"Kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala."
Napatda siya sa boses na biglang sumingit sa kanilang dalawa ng katabing lalaki.
"Oh,Rigs!Sorry kauupo lang namin kanikanina lang."
Hinging paumanhin ni Cort sa lalaking hindi maipinta ang pagmumukha na nakatunghay sa hitsura nilang dalawa.Tumango lang ito sa lalaki at hinawakan na ang kamay niya upang sumunod na rito.Nag iwan naman siya ng maliit na ngiti habang nauuna sa lalaki dahil hawak na siya ni Rigor.
Pagpasok nila sa loob ay napauna niyang wala na ang sekreterya nito.Hindi na siya binitiwan ni Rigor habang kausap ang mga kaibigan nito.Panay naman ang sulyap sa kaniya ni Cort
kahit na kasama niya si Rigs.Napapaisip tuloy siya bigla.Ano ang motibo ng lalaki.
Bakit?Ano ang konek?Anong feeling niya?Simpleng pakikipagkaibigan lang siyempre.Sa tingin naman niya'y may sinabi rin naman ito.Okay,yun lang wala na.
Di katulad nitong isa.Kaya lang nasa tabi at hawak siya'y sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng gayuma.Medyo ginalaw galaw niya ang kamay upang ng sa gayo'y hindi naman mamanhid.Nararamdaman niya kasi ang higpit niyon.Natigilan siya ng makita niya ang mukha ni Rigor na pinanlisikan siya ng mata.
Unti unti ng nag uuwian ang iba ngunit tila balak yatang magpahuli ni Cort.Matapos kasing magpaalam ang isa pang guest ay ito nalang ang natira.
"Hindi sa itinataboy kita Lance,pero hindi kapa ba uuwi?"
Nagulat pa siya ng magsalita si Rigor ng ganoon."Umnnn,,,gusto ko sanang ihatid si Bella.Bella ok lang ba?"
At hindi inaasahan iyon ni Arabella lalo na ang ginawa nitong pagtawag sa kanya.
"Ako ang maghahatid sa kanya dahil ako ang nagdala sa kanya rito."
"Kaya nga tinatanong ko siya,dahil siya lamang ang makapagpapasya niyan."
Naguluhan siya bigla sa tila pag tatagisan ngayon ng dalawang lalaki sa paghahatid sa kanya.
Nakita niya pa ang pagtatalo ng mga titig nito sa bawat isa."H-Hindi.Ako nalang tutal kanina pa ako nagpatawag ng driver ko at parating na siya."Dahil sa kalituhan ay nasabi niyang bigla ng hindi nag iisip.
Nakita rin niya ang pagtatagis ngayon ng ngipin sa kanya naman ni Rigor.Nagmamadali siyang nagpaalam rito upang mag cr muna.Hindi na niya hinintay pa ang mga susunod na mangyayari at pagkapasok na pagkapasok palang niya sa banyo ay dinial na niya ang kanyang telepono upang tawagan ang driver at magpasundo rito.
Ano bang nangyayari?Totoo ba ito?Pu-puwede na ba siyang mag assumed?Ganito pala ang pakiramdam ng maganda.Pero sa isang tao lang siya mukhang maganda?Nakakahawa ba ang gayuma?.Gusto niya tuloy matawa sa naisip niya.
Nang lumabas na siya'y naroon parin si Cort.At tila nagbabantayan ang dalawa.
Hindi niya tuloy alam kung papaano niya pakikisamahan ang mga ito upang hindi mag away.Para tuloy siyang naipit sa dalawang nag uumpugang bato.
Parang gusto niya tuloy hilahin ang orasan upang dumating ni si Manong Lando.Nasaan naba ito?At sa wakas ay may tumimbre narin.Hindi na niya hinintay pang mag tayuan ang mga lalaki.Nagmamadali siyang nagpaalam sa mga ito upang umalis na.Hindi na siya lumingon upang hindi na niya makita pa ang mga ito.
At hindi niya alam kung paano niya haharaping muli si Rigor.
...
"Anong gustong palabasin ng lalaking iyon kagabi?"
"Ano bang malay ko?Kayo itong naiwan ah?"
"Bakit mo pa kasi kinausap iyon at kung hindi ko pa kayo nakita'y hindi kana kakalas sa lalaking iyon?"

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...