20.

116 5 2
                                    

Napahabol nalang siya ng tingin sa lalaki ng lumampas ito sa kanila.
Ang tanging naiwan sa kanya ay ang tingin ng babaeng iyon na tila nang aasar.

Masakit.Nasaktan siya alam niya.Ito ba?Ito ba ang bunga ng nawalang bisang gayuma?Hindi na siya kilala ng lalaki.Ni ang tapunan siya ng tingin ay hindi nito nagawa.Ngunit tanging siya lang ang hindi naaalala ng lalaki.Anong saklap.Bakit niya pa hahangaring maala-ala siya ng lalaki,gayong terible ang maaring mangyari sa kanya.Dapat ba siyang matuwa?Ngunit tila hindi niya nagawang tumawa.
Ang pinakamasakit ay ang malamang may asawa na ito.
Unti unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
Agad niyang pinahid iyon ng maramdaman ang kamay ng lalaking kasama na pumipisil sa kanyang balikat.

"Hindi ko na itatanong kung ano ang nangyari sa inyo ng lalaking iyon dahil alam kong wala akong  karapatan."

Ngumiti siya ng mapait rito.

Mabigat man sa damdami'y tinapos nila roon ang pakay.

Paanong nangyaring nakalimutan siya ng lalaki?Hanggang ngayon ay ayaw tanggaping iyon ng kanyang kalooban.Ilang buwan itong nawala.Halos mag iisang taon.Wala siyang balita rito.Ni ha ni ho ay wala siyang narinig.Sana'y hindi na muling nagpakita pa ang lalaki.Napakasakit.Kanina'y halos mamanhid ang buo niyang pagkatao.Sabik na sabik siya sa lalaki.Ngayong nakita na niya ito'y parang balewala ang lahat.Mas nanaisin niya pang magalit ito sa kanya,kaysa para siyang hindi nagdaan sa buhay nito.Parang hindi siya naging parte noon.Nagkaroon ng bikig ang kanyang lalamunan at nagsimula na naman ang kanyang pighati.

Pagpasok niya sa opisina'y nakakita kaagad siya ng basket ng bulaklak na nakapatong sa kanyang table.Hindi niya magawang ngumiti.Kahit pa todo ang pagpupursige ni Cort nitong mga nagdaang araw ay hindi niyon naibsan ang sakit na nararamdaman.Ilang araw din niya itong hindi sinipot sa usapan nila dahil ayaw niyang lumabas na ginagamit niya itong panakip butas.
Ganoon pa man,binasa niya ang card na nakaipit roon.

"This is to cheer you up love,'been missing you teribly."

Hindi parin niya nagawang ngumiti.

Pagkatapos ng nakaka stress na meeting ay naisipan niyang lumabas kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho.Gusto niyang mag unwind muna.
Pumunta siya ng salon.Ang kanyang mahaba at tuwid na tuwid na buhok ay pinagupitan niya ng sobrang ikli.Pina pixie cut niya iyon at pinakulayan ng ash brown.
Ng nag angat siya ng mukha ay muntik na siyang magulat.Dahil sa sobrang busy niya sa pagbabasa at paglipad ng isip ay hindi niya namamalayan ang ginagawa sa kanya.Bagay na bagay iyon sa kanya.Hindi niya makilala ang sarili.Lumabas ang ganda ng kanyang maliit na dilat na pares ng mga mata.Kitang kita narin ngayon ang hugis ng kanyang mukha.May hitsura pala siya kahit kaunti.Kung dati'y kailangan pa siyang titigan upang makita lamang kung ano ang maganda sa kanya.Ngayon ay alam na niya kung ano iyon.

Hindi pa man siya nakakalabas ng salon ay may nakabanggaan siya.Hihingi sana siya ng paumanhin ng magsalita ito.

"Ara?Ikaw ba iyan?"

Kumunot muna siya sabay ngumiti.

"O Cynthia!Ikaw pala.Nuong isang araw lang tayo nagkita,hindi mo agad ako nakilala?"
Ang isa sa mga kabatchmate niya noong highschool at naging kumare narin niya sa isa sa mga kaibigan niya noon."

"Ang ganda mo!Sana noon kapa nagpaayos ng ganyan."

"Salamat."

"Tamang tama,iinvite narin kita sa kasal ko sa sabado gaganapin."

"Oh?Ikakasal kana?Congrats!"

"Kasi'y hinahanap kita noon sa opisina mo.Out of town kadaw.Hindi ko naman alam ang cellphone number mo."

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon