang ay ilang araw ng hindi nagpapakita si sir at ni ha ni ho ay wala pong ibinilin na dati naman niyang hindi ginagawa."

"Si mam niyo?Alam ba niya na ilang araw ng absent ang sir niyo?"

"Hindi rin po namin alam mam kasi sumasaglit lang siya rito palagi.Hindi naman po kami para magtanong."

"Diba dati'y umalis narin ang sir niyo?"

"Oo nga po,pero nagpapaalam siya.Ipinaalam niya sa buong department.Pero ngayon mukhang nag iba.Hindi kaya may sakit si sir?"

Parang may biglang bumundol na kaba sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.Hindi niya maipaliwanag kung bakit nagka ganoon.Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon.

Anong nangyari sa lalaki?

Ewan ba niya.Hindi na siya nagpatumpik  tumpik at kinuha ang bag sabay baba ng elavator at tumawag ng taxi.Hindi niya ginamit ang sasakyan upang hindi siya mahalata sa pupuntahan.

Nakarating siya sa condo ng lalaki.Madali siyang nakapanhik dahil kilala na siya roon.Hindi na siya nagtanong sa ibaba dahil baka mahalata pa siya.Humingi muna siya ng kopya ng susi sa kakilala niyang receptionist at hindi naman siya nahirapan.Patingin tingin siya sa pasilyo at muntik na siyang makita ng asawa ni Rigor na papalabas na sa pintuan.

Bakit naroon ang babae?Ano ang ginagawa nito doon?Siya'y kaya naroon ay nagbabakasakali siyang naroon din ang lalaki.Malay ba niya kung saan nakatira ang mag asawa.
Nawalan siya ng pag asa.Baka may ipinakuha ang lalaki rito.

Nang makalagpas na ang babae'y saka siya lumabas sa pinagtataguan niyang fire exit.Tutal narito na naman siya bakit hindi na siya pumasok?!
Dahan dahan niyang ininsert ang card na siyang pinaka susi.Bumukas.

Dahan dahan siyang pumasok.Kaya itinuloy niya ang pakay ay may nararamdaman siyang kakaibang kutob.
Ewan ba niya.Ngunit ilang beses narin naman siyang nailigtas ng kanyang instinc.
Palingon lingon siya.Wala naman siyang nakitang kakaiba.Dumaan siya sa kusina.
Walang tao.
Ano ba itong pinag gagagawa niya.Ano ang inaasahan niya?Na naroon si Rigor?Na itinatago ang lalaki roon?At bakit naman ito itatago ng asawa?
Hangang nag desisyon nalang siyang umalis.Dinampot uli ang bag upang lumabas.

Nang may marinig siyang mahinang ungol.
Dali dali siyang nanakbo papunta sa kwarto kung saan nang gagaling ang tunog.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
Si Rigor nga! Nakita niya itong nakahiga sa kama at mukhang namumutla.Sa tabi naman ay ang swero.Nag aalala siyang dinaluhan ito.
Hinaplos haplos niya ito sa ulo at braso.Nakabalot ang ulo nito ng gasa at halatang nadisgrasya ang lalaki.

"Rigor!Narito ako,si Arabella.Ano ang nangyari sa iyo?"

Umungol ungol ito at dahan dahang nagbukas ng mga mata.

"Ano ang nangyari sa iyo?Bakit hindi namin alam ito?"

Bumakas sa mukha nito ang pagkalito at pagtataka at pagtatanong.

"Magaling!!! Ano ang ginagawa mo ritong walanghiyang babae ka?Paano ka nakapasok rito?"

Nagulantang siya sa boses ng babaeng hindi niya namalayang bumalik pala.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon