Masaya ang mga sumunod na araw sa kanilang dalawa hanggang sa...
"Hindi ba kilala mo si Aning Arabella?
"Po?"
"Si Aning.Hindi ba't magkakilala kayo?Nakita ko kasi kayo noon.Makailang beses lang naman.Hindi mo ba naalala?Nakita ko kayong magka kwentuhan noon."
"Ahhh..."
"Anong ahhh?Wala kabang planong umuwi? Ngayong linggo na yata ang libing noong lola niya."
"Sinong pong lola niya?"
"Yun daw taga malayong pook,hindi ba't balitang balita doon na abot na yata sa isang daan at dalawampu ang matandang iyon pero ngayon lang namatay? Bulungbulungan nga na may kapangyarihang itim daw iyong matanda,maige na na nga at namatay na upang matahimik narin at mapawalang bisa ang mga usap usapan.Ipinakuha raw ang mga labi upang ilibing sa atin."
Napaisip siya bigla.Natural na kasi sa kanya na dumalaw at magbigay ng tulong sa mga namatayan niyang tauhan at alam iyon ng kanyang tiya.
Bakit hindi?Gusto niya rin namang makarinig ng balita sa babae.
Ito kasi ang tumulong sa kanya upang mahanap ang pinaka mabisang gayuma na ginamit niya.Hindi kasi niya naitanong rito kung hangang saan ang epekto ng gayuma sa sobrang excitement niya.O di kaya'y sinadya iyon ng matanda upang bumalik siyang muli?.Nagtataka lang kasi siya kung bakit kung ano pa yung importanteng bagay ay nakaligtaang sabihin sa kanya o maalala niya.Bakit ngayon lang pumasok sa kanyang isip?...
Ano???!!!
Muntik na siyang panawan ng ulirat sa nalaman kay Aning.
Medyo napalakas pa nga at hindi naiwasan ng mga tao na mapalingon sa kanila.
Giniya niya ito papalayo sa lamay ng lola nito.Makaraan kasi ng ikatlong araw ay saka siya nagpunta sa lamay.
"Bakit hindi mo sinabi kagad?niyo!ninyong mag lola?!''
"Kabilinbilinan kasi ni Impang ay huwag raw mababanggit sa inyo mam,na oras daw na malaman niyo ng wala sa panahon ay mas maaga sa inaakala niyo ang pagkawala ng bisa nito."
"Shit!"
Napamura siya ng wala sa tono."Bakit?Papaano na ngayon?Ano ang gagawin ko?May alam kabang maaring gawin na nasabi sa iyo ng lola mo?"
"Pasensiya napo kayo mam,ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na may mga bagay na hindi po ipinaaalam sa mga taong binigyan ng serbisyo ni lola dahil narin po sa pag kakaugnay nito sa bisa at kapangyarihan niya.May mga batas po ang kapangyarihang itim na dapat na sundin."
Malungkot na wika nito."Sa lahat ng naserbisyuhan niya baka naman may iba kapang alam?Sila?Baka may nalalaman sila?"
"Ayyy,maalala ko lang po pala.Ang bisa ng gayuma'y hangang sa ikatlong araw na lamang mula sa pagkamatay ng taong gumawa niyon.Tulad din ng ang isang taong gumagawa ng kahit ano ay awtomatikong nahihinto ang mga obra nito kapag namatay na.May ilang araw papo kayo upang magtapat sa taong ginayuma niyo.Wala napo kasing ibang paraan,namatay na kasi ang lola."
Hindi na siya nakasagot at tumango tango nalang.
Wala na siyang magagawa kung gayon.Lola,bakit naman po nagkaganoon?Para namang inaasar niyo ko?Bakit di niyo po sinabi sa akin ng mas maaga?Disin sana'y baka nagbago na pa ang isip ko?Ano ngayon ang gagawin ko?Paano na ngayon iyan?Ngayon pa na alam ko ng mahal ko siya?Diyos ko anong gagawin ko ngayon?"
Lulugo lugong tanong niya sa isip sa matandang nakahimlay."Anoooo???!!"
Kanina'y siya lang,ngayon ay ang tita naman niya.Gusto niyang matawa pero di niya magawa.Siguro'y kung iba pa ang dahilan baka kanina pa siya tumatawa.Pero iba ngayon.Hindi nakakatawa.Nakakatakot!

BINABASA MO ANG
Under My Spell
RomanceSi Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang sala...