"Alam mo ba na noong una palang tayong nagkita noon ay may kakaiba na sa iyo? Hindi ko matiyak kung ano iyon."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ng lalaki."Kaya mo ba ako inaya rito ay upang malaman ang sagot sa tanong mo?"
"Ano nga ba iyon?"
Tanong uli nito na napahalukipkip na.
"Malay ko sa iyo. Ikaw lang ang makasasagot niyan.
" Mayroong kakaiba sa iyo na hindi ko maipaliwanag. " lumalalim ang pagkakatingin nito sa kanya habang hinahagod siya ng tingin.
Dahan dahan siyang kinabahan sa mga sinasabi nito.
"Kaya nga bumalik ako noon,upang malaman ang sagot sa kung ano ang kakaiba sa iyo."
"Ang nakaraan ay nakaraan na.Wala ng mahalaga pang dapat malaman."
"Ang sabi nila'y ang kasalukuyan daw ay maaari mo pang makalimutan ang ilan ngunit ang nakaraan ay hindi,dahil karugtong raw ng kasalukuyan ang nakaraan."
"Hindi ko alam na makata ka pala."
Sabi niya rito na nangungutya.
"Noon pa ay hindi na nawaglit sa isip ko ang iyong anyo.Noon at ngayon interesado akong makita ka. Kung susurii'y wala naman akong makitang interesante."
"Ganoon naman pala, bakit mo pa ako ginagambala? Nananahimik na ako, ngunit heto, isinabit mo ako sa palabas mo."
"Well,nasa akin na iyon. Isa pa, magagamit kita sa mga kakulangan ko. Alam mong kulang pa ang kaalaman ko sa pagnenegosyo at malaki ang magiging kaugnayan mo roon. Ikaw ang makakatulong sa akin."
"Bakit ako?Wala kabang ibang kakilala na magtuturo sa iyo? Bakit kailangang ako pa? Bakit idadamay mo pa ako?"
"Bakit ang dami mong tanong? Kumain muna tayo."
Eksaktong parating na ang kanilang inorder.
Hindi niya malaman kung dahil ba sa hindi niya gusto ang lasa ng mga pagkain o ang disgusto niya na malaman na parang hindi siya ang may hawak ng roleta ngayon? Pakiramdam niya'y nakontrol siya ng kung sino lang.
At hindi niya iyon matanggap.
Mabuti nalang at ang sumunod nilang pinag usapan ay tungkol sa trabaho.
Habang nagsasalita ang lalaki'y nawawala ang focus niya. Paano'y taglay nito ang karisma. Nakakabato balani ang hitsura nito.Ang dating bato na nababalutan ng lumot na ang ang buong akala niya'y tanso heto at ginto pala.
Nagtataka lang siya kung paano yumaman ang lalaki. Nakatisod ba ito ng isang mayaman na babae? O di kaya'y isang babaeng may taglay ng tatlong M? Matandang babaeng Mayamang Madaling Mamatay?
Ngunit bakit hindi ito kasama ng lalaki.
"What? Iniisip mo kung sino ang naloko ko at naging ganito ako?"
Nagulat siya sa sinabi nito. Mukhang magaling talagang bumasa ng isip ang lalaki.
"Bakit hindi ka sumubok na maging manghuhula?" Sa inis niya ay nasabi niya ito dito.
"Mahina ang kita diyan. Isa pa, napakadali mong basahin. Nababasa ko ring gusto mong ikama kita ngayon."
"Fool"
Tumawa ito sa sinabi niya. Tawang parang nang aakit.
"Maaari ba'y kalimutan na natin ang nakaraan?Magfocus tayo doon sa sinasabi mong kaya kitang tulungan.Move on! sabi nga nila."
"Well, basta ba hindi mo ako gagamitan ng katarayan mo, bakit hindi?"
"Let us be professional here."
"Hmm, key!"
Narinig niyang sagot nito.
...
''Nakita ko ang mga records ng kumapanya ng mga nagdaang taon,sino ang mga nagrecieved nito?''Tanong niya habang nirerebisa ang mga file kung saan may mga pirma ng approval sa sales.
BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...
