3.

232 5 1
                                    

Sumakit na ang leeg niya sa kakatanaw sa lalaki,habang kasayaw nito ang babaing binati nito kanina.Mukhang hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon at hindi lang iyon,napahiya siya sa pangyayari kanikanina lang.

Paano niya ito makikilala?Ilang araw narin niya itong inaabangan.At paano niya maisasakatuparan ang kanyang balak?
Bukod doon mukhang binabakuran na yata ito ng mga kadalagahan.
Ilang minuto pa'y nakapagpasya na siya.

Hindi man nahalata ng karamihan ay malalaki ang kanyang hakbang papunta sa lalaking natitipuhan at pinagtatabig niya ang mga babaeng nakapalibot sa lalaki.
Napaawang ang mga bibig ng mga babae at wala siyang panahon sa mga ito.
Nakita naman niya ang pagkunot ng noo ng lalaki dahil sa ginawa niya.

"Ako si ...Si Alexa! At nais kitang makasayaw."
Sabi niya sa matatag na boses.

Nakita niya ang ngiting saglit na gumuhit sa gilid ng labi nito.

Hindi ito nagsalita at hinawakan siya sa braso upang higit siyang mapalapit rito.
At pagkatapos ay isinayaw na siya nito.

"Ano ang gusto mo?"
Seryoso nitong tanong at ikinabigla niya iyon.

Ano ang isasagot niya?
Gusto kitang gayumahin.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa,gusto kita at magkano ka?"

Diyos ko!Ano ba ang nasabi niya?hindi iyon ang nais niyang lumabas sa kanyang bibig ngunit huli na ang lahat.

Nakita niya na walang emosyon ang mukha ng lalaki kaysa sa inaakala niyang magugulat ito at maiinsulto.

"Dalawang daang libong piso sa loob ng isang linggo."

Siya!Siya ang nagulat sa naging tugon nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa kabiglaan.

"Iyon lang ang maioofer ko sa ngayon.Take it or leave it!"

"Hindi iyon ang nais ko.Ang nais ko'y pang matagalang bayaran na relasyon."Matiim niyang sabi rito.

"Mayaman ka,barya lang ang hinihingi ko.Anong malay natin?Kapag natapos ang aasikasuhin ko'y biglang magbago ang isip ko at pag isipan ang gusto mo.''

Napamaang siya sa sinabi nito.
Diyata't kilala siya nito? Alam na mayaman siya.Sadya kayang hindi siya pinapansin nito nitong mga nagdaang araw?

"Hindi kaya lugi naman ako sa hinihingi mo?"

Hindi ito sumagot sa halip ay sinuyod siya nito ng tingin sa nakakainsultong ngisi mula ulo hanggang paa atsaka nagpakawala ng mahina at maikling tawa na ikinainis niya.

Saka ito nagkibit balikat at astang tatalikuran na siya.

"Sandali!'
Agad itong napahinto at naka taas ang noong tila nagtatanong kung bakit niya ito pinigilan.

"Hayaan mong pag isipan ko ito."
Sabi niya.

Ngumiti lamang ito at sumaludo sa kanya saka nagbalik muli sa gitna upang isayaw ang mga kababaihan.

...

Nasa bahay na siya ay hindi parin napapagod ang kanyang isip.Kung ano ano ang tumatakbo rito.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon