13.

175 6 2
                                        

Nababaliw na yata talaga siya.Bakit?heto at mag uumaga na ngunit mulat na mulat pa ang mga mata niya.
Nang dahil lang sa isang halik ay nagkakaganito na siya.Ang halik ni Rigor.Damang dama pa niya hanggang ngayon ang init niyon.Diyatat nasisiraan na siya ng bait?Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang nangyari.

Hindi maiwasang lagi silang magkasabay na kumakain ni Rigor,ayaw man niya aminin ay tila ikinakasiya iyon ng munting damdaming pilit na nagtatago sa kanyang kalooban.
Ngunit iba ngayon.Kanina pa siya inis na inis sa isinama nitong babae.May karapatan ba siyang magalit?Buong araw na halos magkasama ang dalawa.

Isa pa'y sekretarya nito ang babae.Kanina parin tila hindi siya nito nakikita.Hindi man siya hantarang binabastos pero ni hindi nito alintana ang presensiya niya.
Tiningnan niya ang babae.Malaking babae ito kumpara sa kanya.At isa lang ang sigurado.Maganda ito.Siya?
Parang lumalabas tuloy na bigla siyang naechapwera sa eksena.Hindi pa naman siya sana'y ng hindi napag tutuunan ng atensiyon.

Naubos ang maghapong walang siyang kagana gana.Mabuti nalang at tinawagan siya ng isa sa kanyang mga inspirasyon.
Naupo muna siya sandali sa nakita niyang upuang malapit lang din doon.

Natutuwa siyang malaman na nakakuha na naman ng award ang isa sa mga pinag aaral niyang kabataan.Magiliw na ibinabalita ngayon ito sa kanya ng tatay nito,dahil sa biyudo na at wala ng kakayahang makapagtrabaho ng maayos ay hindi siya nag atubiling tulungan ito.

"Ganoon ba?Masaya ako sa balita mo,ikaw kamusta kana?Baka naman nagpapabaya ka sa sarili,isipin mo nalang na mas higit na kailanga-"

"Kanina pa kita hinahanap narito kalang pala."

Nagulat siya sa boses na iyon ng hindi niya namamalayan.Nakita niyang nakakunot ang lalaki habang naka pameywang at nakatayo sa harap niya ngayon.Dahil ba sa sobrang kahapuan niya ay hindi niya man lang nakita ang malaking lalaking ito na nasa harapan niya na pala.

"S-sige Lando,ikamusta mo nalang ako kay-"

"Ano ba!Tara na,ang init init dito o."

"Sa anak m-o"
Iyon nalang ang huli niyang nasabi sa kausap dahil narin sa nagmamadaling lalaking nag aaya na.

"Bakit hinihintay mo pa ako?Hindi ba't kasama mo naman ang sekretarya mo?Bakit hindi pa kayo nag sabay at nag abala kapa sa akin?"

"Bakit ang dami mong tanong?Nagseselos kaba?"

"At bakit naman ako magseselos?Sinasabi ko lang na nagmamadali ka pala e bakit hindi kapa mauna,tapos magagalit ka?"

"Kung sino sino kasi ang inuuna mo,alam mo namang kanina pa tayo rito,o nung isang araw pa tayo nagpapabalik balik."

"Kaya nga sabi ko dapat nauna kana,at ng sekretarya mo."

"Sino ba yung kausap mo?"

"At bakit mo naman tinatanong?Bakit nagseselos ka?"Inis na ganting tanong niya rito"

"Oo."

Natigilan siya sa hindi niya inaasahang sagot nito sa kanya.

"Halika na at baka abutin pa tayo ng dilim."Sabay hatak nito sa kamay niya.

Nananahimik siya habang nasa biyahe sila.Naiilang at hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

"O bakit mo inihinto?"Nagtatakang tanong niya ng huminto ang sasakyan.

"Nagugutom na ako.Kumain naman tayo."

Balak siyang alalayan nito ngunit nagpatiuna siya.Ayaw niyang madugtungan uli ang nangyari kanina dahil baka iba na ang isipin niya.

Puro seafoods pala ang kainang napuntahan nila.Maganda ang tema ng kainan,parang kumakain kalang sa probinsiya,gawa sa isang mahaba at malaking nipa hut na karaniwan lang sanang maliit,ngunit ito ay mahaba at malawak.Ang mga ginamit ay puro native lalo na ng ilapag ang palayok at inumang gawa sa kawayan sa mesa nila.

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon