22.

125 7 2
                                        

Matagal...

Matagal nakapag isip si Arabella ng isasagot.Hindi niya napaghandaan ang mga ito ng dahil sa kalandian niya.

"Ano,kagabi kasi'y naghahanap ako ng banyo,imbes na ang banyo ang nakita ko'y itong kusina pala."

Mukhang nakumbinsi naman ito sa sagot niya kaya nakita niyang tatango tango ito ng nakataas ang isang kilay.

"Masyado ka naman palang mabait."
Sabi pa nito na nakatitig sa kanya habang kumakagat ng tinapay.

"Ga-Ganoon talaga a-kko"

"Paano kung narape kita rito?"

Bigla siyang nasamid sa kapeng iniinom niya.

"Alam kong hindi ka masamang tao."

"Really?"

Siya naman ang dahan dahang tumango.

"Paano mo nasiguro?"

"Ano kasi e,Wala naman sa mukha mo ang gagawa ng ganoon."

"Oh?!Bakit ang sabi nila,ang ugali daw ng tao'y hindi mo kahit kailan makikita sa mukha.Gaya mo."

"Huh?!"
Tanong niya sa sinabi nito.

"Mukha kang istrikto,but I do'nt know kung ganoon nga?"

"Well.''Sa kawalan niya ng masasabi.Hindi niya naiwasang yumuko dahil narin sa nadidistract siya sa hitsura nito.Pinanatili niya ang tingin sa tasang hawak niya.

"Taga saan ka?Ano ang business mo rito?"

"Ha?Ano e,,,kape.Kapehan."
Maikling sagot niya.

"May kakilala akong ganyan din ang business."
Sabi nito.

Tatango tango siya ngunit kinakabahan.

"Nasaan ang asawa mo?"

"Separated na ako."

"Boyfriend?"

"Wa-Wala."

"Wala?You mean namatay?Nawala?Naglaho?"

"Ha?!"

"Kanina pa kita napupunang parang hindi ka sigurado sa mga isasagot mo."

Napasimangot siya sabay sabing.
"Masyado ka kasing straight forward."

"Curious lang kasi ako na narito ka."

"Hindi ba't pinaliwanag ko na sayo?"

"Nagkakilala naba tayo noon?"

"Ha?H-Hindi."

"Humnn,Sigurado ka?"

"Bakit naman itatanggi kong nagkakilala tayo o magkakilala dati?"

"Marami raw mga itinatago ang isang tao.Maraming inililihim.Ngunit...
Wala raw lihim na hindi nabubunyag."

Nanlamig siya sa mga sinabi nito pero pinalakas niya ang loob.
"Maaaring tama kanga.Pero ano ang kaugnayan ko sa sinasabi mo?"

"Pwede kabang lumapit dito sakin?"

"Ha?!"

"Mahina ba ang tainga mo?Kanina ko pa kasi naririnig iyan sa iyo."

"Hindi naman,kaya lang ay,,,bakit?"

"May gusto lang akong malaman."

"Bakit hindi mo nalang itanong sa akin?"
Unti unti na siyang kinakabahan sa mga pinagsasasabi nito.

"Ano bang malay ko kung sasagutin mo ng totoo."

"Alam mo,kanina pa ako naguguluhan sa iyo.Bakit mo ba itinatanong ang lahat ng ito?"

"May gusto kasi akong malaman na para bang itinatanggi mo?"

Lumalim ang gitla niya sa noo sa mga sumunod pang sinabi nito.

"Bakit hindi ka lumapit kung wala kang itinatago."

Saglit siyang natigilan.Diyos ko!Susundin niya ba ang hinihiling ng lalaking ito?"

"I'm waiting."

Nagulat pa siya ng sinabi nito iyon.

Humugot siya ng isang napakalalim na hininga at tulad ng sabi nito'y dahandahan siyang tumayo at humakbang palapit sa kinauupuan nito sa kanyang harapan.

Parang slow motion ang lahat sa kanya.Pakiramdam niya ay isang oras ang binibilang ng bawat hakbang niya.
Matagal...Matagal na matagal.
"Ayyyyy"

Hinatak siya nito palapit sa hubad nitong pang itaas,napatili siya ng kontrolado sa pagkagulat sa ginawa nito.

Mainit.Napapaso siya sa dibdib nitong nakadikit narin sa kapwa niya dibdib.Bagaman magkadikit ay malayo ang kanyang mukha,sinadya niya iyon upang hindi iyon mapalapit sa mukha nito.
Ngunit tila nahalata nito iyon kaya hinawakan siya nito sa ulo upang lalong mapalapit na sa mukha nito.

Kitang kita niya pati na ang mga balahibo nito sa mukha.Kitang kita niya rin ang ginawa nitong pagtitig sa kanya.Titig na titig ito partikular sa kanyang mga mata.Tila may hinahanap iyon sa mga mata niya.

"B-Bakit,mo ginagawa ito?"

"Kilala kita."

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito.
Ano ngayon ang isasagòt niya?Aamin naba siya?Mabuti pa nga.

"Hindi kita kilala."
Sa halip ay naibigkas ng kanyang bibig.Kahit man siya ay hindi na nagulat.Pababayaan ba niyang kamuhian siya nito kapag nalaman nitong malaki ang ginawa niyang panloloko rito?Inagawan niya ito ng buhay.Ng kalayaan kahit sa ilang panahon lang.


Bigla ang naging paglayo niya rito.
"A-Anong ibig mong sabihin?Bakit mo ipinipilit na kilala mo ako?"

"Hindi naman,para kasing matagal na tayong magkakilala."
Sabi nito na sumeryoso lalo.

Bago pa mapunta sa kung saan ang usapan.Minadali na niya ang pag ubos ng kanyang kape upang ng sa gayon ay makaalis na siya agad.

"Bakit nagmamadali ka yata?"

"Marami pa kasi akong aasikasuhin."
Sagot niya sa tanong nito.

Dinampot niya ang bag at tinanguhan ito,dali dali siyang umalis.

Pag dating sa elevator ay saka lamang  nakahinga ng maluwag si Arabella.Kinabahan talaga siya doon.
Ano na  lang ang gagawin niya kung sakaling matukso siya uli rito?May pangalawang gayuma paba?
Miss na miss niya ang lalaki.Muntik na siya.

At bakit hindi na umuuwi ang lalaki sa bahay na nabili nito?
Maige nalang at bago pa niya isinakay ang lalaki ay nagtanong muna siya sa kaibigan kung saan niya ito dadalhin?Siyempre pa'y kung iuuwi niya ito'y malaking gulo.Bakit ba kasi siya napapayag payag na ihatid ang lalaki?.
At bakit sa pad nito umuuwi ang lalaki?Nahalata niya iyon dahil naroon ang mga gamit nito.



Nang lumabas ang babae'y nag iisip isip siya.Nakatingin siya sa coat na hindi na nito naalalang balikan na ngayon at hawak hawak niya.
Pagkatapos makapag isip isip ay nahiga siya sa kama at gaya ng inaasahan niya,naroon pa ang amoy nito.Kumapit ang pabango nito sa kanyang mga unan.
May gusto siyang malaman rito ngunit hindi na niya tinuloy kanina.Mukha kasing alalang alala ito at tila balisa sa presensiya niya.

Maya maya pa'y sinagot niya ang makulit nantumatawag sa phone niya kagabi pa.


"Wala ako sa trabaho.Nagpapahinga lang ako.Ikaw na muna ang bahala diyan,tutal alam mo na naman iyan diba?"...
"Mahalaga pa ba iyon?Huwag mo akong alalahanin."


Tumayo siya upang buksan drawer niya na malapit sa table.Naroon ang mga papel na matagal na niyang inihanda.Naroon din ang iba pa niyang iniingat ingatan at ang resulta ng malaki niyang kabiguan.Naka imprenta doon ang hangganan ng lahat.Nakita nga niya ang mga magulang kahit sa larawan nalang at nag iba ang estado ng kanyang pamumuhay subalit para namang pinaglaruan siya ng tadhana.Na para bang batang binigayan ng isang malaki at mamahaling laruan upang bawiin nalang ng ganoon ganoon lang.Napakasaklap.
Ano pang silbi ng pagsisikap kung ang lahat ay may mauudlot sa isang iglap lang?




Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon