"Ano ang pakay mo?Bakit mo ginawa iyon?"
"Bakit hindi mo pa kalimutan ang nangyari?Tutal naman pinagsalitaan mo na ako ng masasakit na salita?"
"Kaya nga tinatanong ko.Hindi ba't may karapatan naman akong malaman?Sa isang taong ginamit at niloko?"
Napa hugot siya ng malalim na hininga.
"Kailangan kong magkapamilya.Magkaroon ng taga pagmana.Magkaroon ng makakasama pag tanda.Magkaroon ng katuwang sa buhay."
"Iyon lang?"
"Ano pa bang dapat?Ipaaalala ko nga pala sa iyo na hindi lang sa akin ang pagkakasala.Alalahanin mo rin na ginamit mo rin ako.Naggamitan lang tayo."
Pagkasabi niya noon ay sukat na tumayo ito at iniwan na lang siya basta doon.
Lalong sumama ang kanyang loob dahil sa ginawa nito.
Bakit ano paba ang inaasahan niya?
Kamusta na kaya ang girlfriend nito at bakit hindi nito kasama rito?
Sinundan niya ang lalaki maya maya.Nakita niya itong nasa dalampasigan.Nakaupo sa malaking bato at nakatingin sa malayo.
Malalim ang iniisip.
Napabuntunghininga nalang siya.
Maya maya'y naisipan niyang maligo sa dagat.Wala na ang lalaki ng pumunta siya roon.Nanghinayang siya.
Habang naliligo'y hinayaan niyang magpatangay sa alon kasama narin ang kanyang nagdadalamhating kalooban.
Hanggang sa maya maya'y umahon na siya.Nakakita siya ng mga babaeng kapag napapadaan sa gawi niya'y napapatingin sa kanya.Alam na niya kung bakit,hindi lingid sa ating kaaalaman na ganoon yata talaga ang ibang tao sa probinsiya.Mahilig ang iba sa mga bagay na wala namang saysay na pag usapan.Hindi na niya pinansin ang mga iyon.Sayang lang ang panahon niya upang pag tuunan pa ng pansin ang mga ganoong tao,lalo na ngayon na papalubog na ang araw .
Kay gandang pagmasdan.
Pag uwi niya sa bahay ay may naririnig siyang nag sisigawan hindi paman siya nakakapasok sa loob.
Dahan dahan siyang pumasok hindi upang malaman kung ano ang nangyayari kundi'y upang hindi nalang siya mapansin kung ano man at kung sino iyon.Nakayuko siya ng pumasok at papanhik na siya sa hagdan ng marinig niya ang boses ng babaeng nag tutungayaw at tila nais siyang idamay sa pagwawala nito.
"Nakita mo na?Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?Bakit narito iyan at magkasama kayo?!
Sabi ng babaeng galit na galit na walang dilit iba kundi ang kasintahan ni Rigor.Tila wala siyang narinig at nagpatuloy sa pagpanhik.
"Hoy!Haliparot na babae.Saan ka pupunta?!"
Doon nagpanting ang kanyang tainga dahil sa sinabi nito.
"Kung magwawala ka diyan at idadamay niyo ko sa away niyo'y mabuting lumabas kayo at sa ibang lugar ka magwala huwag dito sa lugar ko."
Hindi niya nagpahandaan ang ginawa nitong paglusob.Doo'y nahatak nito ang kanyang buhok at napangiwi siya.Siya namang dalo ni Rigor at binitbit ang babaeng nagtutungayaw palabas.
Sa halip na magalit siya rito'y nakaramdam siya ng awa.
Bakit hindi'y alam niyang desperada na ito.At siya?Ano ba ang mas malalang ginawa niya?Hindi ba't mas maituturing na kadesperadahan ang nagawa niya?
Parang walang nangyaring inayos ni Arabella ang sarili at itinuloy ang pagpanhik.
Bumilang lang siya ng kinse minuto at alam niyang hindi naitaboy ng lalaki ang babae.Bakit nga'y dinig niya hangang dito ang iyak ng babaeng nanunumbat at ang tahimik namang lalaki.
Naririnig niya dahil bukod sa malakas ang boses ng babae'y idagdag pa na nag eecho sa buong kabahayan dahil narin sa laki nito at taas.
Nang matahimik ang mga nasa ibaba'y natukso siyang sumilip sa balustre ng hagdan dahan dahan.At natuptop niya ang bibig ng makitang kaya pala nanahimik ay naghahalikan ang dalawa!
Umiiyak siyang nagtatakbo ng walang kilatis pabalik sa kanyang silid.Ang mataas pang alak na natira doon ay tinungga niya ng tinungga sa sobrang sama ng loob sa nakita.
Ang buong akala pa naman niya'y nagkakalabuan na ang mga ito.At umaasa siya?!
Gaya ng paglabo ng kanyang paningin dahil sa luha'y siya ring unti unting paglabo ng kanyang kamalayan.
Sa kanyang panaginip ay naroon ang lalaki.Hinalikan siya ng marahas,niyakap ng mahigpit.
Hiniklas ang kanyang damit at pinag sawa ang mga labi sa kanyang mga dibdib,mariin mapangrahuyo,sumisipsip,kumakagat.Napakagat labi narin siya.
Kay sarap ng pakiramdam na muli sila nitong nagniniig.
Kay tagal narin pala.
Hindi na kailangang initin pa sa kalan ang nagbabagang uling.
Hindi na nahibad ang kanyang panloob,nagmamadali nalang na mahawi iyon upang sapilitang makapasok.At pagkatapos ay parang tuyong sanga na gumagasgas.Maya maya lang ay dumulas narin at nagtuloy tuloy.Napabiling biling ang kanyang ulo,sa magkahalong sensayong nadarama.
Nang humupa na ang kapwa init at maramdaman ang munting init na dumapo sa kanyang noo'y napangiti siya sa panaginip.Kahit sa panaginip man lang ay natupad ang kanyang nais muling maulit na mithiin.At hindi siya nabigo.Matapos ng ilang sandali'y nag umpisa na naman.Mas magaan dahil buhat na siya ng kapwa nito katawan.
Nasa alapaap siya alam niya.Ang sarap ng tama ng maraming alak talaga.
Uulitin niya uli iyon upang matupad muli ang kanyang panaginip.
Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata.Nagising din siya sa ingay na wala na yatang katapusan.Hindi parin tumitigil ang babae?Hindi ba ito nagsasawa?Hindi ba ito napapagod?Siya'y pagod na.Pagod na pagod.Bakit nga ba siya napagod?
Dahan dahan siyang bumangon upang mangielam na sa maiingay.
Nagulat siya sa natuklasan.Hubad siya sa ilalim ng kumot?
Hindi ba panaginip ang lahat?Ramdam niya!Ramdam niyang totoo!Hindi siya kayang paglakuan ng katawan!
Ano ang nangyari?Paanong hindi niya alam na pumasok ang lalaki?At ang nangyari?Nagpahintulot siya sa paniniwalang panaginip lang ang lahat!Naroon,naroon at nakapaskil ang ebidensiya.Naroon din ang amoy ng lalaki.
Nagmamadaling nagbihis si Arabella.Kailangan niyang klaruhin.Kailangan niya ng paliwanag.Hindi na niya nagawang magsuklay dahil sa pagmamadali.
Pagbaba niya'y mas higit na malala ang kanyang nabungaran.
Ang babae'y buhat na ni Rigor.Walang malay,habang naka antabay ang mag asawang caretaker niya na napasulyap sa kanya ng makita siya.
Napaupo siya sa baitang sa itaas ng hagdan.
Ano ngayon ang gagawin niya?Kapag kinausap niya ang lalaki'y ano ang kanyang sasabihin at itatanong?Ang hirap!Lalo na kung may ibang masasaktan.Isa lang!Isa lang ang natitiyak niya!May nararamdaman pa sa kanya ang lalaki.
Sa isiping iyon ay gumaan ang kanyang pakiramdam.Naghanda siya sa muling pagbabalik ng lalaki upang malinaw niya ang lahat at maitanong ang mga gusto niyang malaman.Lumaki ang nararamdaman niyang pag asa.
Hanggang inabot na siya uli ng kinagabihan,pero wala na namang Rigor na nagpakita.Hindi kaya kasi'y inihatid na ang babae?Siguro nga!
Hangang ang isang gabi'y naging kinabukasan at naging kinaumagahan at kalauna'y inabot na ng tatlong araw.
Lipas na ang bagyo.Maaliwalas na uli ang langit.Ngunit nasaan ito?Nasaan ang lalaki?
Nag umpisa ng kabahan si Arabella,kung ano na ang nangayari sa lalaki?
Hanggang ang tatlong araw ay naging dalawang linggo.
Punong puno ng katanungan ang kanyang isip.Nang pag alala.Nang mga agam agam.Nang takot!
Wala na siyang choice kung hindi ang magbalik.
At sa kanyang pagbabalik ay...
"No!,hindeeeeee!Hindi maari ito! Isa lang itong kalokohan!"
Awang awa siyang niyakap ng kanyang tiyahin
"Tanggapin mo na.Iyan ang katotohanan.Bakit kasi ngayon kalang?Sanay,,,Disinsanay napigil mo ang kanilang kasal."
"Nooooo!Hindi niya maaring gawin ito sa akin."
At napahagulgol siya.
Ito naba ang kabayaran?...
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomansaSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
