11.

189 4 3
                                    

Sinampal niya ang asawang kararating palang. At hindi na ito nabigla.

"Why? Why did'nt you tell me?"
Tanong niya sa galit na tinig.

"Nagipit lang ako ng mga panahong iyon,magulo ang aking isip. Isa pa, muling kumatok ang pagkakataon noon sa pamamagitan mo, sino ang makatatanggi?"

"Niloko mo ako.Ang laki ng hiningi mong kapalit alam mo ba iyon?"

"Humihingi ako ng patawad."
Nakayukong sabi ng asawa.

"I want an annulment."

"Inaasahan ko na iyan."
Mapait nitong sabi.

Tumango muna ito bago umalis. Ganoon din ang ginawa nito sa nadaanang tiyahin.

"Paano ngayon iyan? Ipakukulong mo ba?"

"Hindi ko po kaya."
Malungkot niyang sagot sa tanong ng tiyahin.

"Alam kong iyan ang magiging desisyon mo, kilala kita."
Sabi nito.

...

Kung ano ano na ang napag meetingan nila ngunit walang pumapasok sa utak niya,paano ba naman ay makaagaw pansin ang lalaking nasa harapan niya halos.Ibang iba ito sa Rigor na nakilala niyang nkapantalon at nakasandong butas butas at nangingintab ang katawan sa init ng araw.Ngayon ay naka Amerikana na ito at tila hindi nasiyahan sa isa,dalawang amerikana kasi ang taglay nito ngayon,isang suot suot at isang nakatanghod dito,ngayon niya lang napag alaman na ang babaeng kasakasama nito ay ang  sekretarya nito.Mukha kasing may lahing Kana ang babae,maganda ito hindi na maitatago iyon.Siya? Napa tingin siya sa sarili at hindi naiwasang maikumpara niya siya rito.Napabuntung hininga siya sa iaasahan na niyang makita.Oo,maputi siya,flawless,sexy,and?...

''What do you think Miss Carlson?''

Nagulantang pa siya sa tinig na iyon ng isa sa mga executives na naroroon.

''Ahh umm,,,''Hindi tuloy niya alam ang kanyang isasagot sa hindi niya inaasahang tanong na iyon.

''Mukhang wala yata rito ang isip mo Partner?Nang iinis na tanong sa kanya ng ni Rigor habang ngingiti -ngiti.''

Tumikhim muna siya bago sumagot.''I think it' s fine''

"Fine?what?"Sinundan pa nito iyon ng nananadyang tanong.

Tinaasan niya lang ito ng kilay at hindi na sinagot.


Nang matapos na ang meeting ay pinatawag siya ng lalaki sa opisina nito.

Imunwestra nito ang upuan sa harap at umupo naman siyang nagtatanong ang tingin rito.

''So  ano ngayon ang pakiramdam na katrabaho mo na ako ngayon?''Tanong nito sa kanya.

''Mahalaga pa ba iyon?Sapilitan lang naman ito hindi ba?So what do you expect?''

''Iimbitahan sana kitang mag dinner mamaya.''Sa halip ay sabi nito sa kanya.

''Para saan?At bakit?''

''Mabuting magkaintindihan tayo bago ang lahat,para sa magandang simula.Para narin walang maging hassle sa trabaho.O bka naman naiilang ka lang sakin hummn?''

''At bakit naman ako maiilang?''Naiinis niyang sagot

''Kung gayon ay payag kana?''

''Kung hindi natin pag uusapan ng nakaraan bakit hindi?''Pag papa alala niya rito.

''Anong nakaraaan?''Ang sabi nitong nakangisi.

''Sabihin mo kung saan at kung anong oras?''Sa halip na pansinin at sakyan ang pang aasar nito.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon