Ang mapanuring mga mata ni Rigor ay lagi na ngayong nakasunod kay Arabella.
At naiilang siya roon.
Hindi siya sanay.
Nang minsang mawalan siya ng balanse dahil sa batong nakausli'y dalawang pares ng mga braso ang sumalo sa kanya sa muntik na niyang pagkakadapa.
Nagtatakang napatingin siya sa mga braso na iyon.
At naguluhan ng makitang hindi lang si Cort ang magtangkang sumalo sa kanya kung hindi so Rigor din.
Nang makita niyang tila nagsusukatan na ang tingin ng dalawa'y pinagpag niya ang mga kamay ni Rigor at agad gumilid sa tabi ni Cort.
"Mag iingat ka.Ingatan mo iyang bata."
Biglang sabi ni Rigor sa kanya na nandidilat pa ang mga mata.
"Pare,hindi kana dapat nangingielam rito.Kung ano man ang dapat naming gawin ni Arabella'y kami na lang ang bahala roon."
"Kung ano ang gusto kong sabihin ibilin at ingatan,bilang ama ng bata ay may karapatan ako."
"May asawa kana,siya ang dapat mong binabantayan,hindi ang pagmamay ari ng iba."
Matalinhagang wika ni Cort."
"Uulitin ko,ako ang ama ng batang dinadala ni Arabella."
Tila nang iinsulto namang sagot nito sa lalaki.
"Tayo na Cort."
Ang sabi ni Arabella upang hindi na humaba pa ang pangyayari.
Bago pa siya nakatalikod ay may humawak sa braso niya.
"May karapatan ako sa anak ko,tandaan mo iyan."
Bago pa nakagalaw si Cort ay iniwan na sila ni Rigor.
Alam niyang nagpupuyos ang damdamin ni Cort dahil tila naisahan sila ng lalaking nagmamadaling umalis.
"Hayaan mo na siya."
Sabi niya kay Cort upang sa pamamagitan niyon ay mapahupa niya nag nararamdamang inis nito.
"Hindi mo kasi maiaalis sa akin dahil alam ko namang totoo ang sinasabi niya."
Malungkot na pahayag nito.
Hinawakan niya ang mga kamay nito at nakita na niyang humupa ang kunot nito sa mukha.
...
Patuloy na lumaki ang kanyang tiyan at patuloy din si Rigor sa mga patutsada nito.Ang mas nakakaalarma'y kung umasta ang lalaki'y parang pag aari sila nitong mag ina at tila wala itong asawa.
"Kailan kaba titigil ng pangingeelam sa akin?"
Minsang tanong ni Arabella sa lalaki.
"Hindi kita pinakikeelaman."
"Ano ang tawag mo sa ginagawa mo?"
"Hindi ikaw ang pinakikeelaman ko kundi iyang dinadala mo."
Napahiya siya sa sinabi nito ngunit hindi siya nagsalita.
"Puwes,kapag lumabas na'y saka ka umiksena.Nadadamay kasi ako sa pinag gagagawa mo."
"Bakit?Masama bang malaman ko kung paano mo siya inaalagaan?"
"Bakit?Ano sa palagay mo? Na pababayaan ko ito?Aba!Ibang usapan na iyan!"
"Ang akin lang naman,ay gusto kong makita ang paglaki niya sa tiyan mo."
Bumaba ang boses nito pagkasabi niyon.Nakakita siya ng lambong sa mga mata nito.
"Teka nga,hindi ba't magkakaanak na kayo ng asawa mo?Siya ang dapat mong inaalala.
Buti at naitanong niya narin.
Napangising aso ito.
"Hindi siya buntis.
Nagtaka man ay hindi na nag usisa si Arabella.
Napakislot siya ng bigla nitong hawakan ang kagampan niyang tiyan.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
