28.

124 6 1
                                    

Ilang araw ng hindi kinakausap ni Arabella ang nobyo.Wala siyang mukhang ihaharap rito.Hindi kaya ng konsensiya niya.

Wala ring Rigor na nagpapakita ilang araw na ang nakakalipas.Puro ang representative lang nito ang lagi niyang kasama.
Tuluyan na itong nagalit sa kanya.Pero aaminin niya kahit umiiyak ang puso'y nakagaan sa pakiramdam niya ang pangungumpisal rito.
Huling ala-ala niyang babaunin rito ay ang nangyari sa kanila nitong huli.
Pinapanatili niyang sariwa iyon sa kanyang ala-ala.


"Hanggang ngayon ba'y hindi mo ako kakausapin?"
Pagsagot niya ng telepono'y inaasahan na niya na si Cort iyon.

"S-Sorry.M-May nagawa akong malaking kasalanan sa iyo.Hayaan mong pagsisihan ko iyon."

Hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya.Alam niyang hindi ito tanga upang hindi masakyan ang kanyang sinasabi rito.Eamdam niya ang bigat ng kalooban ng lalaki kahit hininga lang nito ang kanyang naririnig.

"Mauunawaan ko kung hindi mo na ako mapapatawad.Malaya ka."

Unti unting lumalayo ang hinga ng lalaki hanggang sa narinig niya ang busy tone sa kabilang linya.Tigmak ng luha ang kanyang mga mata.Ngunit alam niya kung para kanino ang mga luhang iyon.
Ano ang nararapat niyang gawin?!



Maghapon na siyang nakahiga sa kama  noong araw na iyon at hindi kumakain.Nakatingin sa kisame at hindi alam kung saan patutungo ang isip.Hanggang sa mamataan niya ang laptop sa kanyang table sa bandang sulok ng kwarto.Dahan dahan siyang tumayo at kinuha ang bagay na iyon.
Binuksan at bumulaga kaagad sa kanya ang kanyang mga emails na ilang linggo narin niyang hindi binabasa at hindi parin malamang na basahin.
Itinipa niya ang search web at lumabas doon ang gusto niyang malaman.Kung paanong ang payo na iyon upang makatakas sa pagiging sawi at sa kalungkutan.Nagpabook na siya kaagad.

Pagkatapos ay gumana na ang isip.Naghanda na siya ng kanyang mga kakailanganin.Mga damit at mga ilang gamit.Isinama na niya ang kanyang laptop at ang cash na nasa vault niya.
Naligo at pinatuyo ang buhok.Nagbihis at habang nagbibihis ay may isang mahalagang bagay siyang muntik ng makalimutan.Dali dali niya uling binuksan ang vault at naroon ang pinakatatago niyang isang maliit na bagay na naka kahon.

Isinilid sa hand carry niyang bag.Bago umalis ay nagrecord muna siya sa kanyang recorder para sa kanyang tiya.At hatak ang maleta ay isinara niya ang kanyang bahay.
Kahit paidlip idlip siya sa haba ng biyahe'y hindi niya magawang matulog ng matagal.Naglalakbay parin ang isip.
Tama ba?Na ang lugar na pupuntahan niya'y siya ring lugar kung saan nagsimula ang lahat?Hindi ba sabi sa isang site ay umiwas sa mga bagay at lugar na makapagpapa alala sa iyo ng nakaraang kabiguan?Para siya tuloy isang sira na imbes lumayo rito'y lumapit pa siya.Tinanaw niya ang malawak na karagatan.Mag uumaga na pala.Nag uumpisa ng maging makulay sa mumunting sikat ng araw ang animoy gintong dumidila sa ibabaw ng malawak na tubig ang liwanag.

Napakaganda!

May isang minuto na siyang nakatayo sa malaking pinto ng nakaraan.Pinaglilimayon niya muna ang kanyang mga mata sa lapad at laki ng labas ng bahay na iyon na animoy tore sa ibabaw.
Hanggang sa natapos siya at isinubo ang susing galing sa maliit na kahon na kanyang iniingatan .Ipinihit niya iyon at narinig niya ang malakas na ingit na galing yata sa bisagra ng malaking pinto.Mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang ilang taon niya ring hindi nakitang pamamahay.Wala iyong pinagkaiba sa dating hitsura.Iyon parin!Gusto niyang premyuhan ang inuupahang caretaker at napanatili nito ang kagandahan at kaayusan ng dati paring bahay.

Dahan dahan siyang pumasok sa loob at kinapa ang ilaw mula sa sementadong pader at bumaha ang liwanag na iyon.
Napahugot siya ng hininga.
Isinabit niya ang susi at nakita niya rin ang kaparehong susi niyon sa sabitan.
Mukhang naiwan ng tagapangalaga.
Hindi bale.Narito na siya!Bahala na siyang magbukas rito sa umaga.Isa pa'y biglaan ang kanyang pagdating.Walang pasabi sa mga ito.

Pumanhik siya sa itaas kahit pa karay karay at buhat buhat niya ang mga dalahan ay pinilit niyang maipanhik lahat iyon.Naroon kasi ang kanyang mga kailangan.

Parang katulad din kanina.Sinusuri pa niya ang harapang kwarto.Naalala niya pa lahat at wala siyang nakakalimutan.
At saka niya pinihit ang pinto.
Nakasara!
Iyon ang hindi niya napaghandaan.Kung sakaling nakasara ang maindoor hindi malabong nakasara rin ang mga silid.
Nagmamadali siyang bumaba at kinuhang muli ang ilang bungkos ng susi na nakita niyang nakasabit roon.

Ipinasok niya roon ang susi,ngunit hindi niya natandaan kung alin doon dahil hindi ito kasya.Isinunod niya nalang ang iba pa.At iba pa.At isa pa.Sa pag aakalang may nakaligtaan lang siya ay muli niyang pinasadahan ang mga susi ngunit kahit isa ay walang nakapagpabukas sa nakapinid na pinto.
Nanlulumo siya.Tila pinalitan iyon ng bagong seradura?Ngunit nasaan ang susi?
Bakit wala sa mga bungkos?

Wala siyang nagawa kundi magbukas nalang sa kabila.Kung saan katabi nito ang masters bedroom na sana'y tutulugan niya.Iyon ang bumukas at pagod siyang napasalampak sa ibabaw ng malaki rin namang kama.Pagkatapos humiga ng ilang minuto'y kinapakapa ang higaan.Mukha namang malinis sa kanyang paningin ngunit kumuha parin siya ng mga bagong panapin at mga punda.
Pagkatapos magbihis ng pantulog ay lumabas siya sa veranda.Sa bawat kwarto kasi'y may kanya kanyang veranda.Kahit pa manipis ang kanyang pantulog ay hindi siya nag atubiling lumabas doon.Katwiran niya'y hindi siya gaanong kita dahil maraming mga halaman ang unahan.Imposible ng may magtangka pang silipin siya roon.

Doon niya dinala ang kanyang alak na baon baon galing cellar ng bahay kaninang bumaba siya upang maghanap ng iinumin.

Madilim dilim parin ngunit papaliwanag na.Nakakatawa dahil wala pang laman ang kanyang tiyan ay mag aalak na siya.
At bakit hindi?At ano naman kung umaga?!E kung ngayon lang siya tinatawag ng antok.Sa wakas!

Isang lagok lang naman ang ginawa niya dahil marami pa siyang aayusing gamit.Ayaw na niyang patagalin iyon.Isa pa'y hinihintay niya ang pagdating ni aling Simang para malaman na nitong naroon siya at para narin maitanong kung nasaan ang susi ng kabilang kwarto.
Ngunit pagkatapos niyang mag ayos ng mga gamit ay hindi parin ito dumarating.Ngpasya siyang buksan ang mga dala niyang pagkain.Ilan lang iyon na mga cookies at ilang snacks.Pagkatapos kumain ay iginupo na siya ng antok.

Sa kanyang panaginip ay naroon si Rigor.Nasa gitna daw sila ng karagatang iyon at Nakita niyang nasa iisang bangka lang sila.Tipong lalapit sa kanya ang lalaki at ganoon din siya rito ngunit biglang naantala iyon sa malakas na biglang pag galaw ng bangka.Tila may sadyang nag uuga roon at ng lingunin nila iyon,sa lugar kung saan banda ang lalaki sa pinaka dulo ay naroon ang mga naglalakihang pating na siya ngang bumabangga sa kanilang bangka.Hanggang sa pagbundol ng mga itoy muntik na siyang matumba at iyon ding iyon ang kapit niya rito.Ngunit si Rigor ay nakita niyang na out of balance at nahulog.Nanlaki ang kanyang mga mata at tinakbo niya ang lalaki upang tulungan ito.Nagpanik siya pero pinagana niya ang utak at pilit na inilahad dito ang mga kamay upang sagipin ang lalaki.Nunit malakas ang alon at hindi siya marunong lumangoy .Hindinna niya alam ang gagawin.Sigaw siya ng sigaw hanggang nahindik siya dahil kitang kita niya ang malaking bunganga ng pating na kakain rito.Kitang kita niya ang matatalas na ngipin.

Nagsisigaw siyang lalo sa hindik,,,

Upang magising lamang sa isang malakas na alog.

"Hey Gumising ka! Gumising ka!"

Agad siyang yumakap sa umaalog sa kanya at nakapikit paring nag iiyak.

"It's ok.I'ts ok.I'm here.It's just a dream."

Natigilan siya sa pamilyar na boses na iyon at nanigas siya...

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon