Kung kanina'y naiilang siya,ngayon nama'y tila ba hindi siya mapakali.Paano'y sabay na silang umakyat ng lalaki sa itaas at ngayon nga'y hindi na niya alam ang susunod na mangyayari.
"Maganda pala talaga rito,tanaw ang malawak na karagatan.Hindi na ako magtataka kung bakit ito ang napili mong lugar."
Sabi nito sa kanya habang nakatalikod.
"Ang gusto ko kasi'y maiba naman.Medyo nag sawa narin sa usok ng mga sasakyan at polusyon sa ingay."
Sabi niya habang binuksan na ang maleta at tangkang aayusin na ang mga gamit nito.
"Bakit sa dami ng pwede mong puntahan ay itong sa amin pa?Alam kong sa hitsura at dating mo palang ay galing ka ng Maynila."
Pagtitiyak nito.
Ayaw niyang sagutin iyon kaya pinili niyang manahimik.
"Ako na."
Sa pagkakasabi niyon ay nagkadikit ang kanilang mga kamay dahil inagaw nito iyon sa kanya.At para naman siyang napasong bumitiw.
Nangisi ito dahil sa naging reaksiyon niya.
Habang ito naman ang nag aayos ay siya naman ang tumanaw sa balkonahe.Itinukod ang dalawa niyang kamay sa barandilya habang nagmamasid masid sa labas.Nilalanghap ang hangin ngunit naantala iyon at napa igtad siya ng buhat sa kanyang likuran ay niyakap siya ng dalawang matitipunong braso.Hindi pa nasiyahan ay sinuyo siya sa leeg ng mga labi nito.Naging tuod siya at di malaman ang gagawin dahil ramdam niya ang matigas na bagay na iyon na bumubundol sa bandang baywang niya.
Diyos ko ano ang gagawin niya?
Patuloy ang erotikong pakiramdam niya at hindi siya makagalaw.Hanggang sa iginiya siya nito papasok.
Pagpasok sa loob ay tuluyan na siya nitong siniil ng halik
Ganito pala ang pakiramdam!Ganito pala ang mawala sa sarili!.
Habang ninanamnam niya ang mga sandaling iyon ay patuloy naman ang mga kamay nito sa kanyang hita.Napapikit siya sa sensasyong ngayon niya lang nakilala.Humahagod ang mga palad nito papunta sa ilalim ng mahaba niyang palda at unti unti na nitong ibinababa ang kanyang tabing panloob.
Doon siya parang natauhan.
"H-Hindi pa ako handa."
Saglit itong natigilan.
"Ikaw ang bahala.Sigurado ka?''
Tumango siya kasabay ng pag aayos sa sarili.
At nakita niyang tila balewalang nagkibit lamang ito ng balikat.
Inaya siyang mamasyal nito at habang naglalakad sila'y hindi maikakailang naka ismid ang bawat kadalagahang makakasalubong nila.Hindi niya iyon alintana.Iba ang pakay niya rito at wala siyang panahon bigyan ng pansin ang mga bagay na hindi naman importante.Ang mahalaga'y nasa kanya na ang lahat.
"Nasaan ang mga magulang mo?"
Tanong niya rito habang nakaupo sila sa buhanginan.
"Kasama ba iyan sa kontrata?"
Sinulyapan siya nito.
"Nasa'yo kung sasagutin mo."
"Hindi ko alam.Basta nagising nalang ako na patay na ang aking mga magulang at hindi alam kung nasaan ang mga kamag anak dahil wala naman silang nabanggit tungkol doon.Dito na ako lumaki at nagkaisip.Mag isa akong namuhay.At ngayon nga.Ikaw?"
Hindi siya umimik ng ito na ang nagtanong.
"Halika."
Hinatak nalang nito ang kanyang braso at napasunod naman siya.
Isinakay siya nito sa bangkang nakatali hindi kalayuan.Pinaupo siya nito at sinimulang paandarin ang makina.
Hindi na siya nagtanong kung saan sila pupunta.
Hanggang makarating sila sa isang maliit na isla ilang oras ang lumipas.
Nagdadalawang isip siya kung bababa naba siya dahil medyo malayo sa buhanginan ang bangka ng ihinto nito ng lalaki at hilahin upang itali.
Alumpihit siya dahil sa taas narin ng bangka.
Muntik na siyang napasigaw ng bitbitin siya nito.
Hinahatak lang siya nito paakyat sa matarik na mga bato at inaalalayan.
Wala pang isang minuto ng marating nila ang pabababang daan patungo sa ilang kubong maliliit.
"Kayo po pala sir.Bakit hindi po kayo nagpasabi na darating kayo?"
Salubong sa kanila ng may edad na lalaki.
"Ayos lang po,wala rin naman sa plano."
Nagtataka siyang napa tingin na may pagtatanong sa lalaki at kinindatan naman siya nito.
"Akin ang banda rito hanggang sa kabila."
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.
Inilibot niya ang mga mata sa nipahut na nakatayo sa gitna ng lugar.
iyon ang pinaka malaki sa tatlo pang nakapalibot.
Inalalayan siya ng lalaki papanhik doon.
Simple pero magaganda ang mga kagamitan.Tiyak niyang masarap maglagi rito.Makikintab din ang mga kahoy na ginamit ang mga kawayan.Nagtutunugan sa hangin ang mga kurtinang yari sa mga shell at kahoy na maliliit.Unique ang pagkakagawa.May dalawang pinto na tinitiyak niyang silid.Ang nakapalibot lamang sa kubo'y puro mga kawayang ginawang pinaka dingding.Open ang buong kubo.
Napakasarap ng hangin.
Napasulyap siya sa coleman na nakasabit sa pinakagitna ng kubo at sa tingin niya'y iyon ang ipinang tatanglaw sa buong kubo dahil mayroon din siyang nakatambak na ganoon sa kanyang bodega sa kanyang resthouse sa Baguio.Ginagamit niya rin kasi iyon kung nawawalan ng kuryente.
"Paano ang isang tulad mong mangingisda ay-"
Natigilan siya bigla sa pagtatanong.
Napangisi ito sa kanya.
''Kinita ko ito sa isang katulad mo rin.Mabait din siya.Byuda,naghahanap,ngunit tinutulan ng mga anak.Alam mo na."
"Paano kapag nalaman niya ang sa atin?Ayoko ng kumplikasyon."Nakakunot na tanong niya rito.
"Patay na siya."
Natigilan siya sa narinig.
"Isang taon na buhat ng mamatay siya sa sakit na cancer.Huli ng malaman ko.Dito kami nagkakilala.Ibinigay niya ang kalahati nito sa akin."
Siya naman ang napa ismid.
"Hindi ako ganoon ka gahaman.Tulad mo'y siya rin ang unang lumapit sa akin.Hindi ko siya pinilit.Ang dahilan?Kung sa aki'y pera?Sa kanya'y pag ibig na hindi naisakatuparan.Kamukhang kamukha ko raw kasi ang lalaking una't huli niyang minahal.Ikaw?Ano ang dahilan mo?"
Hindi ulit siya sumagot sa tanong nito.
Nilibot nila ang kagandahan ng Isla at hindi na niya namalayan ang oras.Pag balik nila sa kubo'y nakapagluto na ang katiwala at nakaalis narin.Pinagsaluhan nila ang mga sariwang alimango at hipon.Nakahiwa narin ang mga mangga at pakwan.Ganadong ganado siya sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay madilim na sa labas.
"H-Hindi pa ba tayo babalik?'
Hindi nya natiis na hindi magtanong.
"Wala ng bangkang nagpaparoot parito kung gabi."
"Bakit hindi mo sinabi kaagad?"
"E hindi ka naman nagtatanong.Ang akala ko'y ok lang sa iyo na dito pa tayo."
"Naloloko kana ba?E paano kung umulan at lumakas?Paano kung tumaas ang tubig?"
Nag aalala niyang tanong rito.
"Ano kaba?Relax! Ang akala ko pa nama'y malakas ang loob mo,yun pala'y..."
Tatawa tawa nitong kantyaw sa kanya.
Maraming nagsalimbayan sa utak niya ng mga sandaling iyon.Paano na?Magkakasama naba sila sa iisang bubong?Handa na ba talaga siya?"
"O huwag mong sabihing natatakot ka?"Nakangisi nitong sabi sa kanya.
Hindi niya ito pinansin.Sa halip ay pumasok na siya sa isang silid doon na bahagyang nakabukas.
Pagpasok niya'y nakita niya ang kamang yari rin sa mga buho ng kawayan na may kutson lang sa ibabaw.
Mukha namang malinis ang loob.Ang tanging naroon lang ay ang munting gasera sa dulo.Hindi niya malaman kung ang lalaki ang nagsindi nito kanina.
Isinara niya kasi ang pinto kaya nawala ang liwanag na nagmumula sa pinaka sala.Nang may maalala siya.
Tumayo siya upang ikandado ang pinto ngunit sa pagkadismaya niya ay walang saraduhan.
Muntik pa siyang matumba ng biglang pumasok ang lalaki.
"Anong ginawa mo rito?"
Gulantang na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomansaSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
