36.

171 7 4
                                    

Nang araw na iyon ay mayroon hindi inaasahang bisita si Arabella.

"Kumusta kana?"
Anang lalaking halatang malayo pa ang pinanggalingan.

"Ano ang magandang hanging nagpadpad sayo ritong muli?"
Salubong niya sa bagong dating na si Cort.


"Ano pa?Ibinulong sa akin ng hangin na muli kitang paligayahin."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"I'm sorry to dissapoint you but I'm just kidding."

Doon natawa si Arabella sa sinabi nito.

"Ikaw ha,parang may nag iba sa iyo.Sa tingin ko lang iyon ha."

"Ikaw talaga palabiro ka parin.Hindi kana nagbago."

"Ikaw din,parang may kakaiba sa iyo ngayon?O dahil ba matagal tayong hindi nagkita?Wala kamanlang pasubali na uuwi ka,disin sana'y nasundo kita sa airport."

"Huwag na.Kaya nga surprise eh.Kamusta kana?Nabalitaan ko ah?"

Nakuha na kaagad niya ang ibig nitong sabihin.Nginitian at inilingan niya nalang ito kasabay ng matamis na ngiti.

"Bakit hindi tayo kumain sa labas mamaya?Siguro nama'y mapagbibigyan mo ako.Isama natin ang anak natin.O joke uli iyon ha!"


Doon nagkaroon ng sound ang kanyang tawa dahil sa sinabi nito.
At nagkatawanan sila.


"O nakarating ka na pala iho."

Nagtatakang napatingin siya sa tiya.


"Alam niyo tita?"
Patakang tanong ni Arabella.

"Aba'y siya ang me ideya.Napa oo na ako."
Natatawang sabi ng kanyang tiya habang karga nito ang kagigising lang na anak.

Kaagad itong kinarga ni Cort at sumama naman ang bata.

Doon dunating si Rigor at base sa mukha nito'y hindi nito nagustuhan ang nadatnang tagpo.

Para namang naka halata si Cort at agad ibinaba ang kanyang anak.

Awtomatikong lumapit naman agad ang bata sa ama.

"Siya nga pala.Dumating na si Cort buhat sa Amerika kani-kanina lang."
Siya ang bumasag sa namumuong tensiyon.

Mabuti nalang at mukhang nasakyan naman iyob ng dalawang lalaki.
Nagpaalam muna ang mag ama sa kanila na saglit na lalabas.
Pinayagan naman niya at pinabaunan ng tiya niya ang dedehan ang bata.

Pagkatapos noon ay nagkakwentuhan na sila ni Cort habang inilabas nito ang laman ng mga boxes na dala nito para sa kanilang lahat.

Bagaman nagkakailangan ang dalawang lalaki ay naging ok naman ang ilang oras na magkakasama sila.
Doon narin kumain ang mga lalaki.

"Siguro'y bukas nalang kita aanyayahan."

Ang tinutukoy nito ay ang anyaya nitong kumain sila sa labas.

Napangiti siya na sinabayan niya ng tango.

Kinawayan niya muna ito bago ito tuluyang nakaalis.


Paghakbang niya pabalik ay nabungo ang kanyang nguso sa mabangong polong gray,agad siyang lumayo at naiilang na napatingin sa nakabungguan.

"Bakit umuwi na siya?"
Nakakunot na tanong nito sa kanya.


"Siguro'y tapos na ang sadya niya doon."
Sinabayan niya iyon ng kibit balikat at taas ng kilay.

"May lalakarin ba kayo bukas?"

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon