34

146 5 1
                                    

Araw araw halos ay nawawalan ng pag asa si Rigor
Ngunit ang huling alas ang siya niyang ginawa.Aminado siyang matagal na siyang nakalimot ngunit ito nalang ang natitirang paraan.Ang magbalik loob sa lumikha.Narito siya ngayon.Naninikluhod at humihingi ng patawad sa lahat niyang naging kasalanan.
Kung ano man ang kanyang pinakatatanging hiling ay siya lamang at ang maykapal ang nakakaalam.

...

Nakapagtatakang ilang linggo na niyang hindi nakikita ang ama ng kanyang anak.Hindi narin nila tuloy magawa ang binabalak na pakikipag usap ng tiyahin sa lalaki.
Nagsawa na?Bakit?Namimiss niya?Tigilan na nga!
Sawata ni Arabella sa sarili.

Natututo ng ngumiti ang kanyang anak.Si Rijhell.Wala silang nagawa dahil mukhang papatay ng tao si Rigor kung hindi ito mapagbibigyan sa nais na ito ang magbibigay ng pangalan sa anak.Siyempre pa'y kasama na pati Apelyido.
Kahit napipilitan ay walang nangahas na tumanggi.
Sa halos isang buwan na pahinga'y tiyak niyang nakabawi na siya buhat sa panganganak ngunit galit ang tiyahin ng magtangka siyang magtrabaho.Wala naraw siyang dapat ipag alala dahil ito ang siyang namamahala at nasa mabuti naman ang lahat.

Ngunit hindi ang taong nakalagay sa Diyaryo.Front page.Si Rigor!Ano ang nangyayari?Bagsak ang mga negosyo ng lalaki at ayon sa balita'y nasa ibang bansa na ito at plano raw takasan ang lahat ng iyon.
Kaya ba hindi nagpapakita ang lalaki?!
Nanlumo siya sa nalaman.Iniwan na sila nito ng tuluyan?Ang ibig niyang sabihin ay ang anak niya.!



Pagkalipas ng dalawang taon...

"Mommy!"

"Careful bigboy!"
Tuwang tuwang sabi niya sa dalawang gulang na anak.

Niyakap niya ito at kinalong upang pakainin ng mga prutas.
Nasa labas sila ng bahay ngayon dahil narin sa lilim ng ilang puno na nakapaligid.Mababa narin ang haring araw.
Sa palibot ng lawn ay mabababang bakod.
Papunta na sa kanila ang tiya na ngayon ay kalalabas lang mula sa bahay.

"Halina nga kayo at kumain na muna ng mirendal.Kanina pa kayong mag ina rito sa labas ah."
Sabi nito sa kanilang mag ina.

"Nalilibang lang po sa paglalaro ang bata."

"Siya halika na sa loob."

"Mamaya napo tiya.Busog pa naman ako."

"Sige,ikaw ang bahala.Akina muna itong bunso kong mahal at manunuod na kami ng paborito niyang palabas."

"Sige po tita."

Nang makita niyang naglakad na ang mga ito papasok sa bahay ay umupo muna siya sa damuhan at dahan dahang humiga.
Pumikit.Ramdam niya parin ang tama ng liwanag sa kanyang nakapikit na mga mata.Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa kanyang ulunan na para bang pinalalaya niya ang kalooban at isipan.Inilapat niya ring maige ang kanyang hita at binti.Ramdam niya ang medyo malamig na haplos ng mga damo sa kanyang katawan at pisngi. Ang sarap!Ang sarap sa pakiramdam na wala lang iniisip na kahit ano.Wala ng sasarap pa sa pagpapalaya ng isip at kalooban...
Sa kanyang pagpapalaya sa lalaking minahal sa mahabang panahon at natutunang mahalin.Tapos na.

Tapos na...

Nakita niyang may kaunting init pang binibigay ang papalubog na araw.Umisod siya ng kaunti upang habulin ang munting liwanag na bahagyang sumisilaw sa kanyang mga mata.
Nagpasya siyang pumikit at sa pagpikit ay dahan dahang ibinaba ang kamay na itinatakip kanina lang sa kanyang noo.Idinipa niyang muli ang kanyang mga kamay at braso.
Ang kaninang bahagyang init na sumisilay sa kanyang mukha kanina lang ay biglang naging lilim.Medyo nadismaya siya sa naramdaman.Siguro'y dahil narin sa papalubog na haring araw kaya ganoon.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon