19.

150 6 1
                                    

Tinakpan niya ang tainga niya at pumikit matapos sabihin iyon.Tila biglang gusto niyang maging panaginip lang ang lahat.Biglang lumamig ang kanina pang mainit na paligid ng dahil sa kanilang dalawa.
Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at nalaman kung ano na ang nangyari sa ginawa niyang pagtatapat rito.

Upang makahinga ng maluwag ng malaman niyang wala roon ang lalaki.
Nakita niya ito sa balkonahe at naroon nga,nakatapis lang ito ng pang ibaba gamit ang tuwalya at may kausap sa cellphone.
Sadya bang nananadya ang pagkakataon?Nakaligtas siya,sa sandaling oras.Ngunit,,,paano na?Sasabihin pa ba niya.


Nanlamig siya ng makita niyang papalapit ito.Galit ang mukha.Namanhid ang kanyang buong katawan.Inihanda niya ang sarili sa kung ano man ang gawin nito bilang kapalit sa ginawa niya rito...


Ngunit sa halip ay hinalikan siya nito.

"Mahal,pasensiya kana kung aalis ako ngayon ha,tumawag kasi ang sekretarya ko at may hindi magandang nangyari.Saka na tayo mag usap pag balik ko.Dumito ka at  huwag kang aalis ha.Pag uusapan natin kung ano iyang bumabagabag sa iyo."

"A-Ano'ng nangyari?"

"Saka ko na ipaliliwanag kapag nakabalik na ako.Nagmamadali ako."

Na stock siya sa kinatatayuan.Totoo ba ito?Kung ngayon ay tila siya mamatay ipagpapabukas pa?,Ano'ng gagawin niya lalo bukas?"

Matapos mag madaling magbihis ay bumalik uli ito upang halikan siya uli.

"Eat."
Pagkaalis ay sinabi nito sa kanya.


Napaupo siya sa kama na latang lata.Habang nag iisip ay naglibot libot muna siya.Naroon ang iba't ibang larawan nito.Kung hindi lang may problema siya ngayon ay matutuwa sana siya sa mga nakikita.Naroon ang larawan ng mag anak.Ito ng maliit pa.Ang buong pamilya.Nakita niya rin ang larawan ng ama nito na may tila tula sa tabi.Napalunok siya ng mabasa ang tula.Maigsi lang."Wisdom is from God knowledge is from Man.A big timmer Thief comes from a liitle lies.So be wiser emminates from God than to belike a man who only knows lies.What lies beneath?"
Sa ilalim ay

                                       LUIS BRAGANZA 3RD

                                             Signature.

Napakunot siya at muling tinapunan ng tingin ang nakita.


Habang lumilipas ang oras ay tila siya nauupos na kandila.Nakatingin siya sa kanyang mga paa hangang ngayon ay wala parin siyang maisip na magandang sabihin.
Hanggang sa nakapagpasya siya.

Lumisan siya na lumuluha.Alam niyang iyon na ang katapusan ng sandaling kaligayahan.
Iniwan niya ang isang bagay na kung saan doon niya kayang sabihin ang lahat.Aaminin niyang malakas ang loob niya ngunit ng mga  sandaling iyon ay naduwag siya.Isang kapirasong papel at sa tulong ng panulat ay naipakita niya ang kanyang karuwagan.Bahala na bukas kung sisingilin na siya ng lalaki at kung ano ang hihingin nitong kabayaran sa nagawa niya.


Kinabukasan ang inaasahan niyang tawag ay wala.Wala ring mukha ng lalaking uusig sa kanya.Alam niyang nabasa na nito ang sulat at hindi na siya umaasang muli pa itong magbabalik sa kanya.
Lalasapin niya na lang ang mga sandaling pinagsaluhan nila.Iyon ang mananatili niyang kasalanan dahil sa kasinugalingan at panlolokong ginawa niya.

Ang ilang araw na walang balita ay naging isang lingo,naging isang buwan,naging dalawa tatlo at umabot pa ng hindi niya na binilang.Pilit na niyang tinatanggap ang nangyari sa kanya.Masuwerte pa nga siya dahil ang pagbawi ng kanyang kapehan ay hindi nangyari.


"May mga bago akong tuklas na timpla ng kape at sigurado akong magugustuhan mo,hindi ka kasi sumama sa akin noon,sanay nag enjoy ka man lang."

Sabi ni Cort na siyang pilit nagpapasaya sa kanya.Tanggap nito kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay rito.Sabi nito'y sa kanya lang nakita nito ang kaligayahan.Mabuti pa nga ito habang naiisip niya ay maliwanag na hindi bunga ng gayuma.Ngayon na niya tinanggap sa sariling kahit pala talaga ganoon siya ay may magkakagusto pala talaga sa kanya.

"Mukha kasing hindi pupwede sa akin iyang mga timpla mo."Pilit ang kanyang ngiti rito gaya ng dati.


"Sinong may sabi sa iyo.Stevia sugar ang ginamit ko rito at akala mo ba'y hindi ko alam ang iniiwasan mo?"

"Siya nga?"

"Yup!Kaya ng iniyayabang ko sa iyo eh.Heto na at tikman mo na."

Tama nga ito.Pawang kakaiba at masasarap ang lasa ng mga ito.Hindi pangkaraniwang kape.

"At ang isang ito?"
Tanong niya sa nasa maliit na cup na maiinit din.

"Ah yan ay tsaa."

"O?! Mag tea tea paba tayo?Masyado ng palasak iyan dito sa atin.Kada kanto ay may tinda na niyan,ang isa pa'y hindi ako masyadong mahilig sa tsaa.Ikalawa'y mukhang hindi tayo mabibilhan niyan dahil ang uso ngayo'y palakihan ng lalagyan,may mga litro litro pa nga.Tapos mainit pa iyang sa iyo?Ang uso ngayo'y malalamig.

"Hep,hep.Tikman mo muna bago mo husgahan."

Namilog ang kanyang mga mata ng matikman ang sinasabi nito.

"O ano?Masarap ano?Hindi mo ba alam na galing pa sa midle east ang mga sangkap niyan at sa lahat ng natikman ko,sa midle east ang pinaka masasarap na gawa at timpla ng mga tsaa.Kaya mahal ang kada isang cup na maliit.buttt,, kayang kayang lumaban niyan sa litro litrong sinasabi mo at iba ang ginamit na gatas diyan."


"Mag umpisa na tayo kung gayon.At refilan mo pa uli yung cup ko."
Hindi napigilang sabi niya.



Habang nagkasundo silang mag canvas ng basong gagamitin at tatak na ile layout ay may naamoy siya na pamilyar na pamilyar sa kanyang pang amoy.Gusto niyang kabahan at pinipigilan ang sariling mapalingon.Bumigat bigla ang kanyang likuran at ang kanyang katawan.Nanlalamig siya at hindi mapakali.May kamay na humawak bigla sa kanya.Mainit iyon.Napatingin siya sa humawak niyon.

Si Cort at dinala pa ng lalaki sa mga labi nito.Nakahinga hinga siya ng maluwag ng makita ang suportang ibinigay nito sa kanya.Alam niyang lumingon ito at nakilala kung sino ang dahilan ng pagkakaganoon niya.

"Look who's here."
Nang magsalita ang nasa likod.

Namutla siya sa narinig.
Iniharap naman siya kagad ni Cort at inakbayan.


"Narito rin pala kayo."
Sabi naman ni Cort.


Nasorpresa siya ng makita uli ang lalaki.Lalo itong gumwapo ngunit halatang halata ang ipinayat nito,pero sa kabila noon ay hindi naging kabawasan iyon sa lalaki,bagkos ay parang nagpadagdag pa iyon ng kakaibang dating nito ngayon.Pati ang pananamit ay nag iba narin.Para na kasi itong modelo ng magazine.Ang hindi na siya nabigla ay ng makita niya kung sino ang babaeng grabe ang pagkakasimangot sa kanya.

"So ito pala ang sinasabi mong kina bi bisihan mo?"
Sabi ni Rigor.

Ngumiti lang si Cort.


"So anong ginagawa niyo rito?"
Si Cort parin.

"Gaya ng ginagawa mo,niyo,ng kasama mo."

"May pangalan siya."Nagtitimpi na sagot ni Cort.Pinisil niya ang palad nito upang sabihing ok lang sa kanya.


"Ow?!Bakit hindi mo ipakilala?"
Sabi ni Rigor na tatawa tawa pa.

Hindi niya alam kung nang iinis lang ito kaya ito parang nagpapanggap.

"Saglit kalang nawala ang bilis mo naman kagad makalimot."
Si Cort.

"Totoo ang sinasabi ng asawa ko.Hindi niya kilala ang babaeng iyan."


Hindi lang siya ang nagulat.Pati narin si Cort sa narinig sa babaeng humiklat sa braso ni Rigor upang lalo itong idikit sa sarili na para bang aagawin.

"Gaano ba kahalaga ang pangalan ng kasama mo na sukat ipagdamot mo?"

Si Rigor ang nagsalita...

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon