Hahalik sana sa kanya ang lalaki,ngunit ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang tingin.
"Oh,may kasalanan ba ako?"
"Bakit hindi mo tanungin ang sekretarya mo?"
"Why?may nangyari ba?"
"Bakit hindi ba niya sinabi sa iyo?"
"Wala siyang sinasabi.Ano ba iyon?"
Nanahimik lang siya.
"Kita mo na,kayong mga babae,ginagawa niyo kaming manghuhula.Tatanungin kayo tapos hindi kayo sasagot tapos,magagalit kayo lalo."
Tinignan niya lang ito ng masama.
"Bakit ano ba iyon?tell me."
Sabay haplos nito sa buhok niya."Nagtatanong kapa,nasaan kaba kahapon?"
"Ah iyon ba?Nakipag kita ako sa isang kliyente.Pinasabihan naman kita ah."
"Pwede bang bago tayo magsimula sa ating relasyon ay linawin mong lahat sa sekretarya mo kung ano ang mayroon tayo ng hindi ako nagmumukhang tanga."
"Ok,ok promise!Ano?lets go?"
Tumago lang siya sa sinabi nito at ipiniksi ang katawan ng hawakan siya nito sa baywang na ikinangiti naman nito.
Dumeretso na sila sa opisina nito at medyo nailang siya dahil ng pumasok sila'y mayroong ibang tao roon.
Kahit man ang kasamang lalaki'y mukhang hindi rin inaasahan iyon subalit bigla naman itong ngumiti sa mga iyon."Uy pare,pasensiya na,nasorpresa ka yata namin.Ngayon lang kami nagkaroon ng time."
"Ayos lang iyon.Maige naman at pinapasok kayo ng sekretarya ko?"
Sabi nitong inakay siya papalapit sa mga ito."Siya nga pala,si Arabella,girlfriend ko."
Tinanguhan naman siya at nginitian ng dalawang lalaki at kasama nitong dalawa ring babae.
"Paanong hindi kami papapasukin ay mukhang bin rifing mo maige ang sekretarya mo."Sagot ng lalaking bigotilyo sa sinabi ni Rigor."
"Ayos pala eh,di sabay sabay na tayo niyan ngayon sa bahay?"Sabay sulyap nito sa kanya na tila hinihingi ang kanyang pang unawa.
Nginitian niya naman ito.
Pag dating nila sa sinasabibg bahay ng lalaki'y hindi niya rin inaasahan ang nabungaran.
"Mukhang dinala mo ang isla rito pards ah?It's Amazing."
Hindi napigilan nito ang paghanga sa nakita.Paano ba naman ay,ibat ibang uri ng mga decorative stone na ibat iba rin ang laki.Mayroon ding naglalakihang aquarium na iba iba ang lamang may kakaibang uri at kulay ng isda bukod sa kumpleto ang palamuti nito sa loob sa magkabilang side ng malaking bahay.Sa pinaka wall nito ay tila ba ginawang obra ang malaking bangkang sadya yatang idinikit doon na kulay bahaghari,maganda at makintab muntik na siyang napanganga sa pagiging artistiko nito.may umaagos ding tila tubig na maliliit paikot sa buong bahay na nagbibigay ng bahagyang lamig.
Hindi lang iyon,marami pang kakaiba sa kanyang mga mata na hindi niya maimagine na pwede palang gawing dekorasyon.Tama ang mga kaibigan nito.Dinala nito ang isla sa maynila sa pamamagitan ng disenyo sa loob ng bahay nito.Matapos siyang inihatid nito sa malaking upuan na yari din sa kahoy ngunit may naglalakihang foam sa ibabaw ay kanya kanya naring upo ang mga kaibigan nito habang nagtatawanan.
"Paano,hindi ako naka pag prepara dahil hindi ko naman alam na darating kayo.Pero! Kumpleto ako ng mga banyera rito!All you have to do is wait and watch me cook."
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...