Lumalim at gitla sa kanyang noo ng may lumabas na isang may edad na babae na may kalong kalong na tila magdadalawang taong gulang na batang lalaki na mula sa likod nito na inaaninaw niya pa.
Takang taka siya kung ano ang kaugnayan ng bata sa pag uusap nila.
"Say hello to her." Sabi ng lalaki sa batang ngayon ay kandong kandong na nito.
"Hello ."
Kiming bati nito na kumaway pa sa kanya ng nakangiti.
Tumango naman siya rito na nagtataka parin.
Kumumpas kumpas siya at hindi alam kung paano magtatanong rito.
"Kung siya ay hindi mo kilala,ikaw kilala ka ni nanay Loleng ang ina ni Kevin na ngayo'y asawa mona ."
Nananatili parin siya sa ganoong pwesto,na takang taka.
"Sabihin mo ngayon manang Loleng kung ano ang gusto mong sabihin kay Misis Calderon."
Dumagdag ang mga linya niya sa mukha pagkasabi ng utos nito sa bata.
"Misis,parang awa niyo napo, huwag niyo pong hayaang makulong ang aking anak. Siya nalang po ang inaasahan namin ng kanyang anak ayaw ko pong may kalakhang tatay na bilanggo ang aking apo,kawawa po siya kapag nakulong ang kanyang ama,para nalang sa bata . Parang awa na po ninyo."
Nagkulay suka siya sa narinig mula sa matandang babae at napatuptop sa bibig. Nanumbalik ang multo ng kanyang nakaraan. Bago pa man iyon magplay back sa ala-ala niya'y naunahan na siya ng magaling na lalaki.
"Ano ngayon ang magiging sagot mo sa pakiusap ng lola na inagawan mo ? Ang batang naiwan ni Rodora sa asawa mo?" Ang lalaking binili mo ng iying salapi? Ikaw na siyang-"
" Shut up!!! H-Hindi ko alam! H-Hindi ko-... "
Hindi na niya natapos ang sasabihin. Nanakbo siya paalis sa lugar na iyon dala ang bigat sa dibdib.
...
Ngayon. Ang konsensiya..
Ang lalaking napili niya upang maging kasama niya sa buhay ay nasa harapan niya ngayon, hindi mapakali ang mga kamay at malikot ang mga mata.
"Iwan mo siya at tayo ang magsama. Narito ang halagang kailangan mo. Dalhin mo na at pirmahan ang kasulatang ito."
Nanginginig ang mga kamay na dali dali nitong pinirmahan ang papel. Napangiti siya. Ngiti ng tagumpay. Alam niyang hindi ito liligaya sa kinalolokohan nitong babae. Nakikita niya madalas ang babaeng kung sino sino lang ang kasama.Natipuhan niya ang lalaki dahil sa nakikita niyang taglay nitong sipag at katusuhan. Taglay din nito ang kagwapuhan na hinahanap niya sa isang lalaki kung sakali mang magkaanak sila nito na hindi nagkaroon ng katuparan magpahanggang ngayon.
At ikinasal na nga sila.
Ngayon. Ito rin ang dahilan ng kabiguan niya. Pilit niyang itinatangi sa isip ang nangyari ngunit hindi maaari.Sinusumbatan siya ng kanyang konsensiya. Maari niyang balewalain ang lahat,subalit kaya ba niya? Kaya pala hindi nakakapagsalita ng lalaki'y dahil narin sa mabigat nitong dalahin. Siya, siya ang may kagagawan ng lahat ng ito.
Hindi niya alam.Hindi niya alam na may anak na madadamay, hindi sinabi sa kanya ng asawa. Iiling iling siya. Ano ngayon ang gagawin niya.
...
Natuptop ng kanyang tiya ang bibig sa inilahad niya.
''A-Ano ngayon ang binabalak mo?''
''H-Hindi ko alam,naguguluhan ako.'
''Ang mabuti pa'y kausapin mo si Rigor,baka bigyan ka ng konsiderasyon,ipaliwanag mo ang lahat.''
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
