"S-Salamat."
Sabi niyang naiilang sa mahigpit na kapit nito sa kanya.Ngayong malapit ang mukha nito sa kanya,napansin niyang lumalim din pala ang mga mata nito.Pero lalo itong bumagay sa lalaki."P-Pasensiya kana nga pala kanina.Napagkamalan ka ng kaibigan ko."
Sabi niya pa dahil tangkang tatalikuran na siya nito.Dahan dahan itong pumuhit at tinignan siya mula ulo hanggang paa ng nakakunot noo.
"Magkakilala ba tayo?O nag kakilala na noon?""I-Ikaw,may naalala ka ba?...
Kung nagkakilala na tayo?""I'm sorry pero wala akong natatandaan."
"I-Iyon naman pala."
Nakita niya ang kawalang interes nito sa kanya.Malungkot niyang hinabol ng tingin ang marahan nitong paglayo.
Nakita niyang bumalik ito banda sa di kalayuan sa kanyang mga mata.
Narinig niya ang malutong nitong halakhak at ang pakikipagtoast nito.
Para siyang tangang itinaas din ang basong tangan.
"Toast para sa paglimot mo sa akin."
Pinahid niya ang isang luhang naglakbay sa kabila niyang pisngi.Hindi na siya nakatiis umalis siya sa pwesto niya at nakipag kwentuhan sa ibang bisita.
Nagulat pa siya ng isa pala sa wedding coordinator doon sa kasal niya ay siya rin palang inupahan ng mga ikinasal."Naku ha,huwag na huwag niyong isiping nang dahil sa akin ay hindi natutuloy ang forever niyo ha,'wag naman sana."
Sabi nito sa kanilang dalawa na pawang mga hiwalay narin sa kanya kanyang asawa."Nakipagtawanan narin siya sa mga ito at makalipas ng isang oras pa ay nagpasya na siyang magpaalam sa ikinasal.
"Teka muna.Uuwi kana?Isabay mo na si Rigs,hayun at tila lasing na yata."
Sabi ni Cynthia sa kanya.Huli na para sawayin ang pasaway na babaemg bagong kasal dahil tinawag na nito ang dalawang lalaking nakaalalay sa lalaking malagihay na.
"Iuwi mo na siya Ara at baka kung ano pang mangyari sa kanya."
Nalilito siyang napatingin sa lalaking mapungay na ang mga matang nakasulyap sa kanya.
"Aalalayan na namin si Rigs,saan po ang sasakyan niyo Miss?"
Sabi ng dalawa nitong kasama na inaalalayan ang lalaki."W-Wala man lang ba siyang phone na matatawagan?Hindi ba niya dala ang cellphone niya?Sa- bulsa??"
Sabi niya sa mga ito."Kanina pa nga namin tinatawagan pero walang sumasagot."
Sagot ng dalawang lalaki."Ara,isabay mo na siya,kawawa naman."
Pangungulit ni Cynthia.Napatango nalang siya at sinamahan na ang mga ito papunta sa kanyang sasakyan.
"Dito nalang namin siya ilalagay sa unahan para atleast maalalayan siya,ok lang ba Miss?"
"Ok lang."
Maikli niyang sagot sa mga ito.Dahan dahan na niyang pinasibad ang sasakyan.Hindi pa sila nakakalayo'y ang isang kamay nito'y naglanding na may kandungan niya at sumagi mismo doon.
Napahugot siya ng hininga kasunod ng paghilig ng ulo nito sa balikat niya.Ang akala siguro'y nasa sarili na nitong pamamahay ang lalaki.
Dahan dahan niyang iniangat ang kamay nitong nakapatong roon dahil nag uumpisa na iyong makaapekto sa pagmamaneho niya.Ang pakiramdam niya'y unti unti iyong umiinit roon.
Bago pa siya mag isip ng malisya naialis na niya iyon.Pasulyap sulyap siya sa gwapo nitong mukha.
Pakiramdam ko'y kay tagal na panahon kang nawala.Kung ano man ang naging buhay mo ngayon sana ay maligaya kana.Ito na ang problema sa lahat ng problema.Kung paano ito bibitbitin papasok.
Paparada na siya ng masulyapan niya ang guard roon na naglalakad tinawag niya ito upang magpatulong.
Nang nasa harap na sila ng unit nito ay naramdaman niya na ang bigat ng lalaki na halos nakayupyop na sa kanya.Ang masama pa'y nakakapit sa boobs niya ang isang palad nito at nasa leeg niya ang labi ng lalaki.

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...