May sariling dahilan?
Ano ang ibig sabihin ng lalaki sa sinabi nito?At ano pa ang pakielam niya roon?Ano,gusto niya bang malusob at mademanda?
Nagulat pa siya ng mag bibrate ang kanyang cellphone.
Hindi niya inaasahan ang tawag.
"Kailangan nating magkita ngayon."
"Sorry but I have plans today."
"Then cansel it."
"Sino ka naman upang mag utos sa akin ng ganyan."
"Ayaw mo bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit kita tinawagan.?"
Biglang natigilan si Arabella sa sinabi ng nasa linya.
"Hindi na siguro."
"Ibig sabihin hindi ka sigurado?."Madiin ang boses na iyon sa kabilang linya.
Ilang segundo bago nahanap ni Arabella ang boses niya dahil nasukol siya nito sa kanyang salita.
"Hindi naman,kaya lang ay hindi ako palagay na makipagkita sa iyo ng ganoon ganoon nalang.May asawa ka at kahit na sino ay maiilang."
Narinig niya ang mahinang tawa nito na lalo niyang ikinainis.
"Why?Nakakailang ba ako?Pwera nalang kung naiilang ka sa akin."
Napahugot siya ng isang malalim na hininga.
"Sige pagbibigyan kita,saan tayo magkikita?"
Matapos nilang magkausap ay heto na siya paalis.
Pasakay palang si Arabella sa kanyang kotse'y tumawag na ang kanyang kasintahan.
"Huwag muna ngayon,may sasadyain lang akong importante."
Sabi niya sa kabilang linya.Naintindihan naman siya nito.
Hindi niya jinu justify ang kanyang gagawin ngayon.Subalit ito narin siguro amg pagkakataon upang tuldukan na ang kanyang pantasya.Lilinawin niya sa lalaki kung ano man ang gusto niyang mangyari.
Kakaba kaba si Arabella ng nasa harap na siya ng pintuan ng lalaki.
"Ito na,Diyos ko ano ang gagawin niya?"
Nilapat niya maige ang suot at tiniyak na maayos ang kanyang hitsura.Sabay hugot ng malalim na hinga.Upang manigas lamang sa kinatatayuan dahil naroon na at hindi paman siya nakakadoorbell ay bumungad na ito sa kanya.
Naka tshirt na puti at iniiwas niya ang tingin sa kung ano man ang nasulyapan niyang nakabakat doon.
Hindi narin siya nag abalang tumingin sa suot nito pang ibaba.Baka mapagbintangan lang siya kapag nagkataon."Akala ko'y hindi mo na ako sisiputin.Tuloy ka."
Sabi nito at dahan dahan siyang humakbang.
Ito na naman.Kagagaling niya lang dito noon.Ngayon heto na naman siya.
"Kumain ka muna.Huwag mo akong tatanggihan."
Sabi nito ng may paninita.
Nakita niya ang dalawang pinggan na naroroon at pawang umuusok pa.Napilitan siyang lumapit ng hawakan siya nito at akayin papunta sa upuan na naroon.
Napalunok siya sa nakita.Parang noon.Alam niyang ang lalaki ang nagluto niyon lahat dahil pawang mga seafoods ang nakahain doon.Ito ang isa sa nagustuhan niya sa lalaki.Marunong na magluto,gwapo pa.Tumigil ka Arabella!Masama iyan.!"Sita niya sa sarili."Kain na."
Sabi nitong sumusubo na at nakatingin sa kanya.Gusto niyang kumain ng marami pero,naiilang siya sa mga titig nito sa kanya.

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...