44.

125 3 1
                                    

Umaga palang ay gising na si Arabella.
Ngunit mas may nauna pa sa kanya na ngayon ay nakatingin sa kanya habang parehas pa silang nakahiga.

"Paliguan mo na ako."

"Ha?!"

"Ang sabi ko paliguan mo na ako.Ano ang akala mo?Kaya ko mag isa?"

"H-Hindi naman,kaya lang ay-"

"Kaya lang ay ano?Come on!Ngayon kapa ba magkakaganyan,kung kailan dati mo pang nakita ang lahat lahat sa akin?"

Hindi niya naiwasang hindi mapahiya rito sa sinabi nito lalo na sa hitsura nitong tila iniinis pa siya.

"Matagal paba iyan?"

Napa kislot siya sa paghahalo sa bathtub.

"O-Ok na."
Napilitang kumilos si Arabella.

"Hubaran mo na ako."
Sabi pa ng lalaki ng makalapit na siya rito.

Unti unti niyang hinubaran ang lalaki ng pajama set nito,ngunit ng sa pajama na ay naninigas ang kanyang mga kalamnan.

"Ang tagal na naman.Tsk!tsk!tsk!"
Palatak nito.

At kahit hirap ay nililis na nito ng tuluyan ang pajama kahit hirap.

"Akala ko ba'y tutulungan mo ako rito?"
Pailing iling na sabi nito sa kanya.

Kahit halos yumakap na ito sa kanya ay wala na siyang nagawa.Hindi na niya alam kung paano sila nakarating sa banyo.

Nanginginig ang kanyang mga kamay ng kuskusin niya ang buong katawan nito at pilit iniwasan ang bagay na iyon na madaanan ng kanyang paningin.
Sa inis nito sa kanyang kaartehan ay binasa narin siya nito.

"Ano ba!"
Sa pagkagulat ni Arabella.

"Sabayan mo na akong maligo."

Kahit wala na siyang choice dahil basa na siya ay hinubad niya narin ang kanyang damit at ang itinira niya'y kapwa panloob nalang.
Narinig niya naman itong tumikhim lalo na ng nagkuskos na siya ng katawan.

Hindi niya tiningnan ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit naisipan na niya ang sunod na ginawa.
Tumalikod muna siya at hinubad ang natitirang suot at naligo ng malaya habang nakapikit.

Bakit niya ba pahihirapan pa ang sarili?Hayaan niya itong magsawa sa matagal na nitong nakita na,sabi nga ng lalaki.Tutal wala naman na itong kakayanan,bakit pa siya matatakot?

Muntik na siyang mapasigaw ng hatakin siya nito at mainit na hinalikan sa labi.
Hindi akalain ni Arabella na madadala siya sa mainit na halik na lalaki.Kapwa sila napapikit.
Nagulantang lang sila sa tunog ng nag riring na cellphone.

Parang pasong paso siya rito lalo pa at nakita niyang partidang nakaupo lamang ito sa isang stool sa loob ng paliguan.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.Agad niya itong tinakpan ng twalyang nakapatong sa labatory.

Wala silang imik habang pinupunasan niya ito at habang nakaupo at madaliang sinuutan ng damit ay  nakaiwas parin ng paningin rito.
Inuna niyang binuhat ang kilikili nito habang ang mga kamay ay itinutukod nito sa upuan upang makatulong din ang lalaki sa kanya.
Kung tutuusi'y hindi naman talaga siya nahihirapang buhatin ito dahil kaya ng mga kamay nito ang buong katawan.

...

Kanina pa nawawala si Arabella sa sarili.

Bakit ganito ang kanyang nararamdaman?Pamilyar sa kanya ang ganitong pakiramdam.
Ang kinatatakutan nita uling mangyari.
Kailangan niyang mag ingat...

"Samahan mo akong mamasyal,dalhin mo ako sa labas para naman hindi ako laging nakakulong sa pamamahay na ito."

Walang kibong pinagbigyan niya ito.

Nang makarating na sila sa malawak na hardin sa lugar nito ay tahimik lang siya.

"Mahirap ang pinagdaanan ko,mula ng mamatay ang nakalakhan kong mga magulang ay nawalan na ng direksiyon ang aking buhay hanggang sa pumatol ako kung kanikanino.Isa lang ang dahilan kung bakit pilit akong lumalaban sa buhay.Iyon ay ang malaman ko ang aking pinagmulan.At hindi ako nabigo."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tiningala siya nito.

Nanatili naman siyang nakikinig lang rito.

"Hanggang sa makilala ko ang isang babaeng nagpabago sa paniniwala ko.Kung dati'y makaahon lang sa hirap ang pangarap ko,nag iba iyon ng makilala ko ang babaeng iyon.Ang babaeng iyon ay taliwalas sa pinapangarap kong babae.Hindi siya kagandahan ngunit busilak ang kanyang kalooban.Marami siyang tinutulungan.Ngunit sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ko siya mapanindigan.Ayaw ko kasing madamay siya sa gulo ng buhay ko.Ang sabi ko sa sarili ko'y saka na...saka na kapag maayos na ang lahat.Pero nagbago lahat iyon ng magka anak kami.Nawala sa direksiyon ang plano ko,hanggang sa iniwan niya ko."

Napatigil ito sa pagsasalita.

"Siguro'y naiinip siya.Nanawa.Hindi na niya ko nahintay...
Hanggang sa,wala na ang dating kislap sa kanyang mga mata kapag nakikita akong nakatingin sa kanya.Kailan ko kaya muling makikita iyon...
Ano sa palagay mo Arabella?"

Napalunok siya sa mga narinig mula rito.

"Pumasok na tayo.Mukhang uulan."
Sabi niyang hindi ito tinitingnan.

Sa panakaw na sulyap ay nakita niya itong napayuko.

Kapwa nawalan sila ng sasabihin habang papasok sa tahanan nito.

Nakita ni Arabellang  sinalubong sila ng anak niya kasabay ang nurse at ang yaya ng bata.

Hindi na niya naituloy ang pagtulak rito dahil nakita niyang sinenyasan nito ang nurse upang ito na ang magpatuloy ng pagtutulak sa lalaki.
Nakita niya ring hinaplos nito sa mukha ang anak at hinalikan,pagkatapos ay inakay rin nito ang bata papunta sa loob.

Nakaramdam siya ng pagbigat ng dibdib.

Bakit?Bakit siya nakaramdam ng ganoon?Nanaman?Nawawala ba talaga ang bisa ng mahika?
Kung hindi'y bakit nagkakaganito na naman siya?

Malungkot siyang napatingin sa papalayong lalaki.

Kinabukasan ay nakita niyang nag iisip palagi ang lalaki.Maghapon siyang hindi kinukulit nito.
Nakailang books na ang binasa niya sa anak at patingin tingin lamang ito at pagminsan ay nangingiti sa kanilang anak.
Naiilang man ay hindi siya nagpapahalata.
Ayaw man tanggapin ng isip niya na baka siya ang tinutukoy nito sa kwento kahapon.Sino paba ang hindi kagandahang nakilala nito?Hindi ba't siya lang?Ngunit ano ang pakahulugan niya sa mga tinuran nito kahapon?At bakit ngayon ay tila hindi na naman siya nakikita nito?

Naantala ang pag iisip niya ng marinig ang tunog ng cellphone.
Sinagot niya ang tawag.
Ang kanyang tiya.May ilang mga papeles ang nangangailan daw ng kanyang pirma.

Nang gabing iyon bago sila matulog ay nagpaalam na siya sa lalaki.Ipinag paalam din niya ang kanyang anak.Ayaw niya kasing isa pa ang anak sa aasikasuhin nito dahil sa ngayon ay wala pa itong kakayanang mag asikaso ng bata.
Pumayag naman kaagad ito.

Sa pagkakatulog ni Arabella'y nagising siya.
Dahan dahan niyang pinakiramdaman ang katabi.Wala ang lalaki!Saan ito nagpunta?

Dahan dahang tumayo si Arabella upang hanapin ang lalaki.Nagtataka siya ng makitang wala rin doon ang silyang de gulong nito.

Mararahan ang kanyang mga hakbang.Narinig niyang may kausap sang lalaki sa terrace.Pilit man niyang pinakikinggan ang pag uusap ng mga ito'y hindi niya parin mawawaan.

Hindi kaya ang nurse nito?At paano itong makakasakay sa silya nito kung walang tutulong rito?
Parang sadya pang hinihinaan ang boses ng lalaki.Bakit?Upang hindi niya marinig?
Ang tinatago ng mga itong pagtataksil sa kanya?
Pagtataksil???Bakit?May relasyon paba sila?...

Sa kaiiyak ni Arabella'y nakatulog siyang mabigat na mabigat ang kalooban.
Lalo na ng hindi na niya mamulatan ang lalaki sa kanyang tabi.
Magkasama naba ang mga itong umalis?Bakit hindi nalang nagsabi sa kanya'y hindi naman siya hahadlang?!

Wala sa loob na naipunas niya ang kamay sa kanyang mga luha.
At bakit nga ba siya iyak ng iyak mula pa kagabi?










Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon