"O e, bakit parang nabigla ka yata?"
Nanunukso ang mga mata nito na agad tumingin sa nalaglag na tray pagkatapos ay sa mga mata niyang nakasulyap na ngayon sa basong tangan nito na nilagyan niya ng gayuma.Yumuko siya upang damputin ang tray na nalaglag.
"Huwag mo akong intindihin.Kumain ka na muna ng mapag usapan na natin ang dapat pag usapan."Hindi siya mapakali habang nakikita niyang iniinom nito ang juice at siya man ay sumimsim narin ng kanyang juice upang mabasa ang kanina pa natutuyong lalamunan sa kaba.
"Ngayon,heto ang halagang hinihingi mo."
Iniabot niya rito ang 2bundle ng tig lilibuhing pera."Kailan tayo mag uumpisa?"
Tanong nito na inaamoy amoy pa ang malulutong na lilibuhin."Sa malaot madali."
Inilabas niya ang papeles na hawak mula sa loob ng envelope at iniabot rito."Kailangan paba nito?"
"Negosyante ako at sadyang sigurista."
Napangisi ito at walang pakielam na pinirmahan ang hindi man lang nito binasang papeles.
"Anong klaseng relasyon ba ang gusto mo?"
"Bakit kasi hindi mo binasa?Nariyang lahat at nakasulat."
Na ang tinutukoy ay ang papeles na nakalapag sa mesa."Pwede bang ikaw na mismo ang magsabi?Tamad akong magbasa at isaisahin pa ang mga iyan."
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Ang gusto ko'y parang sa dalawang totoong magkasintahan.Gusto ko'y susunod ka sa mga nais kong mangyari.""Ano ano nga ang mga gusto mo?"
Nakakunot na ito ng magsalita."B-Bahala kana."
"Ok,ako kamo ang bahala ha,sigurado ka? Baka kapag may ginawa ako na natural sa magkasintahan na sinasabi mo'y bigla kang pumalag?''
"Ang liliwanagin ko lang ay ang isang bagay.Ayokong pakikialaman mo ang mga desisyon ko.Ang tanging gagawin mo lang ay umaktong kasintahan ko at-''
"Hep!hep! Masyadong dumadami ah?Malinaw ang usapan na isang linggo lang ang kontrata,pagkatapos ng isang linggo ay baklas na ako.At...nasa akin na ang pasya noon pagtapos."
Napa buntunghininga siya at tumango.
"Pwede kitang galawin?"
Sabay hagod nito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.Parang namutla yata siya sa sinabi nito at natigilan bigla.
"O ano?"
Naiinip na tanong nito.Tumango siya ng dahan dahan.
"Pwede kitang galawin pero hindi kita bubuntisin ha,ibang usapan na iyon.Hindi na kasama iyon."
Tumango ulit siya rito.
Nakita niyang dahan dahan na itong lumapit sa kanya.At napaurong naman siya.
Ngunit sadya yatang mabilis ito.
Sinagpang kagad siya nito at sinibasib sa labi.Nanigas siya ng lumapat na iyon sa kanya.Sandali siyang nakalimot dahil naramdaman niya ng nasa leeg niya ang malalambot at mapupusok na labi na iyon.Kasunod niyon ay ang pagkapit ng malaki nitong kamay sa isa niyang dibdib at nahigit niya ang kanyang hininga.
Hindi sinasadyang naitulak niya ang lalaki."O bakit?Akala ko ayos lang 'to?"
"B-Bukas ang simula,nakasaad iyan sa kontrata."Sabi niyang wala pa halos sa huwisyo.
"Sigurado ka?Ayaw mo ba noon,me bonus kang isang araw?Hindi kaba malulugi?"
Sabi nitong matiim paring nakatingin sa kanya."Wala ka ng pakielam doon.Bitbitin mo ang kontrata at basahin.Mahirap ang nangangapa.Para alam mo lahat ng gagawin mo."

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomantizmSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...