29

123 6 2
                                    

Ano ito?Paano siya mag rereact?

Dahan dahan siyang kumalas rito at pinahid ang luha.

"What are you doing here?"
Tanong nito sa malakas na boses.

"H-Hindi ba dapat na ako ang magtanong sa iyo niyan?"

"Nakalimutan mo nabang ibinigay mo na sa akin ang pangangalaga nito noon?"

Naibigay niya pala?Nakalimutan na yata niya!.

"G-Ganoon ba?"

"Ganoon na nga."

Napapahiyang nag inot inot siya at tumayo sa higaan at yumuko sa ilalim ng kama at hinila ang maleta.

"Ano ang ginagawa mo?"
Tanong ng lalaki sa kanya.

"Ililigpit ko lang lahat ang mga gamit ko at aalis na uli ako."

"Ikaw ang bahala."

Nakaramdam ng kirot ang kanyang dibdib dahil sa hindi niya inaakalang tugon nito.Sa ihip pa naman ng hangin na nagmumula sa veranda'y mukhang malakas na ang ulan sa labas.

Nang lumabas ito'y parang nagsilbi siyang robot na de susi at mabilis ang kanyang mga kamay.Halos maghagisan na sa lapag ang kanyang mga gamit na hindi na niya halos matiklop dahil sa nanlalabong mga mata na tigmak ng luha.

"Ma'm dumating na po pala kayo at-"

Hindi na niya nilingon ang nabosesang matanda dahil narin sa hiya rito.

"A-Aalis po kayo?Bakit ngayon papo?Hindi ba pwedeng ipagpabukas niyo nalang at mu-mukhang may bagyo po yata."
Sa boses nito'y hindi na niya kailangang mang hulang naaawa ito sa kanya.

Hindi parin siya kumibo at tumayo upang kunin sa dresser ang iba pa niyang mga gamit.

"T-Tulungan ko na po kayo Ma'm"
Sa halip ay sabi nito.

Inalalayan siya nito palabas at inutusan ang asawa nito na nakasalubong nila.

"Ma'm,bakit naman po biglaan ang alis niyo ganitong bum-"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil siguro'y nasenyasan na ito ng asawa.

Naglakad na sila sa malawak na sala at nadaanan pa niya na nagkakape sa sala ang lalaki.
Naka patong ang mga paa nito sa center table at nakapatong na nakadipa ang kamay nito sa ibabaw ng sandalan ng upuan.

"Malakas na pala ang ulan sa labas."

Iyon ang narinig niya mula rito.

"Opo sir,mukhang masungit ang panahon at nagbabadya ang bagyong paparating."
Sagot ni Mang Mario.

Nag aalalang tinapunan siya ng mapag alalang tingin ng mag asawa.

"Sandali't kukunin ko Ma'm ang isang kapote niyo.Hindi po kasi uubra ang payong sa labas sa lakas ng hangin."

Nagtuloy tuloy na siya papalabas.

"Ma'm huwag napo kayong tumuloy."
Ang sabi ni Aling Simang sa kanya at pinigil siya nito sa braso sa nagmamakaawang tinig.

"Ma'm heto napo."
Hihingal hingal na inabot sa kanya ni Mang Mario ang kapote.

Dali dali niya iyong isinuot at kahit pa hindi pa nakasara ang ziper nito ay hinatak na niya ang isa isa niyang maleta.

"Ma'm paano po ito baka po mabasa ang mga gamit niyo?!"
Sabi ng mag asawa.

Ngunit para siyang baliw na naglalakad takbo at wala ng nararamdaman.
Hindi na niya hinintay kung sasamahan ba siya ng mga ito.
Para siyang tanga sa gitna ng malakas na unos.
Mababaliw na yata siya.
Parang nakikiisa ang kalikasan sa kanyang pagdadalamhati.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon