Mula noong huling araw na iyon ay ipinangako na ni Arabella sa sarili na mag mo-move on na siya.Life must go on,ika nga.
Babawasan niya muna ang stress sa pag iisip sa lalaki.
At para namang dininig ang panalangin niya.Mag iisang buwan narin mula ng nangyari iyon.Siguro'y tanggap na niyang hindi na talaga siya magkakaroon ng magiging partner sa buhay niya na talagang mahal na mahal niya.
Buttt,,,siyempre habang may buhay may pag asa.Tinatanggap niya oo,pero hindi niya sinabing hindi siya umaasa.Gaya nalang ng lalaking masugid na nanunuyo sa kanya ngayon.
"Mataas ang sale ng tea natin,araw araw padami ng padami ang ating mga consumers at sana naman maiconsider mo na iyong pinag usapan natin sa meeting nung nakaraan."
Si Cort."Hayaan mo't pag iisipan ko."
"Ako kaya,kailan mo iisipin?"
Nakangiting sabi nito sa kanya.Ang sagot niya sa tanong nito'y ngiti rin.
"Sabagay kailangang ipagpasalamat ko ang mga araw na gaya ngayon."
Napakunot siya rito bilang tanong.
"Na mapangiti kita."
Lalo tuloy siyang nangiti rito.
"Mayroon nga palang invitation sa atin si Mr.Lao nasabi naba sayo ng sekretarya mo?"
"Yeah."
"Tutuloy kaba?oooo,tayo?"
"Yes siyempre kasama kita."
...
Inumpisahan na ang okasyon sa oppening ng bagong itinayong Mall ng mga Lao at maraming tao.
Mga nakamamahaling suot ang mga ito.Siyempre pa'y puro matataas na tao.May mga artista ding imbitado.
Magkasabay silang dumating ni Cort at ilang na ilang siya sa damit na suot niya na ito mismo ang pumili.Inilabas nito ang pinakatatago niyang likuran.Galit na galit ang kulay pulang kumikinang lalo na sa kislap ng maliliwanag na ilaw.
Pakiramdam niya ay aatend siya ng premier night.Eleganteng elegante ang dating niya at gayun din ang lalaki kung saan naka abresiyete siya.Papalapit sila sa table mismo ni Mr.Lao at nakita niya ang taong pinakahuli niyang gustong makita at this time ay hindi ito nag iisa.
Papalapit palang sila ngunit humugpit na ang kapit niya sa partner.Mukhang nakaramdam naman iyon at hinawakan ang kamay niyang nakakapit rito.
Alanganin ang kanyang ngiti ng abutin ang kamay ng matandang lalaki.Paano ba naman ay titig na titig sa kanya ang dalawang nasa unahan.Ang sa babae'y alam na niya kahit di niya tingnan.Ang sa lalaki?Well,hindi niya niya tinitingnan.Nang mapasulyap kasi siya kanina ng hindi niya sinasadya ay nakita na niyang nakatitig ito at parang matutunaw siya.
Hindi siya tuloy makapag consentrate.
"Relax,sweetie."
Sa sobrang tensiyon niya ay hindi na niya napag tuunan ang itinawag sa kanya ng partner niya.Humigpit ang yakap niya rito.
Habang nag uusap ang mga ito ay pasimple niyang binulungan ang katabi.
"Magpa alam na kaya tayo?"
Nginitian lang siya ni Cort at tumango tango.
"Pwede ba kitang isayaw?"
Natiglan siya sa nagsalita.
May music ba?.Nagpanik siya.Bakit hindi niya naririnig kanina pa pala?Dahil ba yung dagundong ng dibdib niya ang tanging naririnig niya.Hindi siya nakasagot.Paano'y hawak ni Cort ang kamay niya ng magsalita si Rigor sa harap niya.Hindi niya alam ang gagawin,napatingin siya kay Cort at magsasalita na sana ito ng hinatak ni Rigor ang kanyang braso palayo.Hinabol niya ng tingin si Cort pero inagaw ito bigla ni Mr.Lao,kitang kita niya ang disgusto sa mga mata nito sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
Roman d'amourSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...