33.

192 5 8
                                    

Dumating na yata ang pinakahihintay niya.ilang araw nalang kasi'y maari na siyang manganak.Naroon na siya sa ospital at maagang nag paadmit.

Tinawagan na niya agad si Cort at ang tita naman niya ay paparating na.Ilang araw narin kasing naroon ang dalawa kaya umuuwi ang mga ito upang may asikasuhing mga bagay lalo na sa dalawa.Parang nananadyang sumabay ang mga commitments ng mga ito,ayaw niya namang maging pabigat siya sa mga itk at hindi niya rin iyon pahihintulutan.

Sumasakit na at ramdam na niya.Tinawagan na ng nurse ang doctor at paparating naraw.

Habang hinihimas himas ang tiyan ay napapangiwi na siya maya maya.
Nagtangka siyang tumayo dahil narin sa mga nabasa niya upang mas madali ang pagbaba ng bata.
Muntik na siyang mapaupo dahil sa sobrang sakit na agad sumumpong sa kanya kung hindi lang siya nakakapit sa balikat ng may balikat.

"Careful"

Nagulat siya sa boses na iyon.

"B-Bakit narito ka?Anong ginagawa mo rito?"

"Mahalaga pa ba iyon?tsk!Ang mahalaga ay iyang anak natin na malapit na yatang lumabas?"

Magagalit sana siya ngunit nakita niya ang alanganing tingin nito na may kasamang pawis na unti unting namumuo sa noo nito kahit malamig.
Nakaramdam siya ng awa rito.Alam niyang kinakabahan ito kaya hindi na niya ito kinompronta.

Panay ang himas narin nito ngayon sa kanyang balakang na kanikanina lang ay siya ang gumagawa.
Umuusal din ito ng panalangin at kinakausap ang anak nila.Nahihirapan man ay sumasalit ang tuwa sa kanyang damdamin.
Sayang!Hindi normal ang kanilang pagsasama.Hindi man ito maging mabuting asawa'y tiyak niyang mabuti naman itong ama.

Hangang eksaktong hindi na niya halos kaya ay dumating narin ang doctor.Kitang kita niya ang malaking pag aalala nito sa mukha habang napapa ngiwi siya sa nararamdamang sakit.
Hanggang sa sumama ito sa loob ng delivery room dahil allowed naman iyon sa hospital na napili niyang para manganak.

"Ok push,pushhh!"
Ang doctor habang sumusunod siya sa sinasabi nito'y naramdaman na niyang malapit na.

"Ok,ok good,I see the head now."

Nung sinabi iyon ng doctor ay napangiti siya at napatingin sa lalaking nasa ulunan niya.Ang kaninang nakita niyang pagpapawis nito'y napalitan ng pamumutla.Naagaw ng pansin niya ang anak na dumulas palabas

"Ok it'a healty baby boy,congratulations to the both of you and-"

Kasabay nito ang malakas na pagkalabog.

Agad niyang nakita ang lalaki na nakatimbuwang sa sahig.Nagulat siya at tipong hindi niya alam ang gagawin ng makita ang hitsura nito.

"It's ok it's ok mommy!Brace yourself"
Tapik sa hita niya ng doctor at nakita niyang kaagad dinaluhan si Rigor ng mga tao sa loob kasama na ang ilang nurse.

...

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Magkapanabayan halos ang boses ng dalawang lalaki sa pagtatanong.

"O-Ok naman."
Paos na boses niyang sagot sa dalawang lalaking nakakapit sa kanya.Isa sa kamay isa sa may paanan niya.

Si Cort sa kamay niya habang si Rigor ang nasa paanan.
Iiling iling ang kanyang tita sa sitwasyon.

"Hetooo na siya!"
Agaw nito sa atensiyon nila ng ipinapasok na sa loob ang kanyang anak.Ang kanina lang na dalawang lalaking nakakapit sa kanya ay magkasabayan ding tumayo upang tingnan ang kanyang anak.

"Kamukhang kamukha ko siya."
Wala sa sariling nasambit ni Rigor.


Hindi naman nila napigilang magkatinginan.
Totoo ang sinasabi ng lalaki dahil kasing pogi nito ang kanilang anak.Maige nalang!.



...

Palabas na silang mag ina at naibilin na sa kanya ng doctor ang mga ilang bagay subalit ang dalawang lalaki'y kung ilang araw siya roon ay saglit lang ang mga ito nawawala at bumabalik kaagad.Akala mo'y mga walang inaasikaso't walang balak na magpatalo.Kadalasa'y napapailing nalang ang kanyang tiya sa sobrang pagkailang sa dalawa.

Hanggang sa pasakay na sila sa kotse ni Cort ay nakasunod parin si Rigor.Wala na lang itong nagawa ng tuluyan na silang nakapasok sa loob.Nag offer kasi si Cort na ito ang mag uuwe sa kanila ngayon at hindi na nila ito natanggihan.


Pinanoood ni Arabella ang bawat kibot ng kanyang anak at hindi niya maipaliwanag ang ligayang nadarama.Kakaiba iyon.Nakakagaan ng pakiramdam.
Mula kahapon ay wala ng tigil ng pagpapadala ng mensahe sa cellphone niya si Rigor.Nagtatanong,nag uusisa at nagpapaalala.
Minsan ay hindi na niya naiwasang makulitan rito.
Wala nga roon ang lalaki ngayon ngunit parang hindi naman ito umaalis sa kanyang tabi.Sa kanilang mag ina.

Hanggang isang araw ay hindi na yata nakapagpigil pa ang lalaki'y pinuntahan narin sila.
Halos magkapanabayan pa ang dalawang lalaki.

Minsan ay kinausap na niya ang lalaki.

"Bakit ka laging narito?Hindi kaba nahihiya sa asawa mo?"


"Wala siyang magagawa,anak ko ang bata.Anak natin!"
May diin ang huling sinabi nito sa kanya.

Hindi na niya sinubukan pang pigilin ang lalaki dahil alam na rin naman niya ang isasagot nito.Kung dati'y mapilit ito lalo na ngayon na malaki ang dahilan nito lalo.

Kinabukasan ay hindi niya inaasahan ang magiging bisita niya.
Ang asawa ni Rigor.


"Ikaw!Ikaw babae ka!Hindi mo ba talaga titigilan si Rigs?Ang kapal talaga ng mukha mo no!"


"O,bakit hindi siya ang pagsabihan mo?"
Sagot niya sa nagngangalit na babae.

"Bakit hindi ka magpakalayo layo?!"

"Sino ka naman para utusan ako?"


Ngumising aso ito bago siya sinagot.
"Aminin mong ginagamit mo ang bata upang maagaw sa akin si Rigs!"

"Kahit wala pa ang bata'y matagal na akong ginugulo ng asawa mo!"

"Paano'y malandi ka!Ginayuma mo lang siya alam ko!Ang akala mo siguro'y hindi ko alam ano?Makapal ang mukha mong babaeng pangit!"

Muntik na siyang nanlumo sa sinabi nito.Ano ngayon ang isasagot niya?

Ngiting tagumpay ito ng makitang pinanghinaan siya ng loob at magtutungayaw pa sana ito kung hindi lang sa dumating na lalaki na ngayon ay bumitbit dito.


Nagsisisigaw parin ito kahit bitbit na ng lalaki.
Nagpapaunawang tingin naman ang iniwan ni Rigor sa kanya bago umalis bitbit ang asawa.


Ayaw man niyang aminin ay nakadama siya ng inggit at kurot sa dibdib ng makita ang eksena kanina.
Yakap ito ni Rigor.Ewan ba niya sa damdamin niya,hindi niya maiwasang makadama ng ganoon kahit na nga ba ni katiting na karapatan ay wala siya.


"Sumusobra na ang babaeng iyon.Ngunit ano ang magagawa natin.Siya ang asawa."
Sabi sa kanya ng kanyang tiya.

"Matigas po kasi ang ulo ni Rigor.Pilit ko po siyang pinipigilang magpunta punta rito ngunit sadyang ayaw niyang magpapigil."



"Hayaan mo't ako ang kakausap."


...

Pag uwi ng bahay ay hinanap kaagad ni Rigor ang kanyang alak.
Ito lang ang naging karamay niya gabi gabi.Gusto na niyang magpakasira dahil sa nararamdaman.Wala narin siyang ganang tuklasin ang anomalyang nangyayari sa kumpanya.
Ngunit ng nalaman niyang magkakaanak siya'y biglang nagbago ang kanyang pasya.Biglang sumiglang muli ang kanyang buhay.Nagkaroon siyang muli ng pag asang mabuhay.Alang alang sa kanyang anak.
Hindi man matutupad ang kanyang mga pangarap dahil sa naging malaking hadlang ay makilala man lang siya ng kanyang anak.Kahit iyon man lang.
Kahit iyon man lang...








Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon