"Are you sure?"
Tumango lang siya habang kinakabahan.
"Ganoon naman pala eh."
Dinaluhong siya nito at maalab na hinalikan.Napatda siya sa kinatatayuan.Noon lang siya nakatikim ng halik buhat sa kakakain lang.Pero imbes na mandiri'y hindi iyon ang naramdaman niya.Nag umpisa ng gumapang ang mga kamay nito.
"Wait.Stop!Stop it!""I'm sorry,I got carried away."
Sabi nitong nakangiti.Iiling iling siyang sumakay habang inalalayan nito.
Habang nasa manibela ang lalaki'y sinasabayan nito ang kanta mula sa pinatutugtog nito at panay ang sulyap sa kanya.
Gusto niyang matawa dahil parang pangkanto ang sinasabayan nitong kanta.Kung sa iba'y matuturn off na siya ng dahil doon,nakapagtatakang dito sa isang ito ay hindi.Bagamat naka pang pormal ang lalaki'y hindi bakya ang dating nito.Parang dating brusko na business man.
Napilitan siyang magpahatid dahil narin sa kakulitan nito.Hindi siya nito tinantanan hanggat di niya sinasabi kung saan siya nakatira.
Hangang sa bumaba na ito kasabay niya.Napataas ang kilay at napangiti ang kanyang tiyahin ng makitang may kasama siya.Saglit itong natigilan ng makita ang kasama niya.
"Pasok. Ang dala mong kotse?"
Tanong ng tiyahin ng makitang magkasama silang bumaba."Ipahahatid ko nalang ho bukas sa tao ko ng maagang maaga."
Ang lalaki na ang sumagot sa tanong nito.
"Maiwan ko muna kayo.Kakain ba kayo?magpapahanda ako?"
"Huwag napo tita busog po kami."
Ngumiti lang ito at sinulyapang muli si Rigor at pagkatapos ay iniwan na sila.
"Mayaman ka pala talaga."
Sabi nito sa malaki niyang bahay."Hindi ba't ikaw rin?"
"Ngayon nalang.Ako nga mismo hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala.Bukod sa business ay may mga account pa pala sa ibang bansa ang Dad,Sayang at hindi man lang kami muling nagkita.At ang Mommy't mga kapatid ko.Puro sa picture ko nalang nakita."
"Nakakalungkot isiping pareho tayo.Mga bata palang ay ulila na."
"Kaya siguro tayo pinagtagpo."
Sabay kindat nito.Kunyari pang napaangat ang kilay niya ngunit sa kanyang kaibutura'y kinikilig siya.
Unti unti itong umisod papalapit sa kanya.
"Uhum...Paano na yung ano?"
"Anong ano?"
Napahilamos ito ng mukha sa sinabi niya.Gusto niyang matawa sa hitsura nito ngunit pinigilan niya.
Umalis itong masama ang loob sa kanya ngunit tinawanan niya lang iyon ng alam niyang nakalayo na ang lalaki.
Nahihiya man siyang umamin sa sarili niya ay tinanggap niya naring magaan at masaya siya ng umagang iyon.
Ilang damit na ang napagpilian niya ngunit pakiramdam niya ay hindi iyon lahat bagay sa kanya.
Nagmamaganda na siya alam niya.Nagmamaganda ha,pero hindi maganda.Ipinapaalala iyon ng kanyang konsensiya sa kanya.Nakarinig siya ng pag busina ng kung sino sa labas at dahan dahan siyang sumilip ng may kaba sa dibdib ngunit nadismaya ng makitang ibang tao ang may dala ng kanyang sasakyan.
Ikaw ha,sinabi na kagabing "ipahahatid"hindi ihahatid."
Bigla nalang siyang bumalik sa kanyang dresser upang tapusin na ang kanyang ritual.
Iyon parin ang ginamit niyang pabango dahil iyon na ang ginawa niyang trademark at ayaw niya ng pabago-bagong amoy.

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomansaSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...