Ano ang panama ng binti niya sa haba ng biyas ng lalaki?
Inabot parin si Arabella ng lalaki kahit alam niyang aabutin siya nito'y nagmadali parin siya dahilan upang madulas siya sa mga dahon at mga damong basa.
Parang slowmotion na nadulas si Arabella at handang masubsob ang mukha sa putikan ngunit kung gaano kabilis ang pagkakadulas niya ay siya ring bilis ng mga maskuladong bisig na sumalo sa kaniya.
Sandali siyang natigilan dahil narin sa gulat at nadagdagan pa iyon ng makita niyang nakakapit ang mga braso nito sa ibabaw ng kanyang dibdib.Nagpumiglas siya ngunit seryoso lang siyang tiningnan nito at hindi siya binitiwan.
Binitbit muna siya nito sa banda roon kung saan hindi gaanong maputik.
"Ano ang gagawin mo sa ibang bansa,bakit ka aalis?"
"Hanggang ngayon ba?"
Napipikang sabi ni Arabella sa lalaki.
"At hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan."
"Ok,ok.May kakausapin kaming malalaking tao at kailangan iyon sa trabaho.Ok na ba iyon?"
Natahimik ito bigla.
"Bumalik ka agad."
Napa pamaywang siya sa sinabi nito.
"Alam mo ikaw-"
"Basta hihintayin kita.Kinakailangang bumalik ka kaagad.Huwag kang magtatagal."
Nagkibit balikat nalang siya upang matapos na ang kanilang usapan.
Hanggang sa nakarating sila sa kanilang mga sasakyan.
Papasok na si Arabella sa kanyang sasakyan ng biglang may dumaklot sa kanya at namalayan niya nalang na hinahalikan na siya nito kahit huli na ng matauhan siya sa ginawa nito.
Likod na lang ng lalaki ang kanyang inabot dahil agad itong nakatalikod.
Magalit man siya ay huli na.Ano pa ang kanyang magagawa,E hinalikan na naman siya ng lalaki.
Sa susunod nalang ay mag iingat nalang siya uli.
...
Papaalis na lamang siya'y panay pa ang tawag ni Rigor sa kanya.
Ano ba ang gusto nitong palabasin?Hindi na niya kinakailangang magpaalam pa rito.
Kung dati'y hindi siya makatiis na hindi ito makita'y iba na ngayon.Unti unti ng napaparam ang dati niyang nararamdaman rito.
Salamat talaga sa pagpapawalang bisa ng lahat sa tulong ng black magic.Noong una'y hindi talaga siya naniniwala rito,ngunit pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay niya ng dahil rito'y unti unti na siyang naniniwala.
Malaking pagkakamali ang gayumahin niya ang lalaki pero hindi ang anak niya.Kahit kailan ay hindi siya nagsising nagkaroon siya ng anak dahil sa minsang niyang pagkakamali.
Isa lang naman ang totoong nagmahal sa kanya.Si Cort lang talaga.Hindi naman siya minahal talaga ni Rigor.Nang dahil lang lahat talaga sa gayuma.Tama!Nang dahil lang sa gayuma talaga.
Doon na nagkita sina Arabella at Cort sa ibang bansa.
Ang plano nilang magsasabay ay hindi na natuloy dahil isinama narin nito ang mag ina ng lalaki.
Kailan lang nito ipinakilala sa kanya ang asawa't isang taong gulang na anak.
Hindi naman naging hadlang ang mag ina nito dahil nakapag consentrate naman sila sa trabaho.
Marami silang nakasalamuhang ibat ibang uri ng tao roon.
Mapag tapos ng trabaho'y videocall naman sa anak niya ang kanyang inaatupag.Ang kanyang business ay nahaluan ng pleasure dahil ang tangi niyang naging libangan roon kontra bagot ay ang mamili ng mamili.
Ang planong saglit lang roon at pagkatapos ng business ay uuwi na'y medyo naantala dahil narin kinumpleto niya ang iba niyang bucketlist doon.Katwiran niya'y andodoon na siya'y bakit pa hindi?.
Kaya imbes na magkasabay silang umuwi ni Cort ay ito nalang at ang mag ina nito ang nauna.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
