37.

139 4 0
                                    

Tingnan mo ang lalaking nangingielam ng buhay niya,mukhang hindi na naman siya kilala.

Nang maraanan niya ang mag asawa sa ginaganap na event dahil isa siya sa naanyayahan ay para lang siyang nilagpasan ng lalaki at nang asawa nito.Nagkaroon na naman ba ito ng memory gap?Paano'y hindi na naman siya nito nakilala at mas matindi pa ngayon.Ano na naman ang palabas ng lalaki?Hindi nalang sana niya papansinin ito ngunit iba ang dating ng mga kilos ng naka abrisiyete nitong asawa.Kanina pa masama ang tingin nito sa kanya at hindi lang iyon,mukhang iniinggit pa siya nito!Keber!

Nawala naman saglit  ang kanyang atensiyon sa mga ito ng mag ring ang kanyang cellphone at kaagad naman niya itong sinagot ng malaman kung sino ang tumatawag.

''Kani-kanina lang.''Sagot niya sa kausap.

''Naku,kahit huwag na.O sige ikaw ang bahala.''Sagot niya pa sa sinabi ng kausap na pupunta raw ito upang magkaroon naman siya ng kapareha.Hindi niya narin ito pinahindian pa upang iparamdam kay Cort na hindi na siya naiilang rito.

Ilang oras habang naghihintay siya kung sino ang susunod na bibigyan ng award ay dumating narin si Cort.

Bihis na bihis ang lalaki.Gwapong gwapo ito sa suot na midnight blue tux.

''Pasensiya kana,alam mo naman sa Pilipinas ubod ng traffic.''NAkangiting salubong nito sa kanya at sabay halik sa kanyang kamay.

Hindi niya naiwasang mapangiti.

''Ayos lang.Alam ko naman.Ako na nga itong umabala pa sa iyo eh.''Nahihiyang sagot niya rito.

''Wala iyon,ikaw naman.''

Natawa siya sa sinabi nito.

''Sandali't ikukuha kita ng maiinom.''

Pagbalik ng lalaki'y dala na nga nito ang dalawang kopita at isang alak at ipinatong iyon sa mesita nila.

''Alam mo kung paano kang hindi maboboring sa mga ganitong pagkakataon?'
Nakatawang tanong nito sa kanya.

''Paano?''Tanong naman niya.

''Huwag kang manunuod ng programa,boring iyan.Ang panuorin mo'y ang mga suot at ginagawa ng mga tao.Gaya ng isang iyon o.''

Natawa nga siya sa itinuro nito.HIndi niya napunang nag eenjoy na nga siya.Upang hindi sila masyadong mahalatang may pinagtatawanan ay ibinulong nalang nito sa tainga niya ang susunod nitong napuna.Napatakip pa siya ng bibig dahil sa bunghalit na pilit niyang itinatago.Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang pagbulagta nito sa upuan.

Nanlaki ang mga matang dinaluhan niya kaagad ito at kasabay din ng pagtayo ng lalaki.HIndi niya alam kung ano ang nangyari.Basta sa paglagulat niya'y nasa tabi na siya nito at nagtatanong ang mga mata rito.Sinundan niya ng tingin kung saan ito ngayon nakatingin.

Napakunot ang noo niya ng malaman kung sino ang lalaki.Si Rigor?!! Bakit?Bakit ganoon na lang ang tingin nito kay Cort?Galit at tila lalamon ng tao ?Hindi  niya alam kung ano ang nangyari dahil nakatingin siya sa itinuturo ni Cort kanina.Tapos bigla nalang ganito?Takang taka si  Arabella.

''Anong nangyayari rito?''Bigla namang sumulpot ang asawa nito sa eksena.

''Ikaw na namang babae ka?''Sabi nito sa kanya na nanlilisik ang mga mata.

''Ewan ko!Itanong mo sa magaling mong asawa dahil kahit ako'y hindi ko ring alam.''Sabi naman niya na naguguluhan parin.

''Paano'y lagi kang umeeksena!''

"Aba't ''

Bago uli siya nakapagsalita at hindi mapigilan sanang mag eskandalo ay may dumaklot na sa kanyang kamay at pahatak siyang inilayo roon.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon